Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Tacloban... five years after ‘Yolanda’... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Natatanging agricultural workers pinarangalan p. 2 Plastic Pollution: Still a big thing? p. 5 Meat vendors nag seminar sa meat safety p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 46 November 7-13, 2018 P6.00 Bakuna para sa mga sanggol ANO ano ang mga bakuna na dapat ibigay sa mga sanggol upang mabigyan sila ng proteksyon sa mga delikado at nakakahawang sakit? Isa sa mga programa ng City Health Office (CHO) ay ang National Immunization Program kung saan ito ay nagkakaloob ng mga bakuna kagaya ng BCG laban sa tuberculosis, oral polio vaccine, measles containing vaccine 1 at measles containing vaccine 2 na hindi lamang proteksyon sa measles kundi sa mumps at rubella. Nagbibigay din ng Hepa B vaccine na dapat ibakuna sa sanggol sa loob ng 24 oras pagkapanganak nito. Mayroon din ang CHO ng Pentavalent vaccine na kombinasyon ng limang magkakaibang bakuna sa isang vial at nagsisilbing proteksyon laban sa diphtheria, pertussis (whooping cought), tetanus, hepatitis B at Haemophilus influenza type B (Hib), isang bacteria na nagdudulot ng severe pneumonia, miningitis, at iba pang invasive diseases lalo na sa mga batang may edad na mababa sa limang taon. Pinapayuhan na bigyan ng bakuna ang sanggol kapag umabot na siya ng walong linggo mula sa pagkapanganak. Pwede silang pabakunahan sa mga health centers sa barangay. Samantala, iniulat ng CHO na may 3, 874 na sanggol ang fully immunized habang 38, 325 ang nabigyan ng mga nasabing bakuna mula Enero hanggang September 2018 . ( PIO Batangas City) Nutrition communicators pinag- aralan ang best practices sa Benguet BAGUIO CITY – Bumisita ang Comunicators Network for Nutrition (CNN) ng Calabarzon at ang PROMO Nutricom ng MIMAROPA sa Tuba Benguet sa pangunguna ng National Nutrition Coucil Region 1V-A kung saan pinagaralan nila ang mga best practices doon sa pagpapalaganap ng nutrisyon at iba pang health programs sa ilalim ng Technical Exchange Program noong Nov. 5-7. Kabilang sa delegasyon ang Batangas City na kinatawan ni Alvin Remo ng Public Information Office. Isa sa mga programang nakita rito ay ang Nutri Pasada kung saan pinupuntahan ang mga malalayong lugar ng Cordillera Region upang mabigyan sila ng edukasyon tungkol sa nutrisyon at iba pang health services. Ito’y inumpisahan noong 2013 kung saan prayoridad ang mga lugar na may malaking bahagdan ng malnutrisyon. Pinuntahan ng grupo ang mga bulubundukin ng Tuba, Benguet upang masaksihan ang pamamaraan nila ng pagtatanim sa napakataas na lugar na kanilang tinitirahan. Maliit ang mga espasyo ng lupa na pwedeng taniman sapagkat dikit dikit ang bahay. Sa kabila ng problema sa espasyo, bawat Sundan sa pahina 2.. City Health Office (CHO) para sa National Immunization Program Batangas City lumahok sa 2018 4th national earthquake drill BATANGAS CITY- Nakiisa ang mga kawani ng pamahalaang lunsod at ang dalawang public elementary schools sa Batangas City sa ginanap na 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bandang 7:30 ng umaga. Ito ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, City Social Welfare and Development Office, Philippine Red Cross Batangas Chapter, Public Information Office, at Barangay Disaster Risk Reduction Management. Sa Pallocan East Elementary School, mahigit 200 estudyante ang lumahok sa earthquake drill. Pagtunog ng alarm bell, mabilis silang nakalabas ng kanilang mga classrooms habang naka duck, cover and hold papuntang designated evacuation area. Ayon kay Ms. Mylene Pollera, principal ng nasabing paaralan, magandang masanay ang mga bata sa earthquake drill sapagkat pwede nilang ibahagi at ituro ang kanilang natutunan sa kanilang mga pamilya. Isa aniya sa kanilang tututukan ay ang palakasin ang kanilang pre-identified working areas katulad ng incident command post, medical treatment area, staging area at emergency response committee. Nagkaroon din ng earthquake drill sa Calicanto Elementary School kung saan nakita ng mga evaluators na malayo ang evacuation area at nasa labas ng paaralan dahilan sa kakulangan ng space dito.(PIO Batangas City) REROUTING IPINAGBIBIGAY alam po sa lahat na magpapatupad ng re- routing sa ilang pangunahing daan ang Transportation Development Regulatory Office (TDRO) sa November 1 kaugnay ng paggunita ng Undas. Ang mga sasakyan patungong Bolbok cemetery at Mt Zion ay lalabas sa exit ng Mt Zion patungong Calicanto Crossing. Ipatutupad ang one-way traffic scheme simula national highway papasok ng mga nasabing sementeryo. Ang mga sasakyan na papasok sa Eternal Gardens sa national highway ay gagamit ng exit gate na malapit sa cockpit arena bilang daanan palabas. Sarado ang kanto ng BIR Road para sa lahat ng uri ng sasakyan simula kanto ng national highway (ARCE) hanggang kanto ng P. Herrera St. Ipatutupad ang two- way traffic scheme simula kanto ng Red Cross hanggang Lyceum. Ang lahat ng pampasaherong dyip ay kakanan sa Noble corner P. Canlapan Street. Sarado ang kanto ng Mabini corner P. Canlapan para sa lahat ng uri ng sasakyan. Ang Supreme Bus na patungo at galing Grand Terminal ay sa Star Toll Ibaan dadaan. Nanawagan po ang TDRO sa mga Sundan sa pahina 3..