Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Get to know the new National Artists... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) 2018 Farmers’ Day sa Batangas, Ipinagdiwang p. 2 World Teachers’ Day 2018, ipinagdiwang sa Dasmarinas City p. 5 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition 2018, Inumpisahan na p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 47 November 14-20, 2018 P6.00 Batangueño Best Male Speaker sa Thailand debate, Kinilala ng Batangas Capitol BINIGYANG pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si John Raphael D. Abu ng Lyceum of the Philippines University Batangas na tinanghal na Best Male Speaker sa 1st Student English Debating Competition ng Association of Universities of Asia and the Pacific (AUAP) na ginanap sa Bangkok, Thailand noong October 15-20, 2018. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, kasama sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan at 6th District Board Member Lydio Lopez, ang paggagawad ng Sertipiko ng Pagkilala kay Abu, na isang AB Communications student. Kasamang niya sa entablado na tumanggap ng sertipiko ang kaniyang mga magulang na sina 2nd District Congressman at Deputy Speaker Raneo Abu at Mrs. Maria Paz Abu. Kabilang si Abu sa LPU Batangas Debate team na dumayos sa bansang Thailand, kasama sina Bianca Jenella Guillo, Jorell Cristopher Johnson at ang coach na si Dr. Arnie Villena. – JJBPascua, Batangas Capitol PIO Pagdiriwang ng 40th NDPR Week sa Bayan ng Bauan, Tagumpay NAGING matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa bayan ng Bauan noong ika-6 ng Oktubre 2018 na ginanap sa Bauan Municipal Hall Lobby. Ang nasabing pagdiriwang ay taunang idinadaos sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office ng naturang bayan sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Cynthia Togle, kasama ang mga kawaning naglilingkod sa tanggapan, at katuwang ang Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI), sa pangunguna ng pangulo nitong si Mr. Nelson R. Adante. Sa temang “Kakayahan at Kasanayan Para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran”, naging sentro ng 40th NDPR Week Celebration ang pamamahagi ng grocery items sa may humigit kumulang na 100 miyembro ng samahan ng Persons with Disabilities (PWDs) ng Bauan. Ang pondong ginamit upang makapagbigay ng mga handog ay galing sa Pamahalaang Bayan ng Bauan na nagkakahalagang Php350,000.00 kung saan ito ang ipinaglaban ni Chairman ng Committee of Persons with Disabilities at Konsehal William Abrahan sa Sangguniang Bayan na nakalaan din para sa iba pang mga gastusin at proyekto. Sa isang mensahe mula kay Mayor Bojie Casapao, hindi aniya sila magsasawang tumulong sa mga taong may kapansanan at kung ano man ang mga pangangailangan ng mga PWDs ng Bauan, ay gagawin Sundan sa pahina 2.. John Raphael D. Abu ng Lyceum of the Philippines University Batangas na tinanghal na Best Male Speaker sa 1st Student English Debating Competition ng Association of Universities of Asia and the Pacific (AUAP) CALABARZON Provincial Economic Accounts, Ipinakita ng NEDA sa Dissemination Forum sa Kapitolyo ISINAGAWA ang Provincial Dissemination Forum para sa Lalawigan ng Batangas kaugnay ng CALABARZON Provincial Economic Accounts (PEA), sa pagtutulungan ng National Economic Development Authority (NEDA) Region IV-A at Provincial Planning and Development Office, sa PPDO Conference Room noong ika-7 ng Nobyembre 2018. Dinaluhan ang presentasyon ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kabilang sina PPDO Department Head Benjie Bausas, Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac at Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Officer Celia Atienza, kasama ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni 5th District Board Member Bart Blanco. Kinomisyon ng NEDA Region IV-A ang isang pagsasaliksik patungkol sa Provincial Economic Accounts ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang matantya ang pang-ekonomiyang pagganap ng bawat isa. Ang presentasyon, CALABARZON Provincial Growth and Economic Structures 2011-2016: Focus on Batangas, ay ibinahagi ng mga kawani ng NEDA IV-A, sa pangunguna ni Michael Lavadia, at ng mga resource persons mula sa Orient Integrated Development Consultants, Sundan sa pahina 3.. 4,500 Batangueño Coop Members, Nakiisa sa Coop Month Celebration 2018 1 Strong Cooperative Movement sa Rich Batangas. Kaharap ang libo-libong mga Batangueño cooperative members, binigyang pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas ang pagdalo ni Senator Nancy Binay sa culminating activity ng Cooperative Month Celebration 2018 sa Batangas Province na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City noong ika-27 ng Oktubre 2018 sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng Balisong Batangas, isa sa mga kilalang Batangueño cultural icons. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Officer Celia Atienza at AGAP Party-list Congressman Rico Geron. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO NASA 4,500 mga miyembro mula sa higit dalawang-daang mga kooperatiba buhat sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas ang nakiisa at nakisaya sa culminating activity para sa Cooperative Month Celebration 2018, sa pangunguna ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City. Naging tampok na gawain sa pagtitipong pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paglulunsad ng “Batangas: 1 Strong Cooperative Movement” para sa patuloy na pagsulong ng mga kooperatiba bilang katuwang ng mga miyembro nito sa pagbuo ng matatag na mga komunidad. Pinuri at ipinagmalaki ni Gov. Dodo Mandanas ang patuloy na paglakas at paglaki ng mga kooperatiba sa lalawigan. Binigyang- diin din niya ang suporta at pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan para sa tuloy-tuloy na pagsulong ng mga kooperatiba, lalo na ang mga nagsisimula pa lamang, sa pamamagitan ng PCLEDO, na Sundan sa pahina 3..