Tambuling Batangas Publication March 27-April 02, 2019

Metro Manila water system and the story of Museo El Deposito ... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Kababaihang zumba dancers pino promote and healthy lifestyle sa mga kababaihan p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) La Mesa Dam barometer of water supply p. 5 26 na pares ikinasal sa Baysanang Bayan 2019 p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 13 March 27- April 2, 2019 P6.00 Batangas City Police binigyang pugay ang mga kababaihan BATANGAS CITY- Binigyang pugay ng Batangas City Police ang mga kababaihan sa pagdiriwang ng Women’s Month sa pamamagitan ng pagsasagawa ng poster making contest kung saan nagpagalingan ang mga lumahok na labing pitong babaeng high school students sa paglalarawan ng papel ng kababaihan sa lipunan ngayon. Ang contest na ginanap noong March 19 sa conference room ng police station ay may temang “We Make Change Work for Women”. Sa kanyang mensahe sa mga lumahok na high school students, binigyang diin ni Batangas City PNP chief, PSupt. Sancho Celedio na hindi dapat maengganyo ang mga kabataan na lumahok sa mga militanteng grupo upang huwag makumbinseng mag aklas laban sa pamahalaan. Pinayuhan din niya ang mga ito na umiwas sa illegal na droga upang huwag masira ang kinabukasan. Binigyan ng kaukulang oras ang bawat kalahok na itanghal at ipaliwanag ang kanilang obra sa harap ng mga hurado na sina PSUPT. Celedio, SPO4 Ragemer Hermidilla, SPO4 Ranie. Macatangay, SPO3 Nena Garcia at ang representative ng Public Information Office na si Ronna Contreras. Nagwagi ng 1st place si Lovely Pagcaliwagan ng Alangilan Senior High School kung saan ipinakita niya ang papel ng mga kababaihan bilang ina ng tahanan at bilang matagumpay na professionals sa iba’t ibang larangan. Second place si Christal Alvarez ng Batangas National High School at third si Louise Angela Manalo ng Paharang National High School. (Jeanette L. Reyes OJT-PIO Batangas City / Photo by: Sergio Jefferson B. Azul OJT-PIO Batangas City) Multi-purpose covered court pinasinayaan sa Brgy. Sto. Domingo BATANGAS CITY- Pinasinayaan ni Mayor Beverley Dimacuha, Congressmn Marvey Mariñ0 at Team EBD ngayong March 21 ang mahigit na 9.4 million-multi- purpose covered court sa Barangay Sto Domingo. Ito ay sa kahilingan ni dating Pangulo Pedro De Torres na ipinangako sa mga residente at binigyang katuparan naman ni Mayor Dimacuha. Nakatayo ang court sa mahigit 600 sq.m na lupa na pag mamay-ari ng pamilya Lat at may kumpletong ilaw at pasilidad ng isang basketball court. Ayon kay Cong. Marino, isa ang covered court na ito na may pinakamagandang yari o disenyo. Bukod sa mga sports activities, mga pagpupulong at iba pang okasyon ng barangay ay magagamit din ang covered court bilang evacuation center sakaling kailanganin. Binanggit naman ni Mayor Dimacuha ang iba pang proyektong nagawa na kabilang na ang konstruksiyon ng mga karsada, paaralan, tulay at iba pang imprastraktura.(PIO Batangas City) “We Make Change Work for Women”. 1st place si Lovely Pagcaliwagan ng Alangilan Senior High School, Second place si Christal Alvarez ng Batangas National High School at third si Louise Angela Manalo ng Paharang National High School. Poblacion barangay naging mabilis ang pagtalima sa RA 9003 BATANGAS CITY- Iniulat ng KA-BRAD Poblacion cluster coordinators o solid waste management teams ng city government employees ang mabilis na pagkilos ng mga barangay sa Poblacion, kasama ang Cuta, Wawa, Malitam at Santa Clara sa pagtalima sa istriktong pagpapatupad ng pamahalaang lungsod ng RA 9003 o Solid Waste Management Act of 2000. Ito ang naging feedback sa idinaos na general assembly ng mga nabanggit na barangay sa Batangas City Convention Centre, March 21, kung saan dumalo ang may 1,700 na residente dito at kanilang mga pangulo. Ayon sa cluster coordinators, nang umpisahan nila ang Information Education campaign noong October 2018, ay anim na barangay lamang ang may Barangay Solid Waste Management Council ( BSWMC). Ngayon ay 24 barangay na ang nakapag organisa nito. Ilang barangay na rin ang may ordinansa, programa at mga proyektong ipinatutupad para sa kalikasan at kalinisan kagaya ng Barangay 8, 14, 19, 24 at Malitam. Labing-isang barangay na rin sa cluster na ito ang may Materials Recovery Facilities (MRF), samantalang ang iba ay hindi makapagpagawa ng MRF dahil walang bakanteng lugar na mapagtatayuan. Dalampu’t -isang barangay ang nakapagsumite ng Waste Analysis Characterization Report (WACR). Dito malalaman ng Solid Waste Management Board (SWMB) kung gaano kadami at uri o klase ng basurang naiipon ng isang baranagay na siya namang magiging batayan para sa recyclable Sundan sa pahina 3.. Job fair para sa mga senior high school grads idinaos job fair sa Batangas City Sports Coliseum, March 22, ng Public Employment and Service Office (PESO) at Dep Ed para sa mga nagtapos ng senior high school. MGA production operators at service crew sa mga fast food chain and ilan lamang sa mga trabahong pwedeng aplayan sa isinagawang job fair sa Batangas City Sports Coliseum, March 22, ng Public Employment and Service Office (PESO) at Dep Ed para sa mga nagtapos ng senior high school. May 19 na local companies ang lumahok sa tinaguriang Handog ni Mayor Beverley: Trabaho para sa mga senior high school graduates kung saan sa 1,093 students na lumahok ay 207 and hired on the spot. Binigyang diin ni PESO Manager Noel Silang na sa pamamagitan ng kanilang tanggapan ay nabibigyan ng oportunidad ang mga kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan. Nagbigay din siya ng career/employment coaching sa mga dumalo. Ipinaabot ni City Schools Division Superintendent Donato Bueno ang kanyang pagbati sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si SGOD Chief Dr Vicky Fababier. Ayon sa kanya, apat na direksyon ang maaaring puntahan ng isang SH graduate- kolehiyo, negosyo, trabaho at middle o vocational skills Lubos ang kanilang pasasalamat kay Mayor Dimacuha sa napakagandang Sundan sa pahina 3..