Tambuling Batangas Publication May 22-28, 2019 Issue

‘Brigada Eskwela’ ushers school season p.5. LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Batangas City tumanggap ng award sa pagpapayabong ng mga folk dances p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) From SPES beneficiary to DOLE trainee p. 5 CLB holds recognition day for industry and academic partners p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 21 May 22-28, 2019 P6.00 Palarong Pambansa gold medalists, tumanggap ng cash incentives BATANGAS City. Tumanggap ng cash incentives mula kay Mayor Beverley Dimacuha ang mga manlalarong taga-lungsod na nagwagi ng gold medal sa Palarong Pambansa na idinaos noong April 28 hanggang May 4, sa Davao City. Sila ay sina Lemuel John Cuevas at Archie Zaraspe, kapwa pambato ng Calabarzon basketball team at si Stephanie de Chavez na nag iisang taga Batangas City na myembro ng Calabarzon Volleyball team. Sila ay pawang mga grade-6 students ng Saint Bridget College. Tinanghal na kampeon ang CALABARZON basketball at volleyball sa elementary level sa Palarong Pambansa. Nag courtesy call ang nasabing mga player kay Mayor Dimacuha noong May 24 kasama ang mga sports coordinators mula sa Dep Ed Batangas City na sina Nick Asi at Teofila Baja. Tumanggap din ng cash incentives mula sa local napamahalaan sina Hazel Ann Suarez ng Talumpok National High School na nag uwi ng sertipiko para sa Athletics event- Long Jump at Roland Medez ng Libjo National High School para naman sa boxing. Bukod sa mga naiuwing premyo at cash incentives mula sa pamahalaang lungsod, sila rin ay magiging scholars ng Batangas City (EBD) Scholarship Program Sundan sa pahina 2.. Multipurpose covered court sa Dumantay pinasinayaan BATANGAS CITY - Isang multipurpose covered court na nagkakahalaga ng P7.8 million ang naipatayo sa Buklod-Unlad Batangas Inc. (BUBI) Village I sa Barangay Dumantay. Sa tulong ng pamahalaang lungsosd na siyang nagbigay ng pondo para sa project construction sa 691 sq. meter lot na ipinagkaloob naman ng isang non-government organization. Sa pangunguna nina newly re-elected Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Mariño, pinasinayaan at binasbasan ang proyekto ngayong May 23 . Dumalo rin dito sina Councilors-elect Aileen Montalbo, Alyssa Cruz at Ched Atienza. Ayon kay Nenita Villamor project manager ng BUBI na siyang nagkaloob ng lupa sa barangay, hindi lamang taga BUBI Village ang makikinabang dito kundi ang buong barangay. Ito din aniya ay hindi lamang magsisilbing venue para sa mga sport activities, barangay meetings at iba pang okasyon, magsisilbi din itong evacuation center upang may malapit na mapagdalhan ng mga biktima ng kalamidad. Ang nasabing lote ay binili ng Saint Bridget Community Center(SBCC) at ipinagkaloob sa BUBI na tumutulong sa mga mahihirap, mga relocates at ang mga nakatira sa danger zones na magkaroon ng sariling bahay na matitirahan. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City Mayor Beverley Dimacuha, Lemuel John Cuevas at Archie Zaraspe, kapwa pambato ng Calabarzon basketball team at si Stephanie de Chavez Sepulturero, nagwaging “primera konsehal” sa Bayan ng Taal NAIHALAL bilang primera konsehal o ang konsehal na nakakuha ng pinakamaraming boto ang sepulturerong independent candidate na si Arnulfo “Arnel” Garces ng Bayan ng Taal, nitong katatapos lamang na 2019 local elections. Isang marangal na sepulturero o tagapangalaga ng mga puntod sa Taal Public Cemetery si Garces mula taong 1990. Aniya, wala man siyang angking yaman o salapi na maipagmamalaki, hindi ito naging hadlang para ialay ang sarili bilang isang lokal na mambabatas at makapaglingkod para sa mga kababayang Taaleño. Sa pagiging isang sepulturero, na hindi maringal na propesyon sa mata ng nakararami, nakatutulong naman daw siya sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo at pagtulong sa paghahanap ng murang lupa o libingan, lalong-lalo na sa mga pamilyang katulad niyang danas ang kahirapan. Kahirapan umano ang unang bibigyan niyang pansin at tugon kapag siya ay pormal nang naupo bilang konsehal ng bayan sa darating na Hulyo 2019. Sa isang banda, hindi naman bagito sa politika si Garces. Nauna na itong nagsilbi bilang kapitan ng Brgy. Tierra Alta, Taal noong taong 2006 hanggang 2009. Sumabak din siya para sa konseho ng Taal noong Halalan 2013 at 2016, subalit hindi pinalad na mahalal sa parehong pagkakataon. Sundan sa pahina 2.. Batangas City Police Station, nakapasa sa Performance Auditing Communication, Initiatives auditing team mula sa Philippine National Police (PNP) Regional Office sa pangunguna ni C, Regional Logistic Division, PCol Renato Alba NAKAPASA ang Batangas City Police Station sa Proficiency Evaluation Process Performance Audit para sa Compliance Stage ng taong 2015, 2016 at 2017 na isinagawa ng auditing team mula sa Philippine National Police (PNP) Regional Office sa pangunguna ni C, Regional Logistic Division, PCol Renato Alba noong May 23-24. Minarkahan ang himpilan ng pulisya ayon sa limang elements tulad ng Functionality of Strategy Partners, Analysis and Examination of Strategy Execution, Stakeholder Management at Best Practices. Binigyan ng mataas na puntos ang Stakeholder Communication kung saan nakapaloob dito ay ang maayos na implementasyon ng communication plan, kagaya ng information education campaign sa mga programa ng kapulisan tulad PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030, anti-drugs at iba pa gamit ang mga information materials, media, social media at iba. Mataas na puntos rin ang nakuha para sa Functionality Sundan sa pahina 3..