Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Datu Kalun :The Life-Journey of Pedro Javier Cuevas ... p.5 Mayor Dimacuha tumanggap ng award sa ecological solid waste management p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) PNPA, one of the best changes that works for women p. 5 Pagtatapon ng dumi ng baboy sa Calumpang River tinalakay p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 18 May 1-7, 2019 P6.00 Women with Disabilities Day Celebration, ginanap sa Batangas Capitol IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 15th Women with Disabilities Day, na may temang “Sabay-Sabay, Pantay-Pantay sa Pag-unlad ng mga Kababaihang may Kapansanan”, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ito ay dinaluhan ng 340 na kababaihang may kapansanan mula sa iba’t- ibang lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas. Naging panauhing pandangal sa programa sina Governor DoDo Mandanas; Batangas Provincial Federation of Women with Disabilities President, Ms. Hildegonda Del Mundo; PDAO Head, Mr. Edwin Abelardo N. De Villa; at, mga estudyante mula sa Workability Skills Training Center Foundation, Inc. Aktibong kalahok din sa pagtitipon sina Provincial Cooperative Livelihood, Enterprise Development Office Department Head Celia Atienza at PSWDO Chief Joy Montalbo. Nagbigay naman ng ilang tips o tamang pamamaraan sa paghahawak ng salapi si Ms. Aileen Constantino-Peñas , ang Deputy Executive Director ng Atikha Inc. Binigyang-diin din niya sa mga Batangueña PWDs Sundan sa pahina 2.. Batangas Environmental, Solid Waste Management Board Meetings, ginanap sa Kapitolyo ISINAGAWA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Batangas Provincial Development Council, ang pinag-isang pagpupulong ng Sectoral Committee on Environmental Management (SCEM) at Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) noong ika-30 ng Abril 2019 sa Provincial Cooperative and Development Center sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at akademya, kasama ang mga environment and natural resources officers ng mga pamahalaang bayan at lungsod ng lalawigan. Layon ng nasabing pagpupulong na maipabatid sa bawat dumalo ang patuloy na isinasagawang mga aktibidad ng PSWMB at ang resulta ng kanilang mga pag-ikot sa lahat ng local government units upang masigurong nakasusunod ang mga ito sa tamang pangangalaga ng kalikasan, batay sa mandato Sundan sa pahina 2.. Lakas ng Kababaihang May Kapansanan. Masayang nakiisa si Gov. DoDo Mandanas sa 15th Women with Disabilities Day, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO Joint Semi-Annual Meeting ng PNC-TWG, MNAO at BNS Presidents, isinagawa ISA sa mga patuloy na tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Batangueño, kaya naman isinagawa ang Joint Semi- Annual Meeting ng Provincial Nutrition Council – Technical Working Group (TWG) Members, Municipal Nutrition Action Officers (MNAO) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) Presidents, na pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO), noong ika-23 ng Abril 2018 sa PSWDO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City. Naging pangunahing paksa sa isinagawang pagtitipon ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro, na naglalayong suriin ang pagiging epektibo ng Local Government Units (LGUs) sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga lokal na programang pang- nutrisyon sa lalawigan. Sinundan ito ng paglalahad ng Schedule ng nalalapit Regional Evaluation para sa Search for Regional Outstanding BNS at Provincial MELLPI. Tinalakay dito ang naging resulta ng 2018 Supplementary Feeding, kung saan nagsilbing benepisyaryo ang 1,399 bata mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan. Naitalang 963 bata ang ang bumuti ang kalagayan, matapos sumailalim sa tatlong buwan ng supplementary feeding; 213 ang normal to normal nutritional status; 588 ang underweight to normal nutritional status; 113 ang severely underweight to underweight; at, 49 na severely underweight to normal. Samantala, napag-usapan rin sa pagtitipon ang mga plano para sa 2019 Provincial Nutrition Development Program, Nutrition Month Celebration at Status of BNS Projects. Inaasahan ng Batangas Capitol, na sa pamamagitan ng regular na pakikipagdayalogo sa mga focal persons ng PNC, ay higit pang mapapalawig ang mga programang pangkalusugan sa lalawigan, patungo sa pagsugpo sa malnutrisyon at pagpapabuti sa kalusugan ng mga mamamayang Batangueño. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO Paglalaan ng pondo para sa mas epektibong kampanya laban sa droga, isusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO SA patuloy na pagpapaigting sa kampanya upang masugpo ang iligal na droga sa Lalawigan ng Batangas at bilang agarang tugon na rin sa nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “red flag” ang probinsya, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa inisyatibo ni Governor DoDo Mandanas, na makapaglaan at makapagbigay ng pondo sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) upang masuportahan ang ahensya sa mga adbokasiya at mga kaukulang operasyon para sa naturang problema. Kaugnay nito, nagkaroon ng isang pagpupulong na tumalakay sa proposed plan ng BPPO, sa pangunguna ni Provincial Director P/COL Edwin A. Quilates, noong ika-24 ng Abril 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Provincial Administrator Librado Dimaunahan at Provincial Public Order and Safety Department Head, Atty. Genaro Cabral, na kapwa itinalaga ng gobernador na tututok sa nasabing isyu. Naging bahagi rin sa pagpupulong si General Services Officer Paulita Maneja, mga miyembro ng Finance Committee ng Kapitolyo, na kinabibilangan nina Provincial Accountant Marites Castillo, Provincial Budget Officer Sundan sa pahina 3..