Tambuling Batangas Publication March 20-26, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Accessing pediatric ... p.5 Gov. DoDo, pinangunahan ang 1st Qtr CALABARZON Dev’t. Council meeting p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) HIV-AIDS: Get tested to know status p. 5 Indak Kababaihan 2019, matagumpay na isinagawa sa Batangas Capitol p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 12 March 20-26, 2019 P6.00 Kababaihan at Kalikasan, Binigyang- pugay sa Women’s Day celebration By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Libo-libong kababaihan ang nakibahagi at lumahok sa isinagawang National Women’s Day celebration sa Batangas City Coliseum sa araw ng kababaihan noong Marso 8. May temang “We Make Change Work for Women,” sinimulan sa isang banal na misa sa Basilica Immaculada Concepcion na sinundan ng parada papuntang Coliseum kung saan may mga nakahanay na programa para sa naturang pagdiriwang. Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha,sinabi nito na ang kakayahan ng mga kababaihan ay hindi na matatawaran sa panahong ito. “Bilang ilaw ng tahanan, hangad ko na ituro natin sa ating mga anak kung paano i-trato ng tama ang ating mga magulang at kapwa. Sa panahon ngayon, ang husay at galing ng mga kababaihan ay hindi matatawaran lalo na sa paglilingkod sa bayan. Ang mga babae ay hindi na lamang pang-kusina o pang tahanan sapagkat kaya na nilang makipagsabayan sa anumang larangan sa mga kalalakihan,” ani Dimacuha. Tampok din ang mga kalahok bilang Babaeng Makakalikasan kung saan may 10 kalahok mula sa iba’t-ibang barangay. Tinanghal na Ms. Confidently Beautiful si Mary Rose Ebora mula sa Brgy. Malalim; Most Elegant si Yolanda Macaraig ng Kumintang Ilaya, Most Simple si Lucena Mandigma ng Brgy. Conde Labac at siya ring hinirang na 2019 Babaeng Makakalikasan. Sundan sa pahina 2.. BFP nagsagawa ng Fire Safety Lecture sa mga kabataan By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS,(PIA)- May 30 Grade 9 students mula sa Balete Integrated School ang sumailalim sa fire safety lecture na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kamakailan. Naranasan ng mga mag- aaral na ito ang scenario ng sunog at kung ano ang dapat gawin sa Fire Suppression Simulation corner at Smoke Evacuation Simulation corner. Bukod pa dito, tinuruan din sila ng first aid treatment tulad ng cardio pulmonary resuscitation (CPR) para sa Emergency Simulation corner. Nagsagawa din ng exhibit kung saan tampok ang display ng fire at disaster rescue equipment habang mayroong Kiddie Fire Marshall corner para sa mga pre-schoolers. Ayon kay Princess Aldovino, marami siyang natutunang kaalaman ukol sa sunog at ano ang dapat gawin kapag naranasan ito. “Dapat ay balanse ang pagbibigay prayoridad sa kaligtasan at kasiguruhan sa tahanan kaya’t kailangang Sundan sa pahina 2.. Libu-libong Batanguena ang nakibahagi sa isinagawang Women’s Day celebration sa Batangas City Coliseum na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office(CSWDO) kung saan binigyang pagkilala ang mga kababaihan gayundin ang pangangalaga sa kapaligiran. (caption: BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS/photo: PIO BATANGAS CITY) Serbisyong Pangkalusugan hatid ng Prov’l. Health Office SA tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahusay at angkop na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayang Batangueño, inilahad ng tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), na pinamumunuan ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang ilan sa mga accomplishments, kasalukuyang updates at mga aktibidad na isinasagawa, sa layuning maitaas pa ang antas pagdating sa health servics sa Lalawigan. Batay sa naging datos ng PHO noong taong 2018, ang 12 pagamutan na nasa ilalim ng pamamahala ng tanggapan ay nakapagtala ng ilang mga pagbabago na magdudulot ng kaginhawaan sa mas marami pang nangangailangan. Dito ay nadagdagan ang mga higaang pampasyente at tumaas ang bilang ng mga pasyenteng napagaling na may halos nasa anim na libo. Buong pagmamalaki namang iniulat ng tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan na ang probinsya ng Batangas ay isa sa dalawampu’t anim na lalawigan sa bansa na gagawing ehemplo sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act na matatandaang nilagdaan ng Pangulo noong Pebrero. Ayon sa tanggapan, sa natitira pang mga buwan ng 2019, inaasahan na mas mapapagtibay pa nila ang patuloy na pagpapataas ng antas at gawing huwaran ang Lalawigan ng Batangas pagdating sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. Upang mapalawig pa ang pagtulong sa mga Batangueño, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Sundan sa pahina 3.. 32 Bagong Lifeguards, nagtapos sa Calabarzon By Mamerta De Castro Makikita sa larawan sina DOH Regional Director Eduardo Janairo at DOT OIC Director Maritess Castro habang nagbibigay ng sertipiko at mga kagamitan sa isa sa mga nagsipagtapos sa sampung araw na Lifeguard Qualification Training Course sa Punta Aguila Resort sa San Juan Batangas. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas) SAN JUAN, BATANGAS, (PIA)-- Nagtapos ang may 32 kataong partisipante ng sampung araw na pagsasanay sa ilalim ng Lifeguard Qualification Training sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Punta Aguila Resort sa Brgy. Nagsaulay sa bayang ito noong Marso 13. Ayon kay Department of Health (DOH) Regional Director Eduardo Janairo, napapanahon ang pagsasanay na ito lalo na at nararamdaman na ang tag-init kung saan maraming mga bakasyunista ang pumupunta sa mga beach resorts kaya’t kailangang siguruhin ang kaligtasan ng bawat isa gayundin ang mga insidenteng maaaring mangyari sa mga karagatan o katubigan. “Ito ay bahagi ng trabaho ng lahat ng mga sumailalim sa pagsasanay, dapat lamang na ma-equipped ang ating mga life guards ng tama at sapat na kaalaman upang makapagsalba ng buhay ng tao gayundin upang matugunan ang serbisyong hinihingi ng kanilang trabaho. Payo ko lamang sa mga nagsipagtapos na sana ay panatilihin ang malusog Sundan sa pahina 3..