Tambuling Batangas Publication January 30-February 05, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Antarctica ice loss increases ... p.5 Isang prosecutor pabor sa lowering ng age of criminal responsibility sa siyam.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) RP-UK educational collaboration key strategy in internationalization, competitiveness - CHED p. 5 10 drug-free barangay sa Batangas City dineklara ng PDEA 1V-A p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 5 January 30-February 5, 2019 P6.00 Unity Walk and Peace Covenant Signing for Safe Election 2019 idinaos BATANGAS CITY-Bandang 6:00 ng umaga ng magsimula ang Unity Walk sa harap ng Batangas City Police Station ng Team EBD sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama ang ilan pang mga kandidato sa pagka konsehal at bokal na tatakbo sa May 13 national at local elections. Ang Unity Walk and Peace Covenant Signing for Safe Election 2019 ay inisyatibo ng Batangas City Police Station bilang pagpapahayag ng commitment ng mga kandidato na magkaisa sa layuning magkaroon ng mapaya, ligtas, malinis, at maayos na halalan. Isang programa ang idinaos sa Plaza Mabini kung saan ito ay sinimulan sa pamamagitan ng interfaith prayer nila Rev. Fr. Gerald Macalinao ng Basilica of the Immaculate Conception, Pastor Christopher Arago ng Evangelical religious faith at Imam Ustadz Abdullah Ampaso ng Islamic faith. Sinabi ni P/Supt. Sancho Celedio, chief ng Batangas City Police Station na bagamat ang lungsod ay hindi Sundan sa pahina 2.. Pinakamababang Bilang ng Nasaktan sa Paputok noong Bagong Taon sa Batangas Province, Naitala PINAKAMABABA sa nakaraang 12 taon, 28 ang naging biktima ng mga paputok samantalang walang nasaktan dahil sa ligaw na bala sa Lalawigan ng Batangas, sang-ayon sa ulat ng Provincial Health Office (PHO), nang salubungin ng mga Batangueño ang Bagong Taong 2019. Ito ay hango sa Firecracker and Blast Injury Report, na naitala mula ika-21 ng Disyembre 2018 hanggang ika-5 ng Enero 2019, na nakalap mula sa 12 ospital sa lalawigan na nasa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng PHO. Sa ulat ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, Provincial Health Officer, ang 28 nasugatan ang pinakamamababa sa 12 taong talaan ng PHO, na nakapaggamot ng pinakamaraming mga biktima ng paputok noong 2014 at 2015, kung kailan 115 at 102 ang nasaktan, ayon sa pagkakasunod. 11 sa mga na-ospital dahil sa mga firecrackers ang naputukan ng kwitis, 3 ang dahil sa baby rocket at 3 rin ang napinsala ng piccolo. Pinakabatang biktima ang isang 2 taong bata na natamaan ng kwitis, habang pinakamatandang nasugatan ang isang 59 na taong gulang na naputukan ng piccolo. Vince Altar – Batangas Capitol PIO Unity Walk sa harap ng Batangas City Police Station ng Team EBD sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama ang ilan pang mga kandidato sa pagka konsehal at bokal na tatakbo sa May 13 national at local elections Taal, Nasugbu, Ipinamalas sa Filipino– Canadian Visitors MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang delegasyon ng Winter Escapade 6 –It’s More Fun in the Philippines (WE- IMFITPH) sa Munisipalidad ng Taal para sa isang Heritage Tour noong ika -29 ng Enero 2019. Ang Winter Escapade ay isang programa ng Department of Tourism (DoT) para anyayahan ang mga Canadians at Filipino- Canadians na bumisita sa Pilipines upang makita ang mga magagandang tourism destinations at potensiyal nito para sa pamumuhunan at pagnenegosyo. Ang 6th edition ay nakatuon sa culture, heritage at history ng Batangas Province. Sa pagtutulungan ng DoT at Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, kasama ang Taal Municipal Government, inihanda at ipinakita ang mga ipinagmamalaking cultural heritage sites, tulad ng Taal Basilica, Museo Apacible at Agoncillio, ganoon na rin ang mga pagawaan ng dalawang kilalang produkto ng Taal – ang Balisong at ang Burdang Taal. Sa inihandang luncheon, na pinangunahan nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Atty Gina Reyes-Mandanas, ipinakita rin sa Filipino-Canadian delegation ang iba pang mga pangunahing pasyalan sa lalawigan, partikular ang Faith & Pilgrimage Tourism attractions tulad ng Monte Maria Shrine sa Lungsod ng Batangas, at Farm Tourism destinations kagaya ng Paraiso Village Farm sa Munisipalidad ng San Jose. Sundan sa pahina 3.. Kaso ng teen pregnancy bumababa BUMABA ang teenage pregnancies sa Batangas City mula 879 noong 2016 hanggang 682 noong 2018 habang patuloy ang education campaign na isinasagawa ng City Health Office sa mga kabataan at kanilang magulang upang maiwasan ang problemang ito sa pamamagitan ng Adolescent Health and Development Program (AHDP). Ayon kay City Population Program Officer 1V Murita Cunanan, ang pagdami ng teen oregnancy ay nag-uugat sa dysfunctional family o yuong wala ang ama o ina, social media kung saan madaling ma access ang mga porn sites o madaling magkaroon ng karelasyon. Ang kahirapan ay isa ring dahilan kung kayat napipilitan ang mga babaeng teenagers na pumasok sa tinatawag na “survival sex” o prostitusyon upang kumita ng pera. Ayon sa ulat ng City Health Office, ang top ten barangay na may pinakamataas na kaso ng teen pregnancy noong 2018 ay ang Sta. Clara, Malitam, Cuta, Wawa, Sta. Rita Karsada, Balagtas, Tinga Labac, Bolbok, Kumintang Ilaya, Alangilan at Balete. Upang matulungan ang mga kabataan na nangangailangan Sundan sa pahina 3..