Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue

National recognition for Kalinga tattoo master... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Proposed Taal Tourism Belt, Isinusulong p. 2 Imus Bandera and Bacoor Strikers: Cavite’s pride p. 5 Pagdiriwang ng ika-118th Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, Opisyal na Sinimulan sa Kapitolyo p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 37 September 5-11, 2018 P6.00 Motion for Finality of Judgement, inihain ni Gov. Mandanas para sa IRA petition NAGHAIN ng mosyon si Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas para magkaroon na ng Entry of Finality of Judgement ang desisyon ng Supreme Court na sumasang-ayon sa consolidated petition na iginiit na ang “just share” o Internal Revenue Allotment (IRA) na natatanggap ng mga local government units (LGU), ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang mosyon ay isinumite ng mga petitioner matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang national government, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, para lamang sa desisyon sa petisyong nakapaloob sa G.R. No. 208488 na ipinalabas ng SC noong Hulyo 26 . Nakasaad sa motion ng mga petitioners na inihain sa Supreme Court En Banc noong ika-28 ng Agosto 2018, na dahil dito, ang desisyon ng Korte Suprema, partikular ang nakasaad sa paragraph 2 ng Dispositive portion nito na sumasang-ayon sa Petisyon sa G.R. No. 199802 patungkol sa pagsasama sa National Internal Revenue Taxes na nakokolekta ng Bureau of Customs sa bahagi ng mga buwis kung saan dapat kinukuha ang “just share” o IRA ay nagkaroon na ng Finality o dapat nang Sundan sa pahina 2.. Buwan ng Wika ipinagdiwang BATANGAS CITY- Ipinagdiwang ng Cristo Rey Institute for Career Development (CRICD) ang Buwan ng Wika noong Agosto sa pamamagitan ng iba’t ibang kompetisyon. Ayon kay Ed Borbon, president at school director ng CRICD, layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na mas mapaigting pa ang paggamit ng wikang Filipino upang lubos na maipaunawa sa nakararami na wala nang mas hihigit pa sa sariling wika kung ito ay gagamitin sa matuwid at mabisang pagpapahayag o komunikasyon. Nagdaos ng Lakan at Lakambini 2018 kung saan ang mga lumahok ay minarkahan sa mga sumusunod na pamantayan: Pilipinong Anyo, Kaakmaan ng Kilos at Gawi, Tindig at Tikas, Pagdadala ng Kasuotan at Pagdadala ng Sarili. Tampok din ang paligsahan ng pag awit ng solo at dueto, pag bigkas ng tula at dagliang pag talakay. Hinirang na Lakan at Lakambini ng Wika 2018 sina John Robert Ebora at Geraline Sundan sa pahina 2.. Finality of Judgement sa IRA Increase. Personal na inihain ni Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas ang Motion for Entry of Finality of Judgement noong ika-28 ng Agosto 2018 sa Supreme Court Building sa Padre Faura, Ermita, Manila para sa IRA petition na nauna nang kinatigan ng Supreme Court. Batangas Capitol PIO Business establishments tutupad sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003 NAGPAHAYAG ng kooperasyon at pakikiisa ang mga business establishments sa Batangas City sa istriktong pagpapatupad ng R . A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na sisimulan sa October 1 sa pagpupulong sa kanila ng Batangas City Solid Waste Management Board noong September 4 sa Batangas City Convention Center. Ang pagpupulong ay ipinatawag ng Enforcement Committee ng SWMB na pinamumunuan ni PSupt Sancho Celedio na kinatawan dito ni PCI Apolinario Palomino. Sinabi niya na kasama ang Monitoring Committee ay iikot randomly sa mga barangay at commercial establishments ang enforcement committee simula sa October 1, kung kaya’t dapat lamang ay may sapat na kaalaman ang mga establisimyento ukol sa batas na ito. “Hindi po namin gusto na kayo ay mahuli para mag multa o makasuhan, ang gusto po namin tayo ay magkaintindihan at magkaisa sa pangangalaga ng kapaligiran,” sabi ni PCI Palomino. Mahigpit na ipinagbabawal ng RA 9003 ang paggamit ng plastic, partikular ay plastic, labo, linaw at sando bag, pagtatapon ng mga basura sa kanal, ilog, dagat at iba pang lugar na hindi itinakdang tapunan, pagpapatupad ng waste segregation, recycling at paggamit ng reusable products. Sumang-ayon ang mga establishments sa paggamit ng re-sealable plastics (zip lock) na maaring ilang ulit na gamitin, reusable containers para sa mga take-out na pagkain, paper cups sa halip na plastic cups para sa mga liquid products, kagaya ng kape, frappe’, juice, palamig at iba, eco-bags o malalaking supot para sa mga laundry shops na maaring sariling dala ng customers o bibilhin nila sa shops. Napagkasunduan rin na maari gamitin ang plastik para sa display at taguan lamang ng mga panindang damit, sa halip ay ilalagay ito sa supot o store bag kung bibilhin ng customer. Walang plastic na dapat ilalabas ang mga boutique. Ang plastic ay iipunin ng boutique at ibabalik sa supplier ng produkto. (PIO Batangas City) Ika-8 Bantayog Wika sa Pilipinas, Pinasinayaan sa Lalawigan ng Batangas Bantayog Wika sa Batangas. Binasbasan ni Fr. Daks Ramos ang Bantayog-Wika, ang monumentong gawa sa stainless steel at hugis ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis “Junyee” Yee Jr. Makikita rin sa larawan sa okasyon ng pagpapasinaya sa monumento sina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima at Provincial Tourism Officer, Atty. Sylvia Marasigan, sa Laurel Park, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO MATAPOS ang ilang buwang preparasyon, pinasinayaan ang Bantayog-Wika sa Liwasang Laurel, Provincial Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018. Ang nasabing Bantayog- Wika ay gawa sa stainless steel sa hugis ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis “Junyee” Yee Jr. Mga talata mula sa panulat ni Andres Bonifacio na “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ang nakaukit sa katawan ng language marker. Ang pang-walong Bantayog-Wika sa buong Pilipinas ay pormal na pinasinayaan ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gobernador Hermilando Mandanas, kasama ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima, na kumakatawan sa National Artist for Literature at National Commission for Culture and Arts at KWF chairperson na si Virgilio Almario. Sundan sa pahina 3..