Tambuling Batangas Publication June 05-11, 2019 Issue

Game of Thrones Review: The Ending we deserve... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. MMDA ensures safe and orderly opening of classes in NCR p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Universal Health Care Orientation, isinagawa sa lalawigan ng Batangas p.5 DENR, MPIC ink pact to rehabilitate Manila’s 20 dirtiest esteros p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 23 June 05-11, 2019 P6.00 Associations at Enumerators ng OCVAS, tumanggap ng honorarium PINANGUNAHAN ni Mayor Beverley Dimacuha ang pamamahagi ng honorarium sa mga enumerators at mga kasapi ng iba’t ibang samahan na katuwang at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa implementasyon ng kanilang mga programa. Ang honorarium distribution ay ginanap kaninang umaga, May 30, sa nabanggit na tanggapan. Kabilang dito ay ang 36 na miyembro ng Barangay Livestock and Agricultural Technician (BLATS) na tumanggap ng tig P9,000.00 para sa buwan ng Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan. Ang BLATS ang katulong ng OCVAS sa pagbabakuna ng mga baboy, baka at iba pang alagang hayop sa mga barangay. Sumailalim Sundan sa pahina 2.. Mga mag-aaral sa Taal Volcano Island, tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas PATULOY ang pagpapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng iba’t ibang proyekto para mapataas ang antas ng edukasyon ng mga Batangueño. Bukod sa mga pangunahing proyektong pang- edukasyon, gaya ng pagtustos sa mga pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan, walang patid din ang pagsisikap nito na gawing malawakan ang pagtulong sa mga mag-aaral na Batangueño, kabilang ang mga naninirahan sa Taal Volcano Island. Kaugnay nito, idinaos ang isang pagpupulong, sa pangunguna ng pamunuan ng Provincial School Board (PSB), noong ika-27 ng Mayo 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compund, Batangas City, kung saan isa sa pinagtalakayan ang pagbibigay ayuda sa mga mag- aaral sa isla. Ipinanukala ni Gov. DoDo Mandanas na baguhin ang kasalukuyang ginagawang ayuda sa mga estudyante sa Volcano Island, na nakatuon sa paglalaan ng pondo para sa pagbabayad sa mga bangka, na naghahatid sa mga mag-aaral papunta at sumusundo mula sa mainland. Sa halip, iminungkahi sa lupon na ilaan na lamang ang pondo sa transportasyon para sa boarding house at pagkain ng mga mag-aaral. Sa ganitong sistema, inaasahang malaki ang ginhawang maihahatid nito sa mga mag-aaral, sa halip na araw-araw na natawid sa lawa. Makakatulong rin umano ito sa mga pagpapanatag ng kalooban ng mga magulang ng mga estudyante sa isla dahil sa mga panganib na kaakibat ng pagsakay sa bangka, lalo na tuwing hindi maganda ang lagay ng panahon. Samantala, patuloy na sasailalim ang nasabing programa sa masusing pag-aaral, sa pakikipatulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Education (DepEd), nang sa gayon ay maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon at maipaabot ang tulong para sa pagpapabuti ng estado ng mga mag-aaral sa isla ng Taal Volcano. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Nanguna si Mayor Beverley Dimacuha sa pagbibigay ng honorarium sa mga enumerators at mga kasapi ng iba’t ibang samahan na katuwang at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services Cash for Work Pay out, isinagawa BATANGAS CITY Tinanggap na ng 330 Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Risk Resiliency – Cash for Work project beneficiaries ang kanilang sweldo mula sa sampung araw nilang pagtatrabaho mula ika-8 hanggang ika-22 ng Mayo. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga solo parent, senior citizen, out of school youth, person with disability, surrenderer at pantawid pamilyang pilipino program o 4P’s beneficiaries at yaong naapektuhan ng kalamidad partikular ng lindol noong 2017 sa labingwalong barangay sa lungsod. Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola, layunin Pag-asa ng Bayan. Naging panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas sa isinagawang ‘Youth Development Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni SK Provincial Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral at ng Provincial Assistance for Community Development Office, noong May 18-19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO ng nasabing proyektong ito na nasa ilalim ng Batangas City Socio-Economic Enhancement and Environment Protection Program na matulungan ang mga nabibilang sa pamilyang higit na nangangailangan na mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan. Naglaan ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ng P 937,200,000 para sa implementasyon ng proyektong ito na isinagawa sa ikalawang pagkakataon. Bawat beneficiary ay tumanggap ng halagang P 2,480 o 75% ng prevailing daily wage rate. Idinagdag pa ni Espanola na Enero pa lang ay nagsimula na ang CSWD na mag identify ng mga beneficiaries at bago magsimula ay nagkaroon ng orientation sa mga ito kasama ang mga kinatawan ng City Environment Office, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS). Sa loob ng sampung araw, naglinis ng kapaligiran at nagtanim ang Sundan sa pahina 2.. Elected SK Officials sa Batangas, sumailalim sa Youth Development, Capability Seminar MATAGUMPAY na isinagawa ang ‘Youth Development Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, na inisyatibo ni SK Provincial Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral, noong May 18- 19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City. May kabuuang 150 ang SK officials na nakilahok sa 2-day event, mula sa 31 munisipalidad at 3 lungsod sa Batangas Province, kung saan nagsilbing panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas, na ipinahayag ang galak at paghanga sa mga pagsisikap ng buong Sangguniang Kabataan na gampanan ng may malinis na hangarin at kahanga-hangang determinasyon ang kanilang mga tungkulin. Layunin ng nasabing pagtitipon, na naisagawa katuwang ang Provincial Assistance for Community Sundan sa pahina 3..