Tambuling Batangas Publication September 12-18, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. P r a y e r : T h e M o s t P o w e r f u l W e a p o n ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Halos P13.5 billion- Batangas City Annual Investment Program for FY 2019 inaprubahan p. 2 Go lauds PH athletes in Asian Games p. 5 Residente ng 17 barangay nag donate ng dugo p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 38 September 12-18, 2018 P6.00 Panlimang barangay idineklarang drug-free BATANGAS CITY-Magandang halimbawa ang ipinakikita ng barangay Maapaz sa mahigpit na paglaban nito sa ilegal na droga at nagbunga ang ginagawa nito ng ideklara ito ng Batangas City Police Station na drug-free barangay. Pinangunahan ni P/Supt Sancho Celedio, acting chief of police, ang pag didikit ng drug- free barangay sticker sa mahigit na 50 bahay sa Maapaz noong Septmeber 3 kasama ang ibang pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at Barangay Anti-Drug Abuse Council. Ayon kay Pangulong Vlademir Arellano, hindi pa siya ang pangulo ay strikto na ang barangay officials sa mga taong nadating o maninirahan sa kanilang barangay kaya na momonitor nilang maige ang lahat na nakatira sa kanilang lugar. Sinabi pa niya na bago makakuha sa kanila ng residence o barangay clearance ang isang indibidwal ay kailangan muna mag pa drug test at ipakita ang resulta na siya ay negatibo sa droga.. Hindi rin sila basta nag papapasok o nag papatira ng hindi lehitimong taga barangay. Nag sasagawa rin sila ng unannounced random drug test sa mga kabataan. Sinabi rin niya na malaking responsibilidad sa pamunuan niya ang pagiging drug- free ng kanilang barangay dahilan upang lalo silang maging mapagmatyag sa kanilang residente. (PIO Batangas City) Buwan ng Wika ipinagdiwang BATANGAS CITY- Ipinagdiwang ng Cristo Rey Institute for Career Development (CRICD) ang Buwan ng Wika noong Agosto sa pamamagitan ng iba’t ibang kompetisyon. Ayon kay Ed Borbon, president at school director ng CRICD, layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na mas mapaigting pa ang paggamit ng wikang Filipino upang lubos na maipaunawa sa nakararami na wala nang mas hihigit pa sa sariling wika kung ito ay gagamitin sa matuwid at mabisang pagpapahayag o komunikasyon. Nagdaos ng Lakan at Lakambini 2018 kung saan ang mga lumahok ay minarkahan sa mga sumusunod na pamantayan: Pilipinong Anyo, Kaakmaan ng Kilos at Gawi, Tindig at Tikas, Pagdadala ng Kasuotan at Pagdadala ng Sarili. Tampok din ang paligsahan ng pag awit ng solo at dueto, pag bigkas ng tula at dagliang pag talakay. Hinirang na Lakan at Sundan sa pahina 3.. 50 bahay sa Maapaz noong Septmeber 3 kasama ang ibang pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at Barangay Anti-Drug Abuse Council Business establishments tutupad sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003 NAGPAHAYAG ng kooperasyon at pakikiisa ang mga business establishments sa Batangas City sa istriktong pagpapatupad ng R . A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na sisimulan sa October 1 sa pagpupulong sa kanila ng Batangas City Solid Waste Management Board noong September 4 sa Batangas City Convention Center. Ang pagpupulong ay ipinatawag ng Enforcement Committee ng SWMB na pinamumunuan ni PSupt Sancho Celedio na kinatawan dito ni PCI Apolinario Palomino. Sinabi niya na kasama ang Monitoring Committee ay iikot randomly sa mga barangay at commercial establishments ang enforcement committee simula sa October 1, kung kaya’t dapat lamang ay may sapat na kaalaman ang mga establisimyento ukol sa batas na ito. “Hindi po namin gusto na kayo ay mahuli para mag multa o makasuhan, ang gusto po namin tayo ay magkaintindihan at magkaisa sa pangangalaga ng kapaligiran,” sabi ni PCI Palomino. Mahigpit na ipinagbabawal ng RA 9003 ang paggamit ng plastic, partikular ay plastic, labo, linaw at sando bag, pagtatapon ng mga basura sa kanal, ilog, dagat at iba pang lugar na hindi itinakdang tapunan, pagpapatupad ng waste segregation, recycling at paggamit ng reusable products. Sumang-ayon ang mga establishments sa paggamit ng re-sealable plastics (zip lock) na maaring ilang ulit na gamitin, reusable containers para sa mga take-out na pagkain, paper cups sa halip na plastic cups para sa mga liquid products, kagaya ng kape, frappe’, juice, palamig at iba, eco-bags o malalaking supot para sa mga laundry shops na maaring sariling dala ng customers o bibilhin nila sa shops. Napagkasunduan rin na maari gamitin ang plastik para sa display at taguan lamang ng mga panindang damit, sa halip ay ilalagay ito sa supot o store bag kung bibilhin ng customer. Walang plastic na dapat ilalabas ang mga boutique. Ang plastic ay iipunin ng boutique at ibabalik sa supplier ng produkto. (PIO Batangas City) CHO magsasagawa muli ng blood donation campaign blood donation ng Batangas City Health Office (CHO) MAGKAKAROON ng blood donation project ang Batangas City Health Office (CHO) sa September 10, mula ika-8:00 ng umaga sa Pallocan West covered court. Inaasahan na pangunahing magbibigay ng dugo ang mga residente ng mga barangay na kabilang sa Rural Health Unit 6 kagaya ng: Pallocan West, Pallocan East, Sampaga, Tulo, Paharang East, Paharang West, Bilogo, Maapaz, Sico, Gulod Labac, Gulod Itaas, Mahacot East, Mahacot West, Catandala, Dalig, San Pedro at Dumantay. Inaasahan din ang pakikiisa ng lahat ng taga-lungsod sa proyektong ito ng Department of Health na binibigyang prayoridad ng CHO. Noong nakaraang taon ay ginawaran ng award ang ang Batangas City bilang Most Outstanding City in the Province of Batangas dahil sa mahusay na implementasyon ng CHO ng mga programa at proyekto na naayon sa Republic Act 7719 o ang National Blood Service Act of 1994. Layunin ng CHO na magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa lungsod upang makatulong sa pagliligtas ng buhay. (PIO Batangas City)