Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Get to know the new National Artists... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) 2018 Farmers’ Day sa Batangas, Ipinagdiwang p. 2 World Teachers’ Day 2018, ipinagdiwang sa Dasmarinas City p. 5 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition 2018, Inumpisahan na p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 48 November 21-27, 2018 P6.00 Calumpang 3rd bridge tatapusin ang construction sa Disyembre BATANGAS CITY-Target na matapos ang construction ng P338- million Calumpang 3rd Bridge sa katapusan ng Disyembre ayon sa contractor nito na Freyfil Corporation kayat 24 oras ang trabaho dito ngayon ng may 100 construction workers kasama na ang subcontractor. Ang proyekto ay binisita nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino noong November 9 upang makita kung ano na ang status ng construction. Ayon kay Engr. Ronald Litan, project manager ng Freyfil Corporation, ang project ay 83% completed na. “We already completed half span of the bridge, we installed the box girders halfway already, its approach needs one layer more sa backfill area so we will soon start the concrete pavement and we’ll be able to attain the December completion date. Konting tiis na lang.” Magkakaroon lang aniya ng delay kapag sumama ang panahon kung saan sineseguro nila ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa at ang mataas na kalidad ng trabaho. Ang four-lane bridge na ito ay 140 meters ang haba at 15 meters and lapad at nagkukunekta sa Sitio Ferry, Barangay Kumintang Ibaba, Calumpang River at Barangay Gulod Labac. Ang approaches nito ay ay 100 meters mula sa two sides ng tulay. Ginagawa ang mga kalsada na kukunekta sa dalawang approaches, 353.40 meters sa Sitio Ferry, Kumintang Ibaba side at 348.47 meters sa Gulod Labac . Ang construction ng 3rd Calumpang Bridge ay ipinatutupad ng Office of the City Engineer sa pamamagitan ng Build and Design Scheme under contract ng Freyfil Corporation.(PIO Batangas City) P8 milyong school building sa barangay Dao CLB at partner lumagda sa MOA para sa career growth ng mga guro pinasinayaan Office of the City Engineer sa pamamagitan ng Build and Design Scheme under contract ng Freyfil Corporation.(PIO Batangas City) BATANGAS CITY- Pinasinayaan ang P8million- 2 storey school building sa Dao Elementary School para sa may 389 Grades 5 at 6 students, November 22, isang proyekto na ipinagawa ng Dep Ed (national level) sa pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Marino. Ang blessing at ribbon cutting ceremony ay pinangunahan nina Congressman Marino, Vice Mayor Jun Berberabe, Konsehal Nestor “Boy” Dimacuha, mga barangay at school officials. Ang nasabing proyekto na may apat na malalaking classrooms ay magagamit na sa susunod na pasukan. Ang isang comfort room dito ay para sa mga estudyanteng may kapansanan. Ayon kay Cong. Marino, “ako po ay nakikipag usap doon sa mga cabinet secretaries partikular sa DepEd Sundan sa pahina 2.. PUMASOK ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Arczone Professional Development Inc. kung saan magsasagawa ng mga seminars at trainings ang huli sa CLB para sa professional advancement ng mga guro, na kailangan sa renewal ng kanilang lisensya alinsunod sa Republic Act 10912 o “Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016. Ang MOA ay nilagdaan sa pagitan nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, chairman ng Board of Trustees (BOT) ng CLB, College Administrator/ BOT Vice-Chairman Dr Lorna Gappi at si Arczone Professional Development Inc. President Dr Arceli Amarles at VP Dr Gina Lontoc. Ang MOA ay tatagal sa loob ng isang taon. Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na sumasangayon sa pagpasok ni Mayor Dimacuha sa kasunduang ito. Hindi lamang mga guro ng CLB kundi ibang mga guro ng public at private schools sa Batangas City ang pwedeng maka avail ng mga seminars at trainings na ito ng hindi na nila kailangan pang pumunta sa ibang lugar. “Pag nagseminar ka sa ibang lugar, siyempre interesado ka sa makikita mo sa lugar kaya hindi ka masyadong makapag focus sa seminar. Kung dito sa atin, mas makaka focus tayo sa seminar. Menos gastos pa at mas maalwan,” sabi ni Dr. Gappi. Sundan sa pahina 2.. Training sa Basic Geographic Information System para sa disaster preparedness isinagawa 30 barangay officials, Sangguniang Kabataan officials at ilang residente ng Solid East at apat na barangay sa poblacion ang sumailalim sa pagsasanay sa Basic Geographic Information System (BGIS) ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) HALOS 30 barangay officials, Sangguniang Kabataan officials at ilang residente ng Solid East at apat na barangay sa poblacion ang sumailalim sa pagsasanay sa Basic Geographic Information System (BGIS) ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang sa pamamagitan nito ay madaling matukoy ang mga lugar sa hazard map ng Lungsod . Ang BGIS ay isang system na dinisenyo upang ma capture, store, manipulate, analyse, manage at ma present ang lahat ng uri ng geographical data. Ayon sa mga trainers na sina Prances Generoso at John Philip Serrano ng Research and Planning section ng CDRRMO, ang kahalagahan ng BGIS ay “upang matukoy ang mga evacuation routes, pick up points, landmark at disaster plans sa pamamagitan ng paglolocate nito sa computer.” Sinabi naman ni Jerick Czar Atienza ng CDRRMO na dapat ay computer literate ang sasailalaim sa workshop na ito dahil gumagamit ng thematic mapping gamit ang quantum geographic information system o QGIS at pagkuha ng datos gamit ang global positioning system Sundan sa pahina 3..