Tambuling Batangas Publication November 28-December 04, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Stress test: saliva swab detects workplace burnout... p.5 Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Kinilala Bilang Local Autonomy Champion p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) PIA launches ASEAN books on historic media, communication p. 5 Alay Lakad 2018 ng Batangas Province Ginanap sa Provincial Sports Complex p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 48 November 28-December 4, 2018 P6.00 Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade, Umarangkada sa Batangas City BILANG pagpapatunay ng sinseridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, sa kampanyang maging ligtas ang Lalawigan ng Batangas sa ipinagbabawal na gamot at masamang epekto nito, nakiisa ang Provincial Anti- Drug Abuse Council (PADAC) sa isinagawang Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade na umikot sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2018. Sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office, naisagawa nang maayos ang kampanya ng grupo na mas maipabatid sa madla ang kahalagahan ng kaalaman laban sa ipinagbabawal na droga. Kabalikat sa nasabing adhikain ang Batangas Provincial Police Office, sa pangunguna ni Batangas Provincial Director Atty. Edwin Quilates, Department of the Interior and Local Government (DILG), iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at ilang Non- Government Organizations (NGOs) na sumusuporta sa information education campaign ng proyektong ito. Sa isinagawang Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at PADAC noong ika-27 ng Nobyembre 2018 sa Kapitolyo ng Batangas, inaprubahan na ng PADAC ang apat (4) na taong plano nito na magiging giya ng lahat ng kasapi para sa kanilang sama-samang pagkilos tungo sa isang Drug- Free Batangas sa taong 2025. JJB Pascua – Batangas Capitol PIO Drug – Free Batangas Province. Kabilang ang Philippine National Police – Batangas Province sa mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na umarangkada sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2018. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO 852 Scholars Nakatanggap MoU para sa Batangas Provincial Commodity ng Educational Assistance Investment Plan 2018-2020, Pinagpulungan mula sa Kapitolyo UPANG makamit ang nagdaos ng isang preliminary A, Philippine Coconut Authority 852 na mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tumanggap ng educational assistance sa isinagawang distribution kaugnay ng Batangas Province Scholarship Program na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong November 12, 2018. Sa pangunguna ni Gng. Merlita Pasatiempo ng Provincial School Board – Scholarship Division, maayos na naipamigay ang mga scholarship grants, na may kabuuang halagang halos PhP 3 Milyon, sa mga maintainers at new applicants. Naging aktibong kabahagi ng aktibidad si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay ng mensahe patungkol sa pagpapalakas ng edukasyon, kalusugan at kaayusan ng bansa sa mga darating pang henerasyon. Ayon kay Roque, masuwerte ang mga kabataang Batangueño sa pagtataguyod ng educational program ni Gov. Mandanas. – JJB Pascua, Photo: Junjun De Chavez Jr – Batangas Capitol PIO layunin ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na madagdagan ang kita, pagiging produktibo at kakayahang makipagkumpitensya sa ibang mga lugar pagdating sa industriya ng agrikultura, napagpasyahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) for the Inter-Agency Convergence to Institutionalize Support for the Implementation of the Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) 2018- 2020. Kaugnay nito, meeting para sa paghahanda sa pagpirma sa MOU noong ika- 13 ng Nobyembre sa Provincial Planning and Development Office Conference Room, Capitol Compound, Batangas City. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga ahensyang kabilang sa MOU gaya ng Department of Trade and Industry (DTI) Region IV-A, Department of Science and Technology (DOST) IV-A, Department of Agrarian Reform (DAR) IV-A, Department of Environment and Natural Resources (DENR) IV- (PCA) IV-A, Fertilizer and Pesticides Authority (FPA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IV-A, National Irrigation Administration (NIA), National Dairy Authority, Philippine Carabao Center South Luzon, Agricultural Credit and Policy Council (ACPC) IV-A, Batangas State University (BSU), Landbank of the Philippines, Agricultural Training Institute, Bureau of Agricultural Research at Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC). Ang nasabing Sundan sa pahina 2.. Children’s Month, Ipinagdiwang ng Batangas Capitol Batangas, Batangas Provincial Police Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa lahat ng Bata. Isang makabata at punong-puno ng kasiyahan na pagdiriwang ang naganap sa Batangas Provincial Auditorium para sa isinagawang selebrasyon ng Children’s Month ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-28 ng Nobyembre 2018. Makikita sa larawan (itaas na bahagi) ang mga mag-aaral mula sa O.B. Montessori Pagsasarili Preschool na nagbigay ng isang pampasiglang bilang at (ibabang bahagi) ang tinanghal na Child-Friendly Barangay 2018, ang Barangay Bukal, Padre Garcia, Batangas. ✎Mark Jonathan Macaraig /Photo by: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO BILANG bahagi ng pakikiisa sa selebrasyon ng Children’s Month, ngayong buwan ng Nobyembre, nagdaos ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng isang programa para sa mga kabataan ng lalawigan, na may temang “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa lahat ng Bata,” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-28 ng Nobyembre 2018. Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Gng. Jocelyn R. Montalbo, katuwang ang mga bumubuo ng Provincial Council for the Protection of Children, mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Education – Office at ilang mga non-government organizations. Dinaluhan ang selebrasyon ng mga kabataan kasama ang kani- kanilang mga magulang at ilang Municipal Social Welfare and Development Officers na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng probinsiya. Pormal na inumpisahan ni Gng. Montalbo ang selebrasyon sa pagbibigay ng kanyang mensahe. Dito ay binigyang-diin niya na ang layon ng programa ay upang mabigyan ng halaga ang pagsusulong ng karapatan ng kabataan sa lalawigan. Ayon sa PSWDO Head, malaki ang nakalaang pondo sa proyektong ito, nang sa gayon ay malaman kung ano Sundan sa pahina 3..