Tambuling Batangas Publication October 31-November 06, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. The Do’s and Don’ts when in Boracay... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) P2B proposed budget ng Batangas City for 2019 inaprubahan ng SP p. 2 DENR-BMB holds consultations on IP-based biodiversity policies p. 5 20 scholars sasanayin ng DICT sa online job p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 45 October 31-November 6, 2018 P6.00 Mga estudyante nagpakita ng livelihood skills sa Technolympics 2018 IDINAOS ang Technolympics 2018 sa ikatlong pagkakataon sa Batangas National High School, October 16, kung saan nagtagisan ng galing ang mga lumahok na estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa iba’t ibang livelihood skills. Ayon kay Maritess Manalo, teacher 2 sa BANAHIS at tumatayong pangulo ng samahan, layunin ng Technolympics na mahasa sa ibat-ibang kasanayan o skills ang mga kabataan upang maging produktibong mamamayan. Kabilang sa competition ang dish gardening at Tshirt printing para sa grade 5 at 6 students, food production (meat, fish at vegetables), bread and pastry production at dressmaking para sa mga Junior at Senior HS students at mga mag-aaral sa Alternative Learning System at Special Education.. Ang magwawagi dito ay ilalaban sa regional level na gaganapin sa November 7-10 sa Laguna. Lubos ang pasasalamat ng grupo sa pamahalaang lungsod sa suportang ipinagkakaloob nito partikular ang lahat ng kagamitan na kailangan sa kompetisyon. Hangad ng grupo na higit pang mapalago ang kakayanan at kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya at paggawa ng mga makabagong bagay (technology and innovation). Plano nila na magsagawa ng mga seminar at pagsasanay upang mabigyan ang mga guro ng National Certificate II. Samantala, pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga opisyales ng Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan /Technology Livelihood Education Division Organization sa BANAHIS. (PIO Batangas City) Proposed ordinance sa septage management tinalakay sa public hearing TINALAKAY sa public hearing ng Sangguniang Panglungsod, October 22, ang panukalang “The Batangas City Septage Management Ordinance” na inakda ni Konsehal Nestor Boy Dimacuha bilang pagtupad sa ipinaguutos ng Republic Act 9275 o Philippine Clean Water Act. Dumalo rito sina City Administrator Narciso Macarandang, City Legal Officer Teodulfo Deguito, mga kinatawan ng Prime Water Corporation, Batangas City Water District (BCWD), Provincial Environment and Natural Resources Office (PGENRO), City Environment and Natural Office (CENRO) at kinatawan ng City Engineer’s Office. Narito rin ang mga barangay officials, mga estudyante at kinatawan ng paaralan at iba pang sektor. Ayon kay Councilor Sundan sa pahina 2.. Technolympics 2018 sa ikatlong pagkakataon sa Batangas National High School Mga kababaihan sa barangay nagseminar sa cancer awareness BATANGAS CITY- Kaugnay ng observance ng Cancer Awareness Month ngayong Oktubre, dumalo sa Breast-Cervical Cancer Awareness and Screening Seminar ang mga kababaihan sa cluster 1 at 2 ng Poblacion, na binubuo ng 11 barangay. Layunin ng seminar na ito na itinaguyod ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at sa pangangasiwa ng Kalipunan ng LIping Pilipina (KALIPI) na mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan kung ano ang mga sintomas ng breast cancer at kung papaano ito maiiwasan. Sa datos ng City Health Office (CHO), ang lahat ng klase ng cancer ang isa sa mga nangungunang dahilan ng kamatayan sa lungsod. Ayon kay Dr. Liza Gonzales ng CHO, bagamat ang bukol ang isa sa mga sintomas ng cancer, maliit na porsiyento lamang ng mga bukol ang nagiging breast cancer. Ngunit kung may madiskubreng bukol, agad itong ipatingin sa duktor sapagkat ang tagumpay sa paggamot ng cancer ay nakasalalay sa maagang diagnosis. Sinabi naman ni Lucia Rosuello, Nurse II ng CHO ang hindi pag- eehersisyo, pag-inom ng alak, pagiging overweight , pag-inom ng partikular na klase ng oral contraceptive na pills, ang unang pagbubuntis sa edad na 30 pataas ay ilan lamang sa mga bagay na nakakataas ng risk ng pagkakaroon ng breast cancer. Paalala pa rin ng CHO na gawin kada buwan ang breast self-examination isang lingo matapos ang buwanang dalaw. Kailangan kumunsulta kaagad sa doktor kung may bukol sa suso. (PIO Batangas City) Financial Assistance ibinigay sa Mahihirap na Senior Citizen May 2,494 higit na nangangailangang senior citizens ang tumanggap ng kanilang unconditional cash transfer (UCT) na P2,400 mula sa Department of Social Welfare & Development Office BATANGAS CITY- May 2,494 higit na nangangailangang senior citizens ang tumanggap ng kanilang unconditional cash transfer (UCT) na P2,400 mula sa Department of Social Welfare & Development Office kasunod ng pagtaas ng bilihin bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Saklaw nitong UCT ang mga mahihirap na pamilyang hindi makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN. Nasa 200 kada buwan ang ayudang itinakda ng batas pero nagdesisyon ang DSWD na ibigay na ang pang-buong taong ayuda na P2,400. Ang pamamahagi ay isinagawa sa Batangas City Coliseum noong October 16- 17 kung saan kasama ng mga senior citizen beneficiaries ang mga Pantawid Pamilya Pilipino Program (4 Ps) grantees. Ayon kay Mila Española, hepe ng City Social Welfare and Development Office, “hindi naman po ito malaking halaga pero malaking tulong din ito sa pang araw-araw na pangangailangan.” Sinabi pa niya na ito ay isang “safety net” o proteksiyon para sa mga mahihirap upang matulungan silang makahabol sa Sundan sa pahina 3..