Tambuling Batangas Publication January 23-29, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Training junior farmers: a hope for agriculture... p.5 President Duterte attends PULI annual assembly in Quezon.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) CIUDAD MALASAKIT: transition homes for displaced families of Bacoor p. 5 RDC 4A gears up for promotion of culture in the region p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 4 January 23-29, 2019 P6.00 DENR nagbigay ng NOV sa mahigit 200 livestock farms sa Batangas BY MAMERTA DE CASTRO LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Mahigit 200 livestock farms ang binigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon ng notice of violation (NOV) sa isinagawang pagpupulong sa Batangas City Convention Center (BCCC) sa lungsod na ito noong Enero 18. Ayon kay DENR Calabarzon regional executive director Ipat Luna, nagpatawag ang kanilang ahensya ng pagpupulong upang ituro sa mga may-ari ng naturang mga livestock farm ang tamang pagsunod sa Clean Water Act upang matigil na ang pagpapadaloy ng mga dumi sa iba’t-ibang bahagi ng tubig tulad ng mga ilog at sapa. “Dapat ay magkaroon ng sariling wastewater treatment facilities ang mga farm. Ipapadala na namin sa Pollution Adjudication Board ang kaso ng mga hindi dumalo at mahigpit naman ang gagawing monitoring sa mga nangako na susunod sa ating panuntunan. Ang mga farms na nabigyan ng NOV ngunit hindi sumunod ay papatawan ng araw araw na multa mula sa petsa kung kalian naibigay sa kanila ang violation notice,” ani Luna. Ayon kay Jose Elmer Bascos, PENR Officer, ang ginagawa ng DENR ay hindi lang makakatulong Sundan sa pahina 2.. Maagang pangangampanya sa 2019 elections, ipinagbabawal By Ruel Orinday LUNGSOD NG LUCENA, (PIA)- Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang maagang pangangampanya ng mga kandidato sa halalan sa Mayo 2019. Sa programang Balikatan Unlimited with PIA sa DWLC-Radyo Pilipinas Lucena, sinabi ni Roberto Luzano ng COMELEC-Quezon na ngayon pa lamang ay napakadami nang mga posterc o campaign materials ang makikita sa mga punong kahoy, sa pader ng mga gusali at iba pa na ngayon ay ipinatatanggal ng COMELEC sapagkat hindi pa naman talaga ito ang panahon para mangampanya ang isang kandidato. Ayon sa Calendar of Activities ng COMELEC, ang pangangampanya para sa mga senador at party list groups ay magsisimula sa Pebrero 12 hanggang sa Mayo 11, 2019 samantalang ang campaign period para sa mga local position ay masisimula pa lang sa Marso 29, 2019 hanggang Mayo 11, 2019. “Ang sinumang kandidato na lalabag sa alituntunin na ito ay posibleng mapatawan ng kaparusahan,” sabi pa ni Luzano. Sundan sa pahina 2.. Pinulong ng DENR Calabarzon ang may 200 livestock farms na nabigyan ng notice of violation (NOV) dahilan sa pagtatapon ng dumi ng kanilang mga alaga sa iba’t-ibang katubigan sa lalawigan ng Batangas. Itinuro sa mga ito ang pamamaraan upang makasunod sa Clean Water Act at maiwasan magmulta o makasuhan sa kanilang paglabag. Makikita sa larawan si PENR Officer Jose Elmer Bascos at iba pang mga CENR officials sa lalawigan,.(Photo by: PENRO Batangas/Caption by: Bhaby P. De Castro) Ikatlong waterworks project sa Catandala pinasinayaan ni Mayor Dimacuha Pinasinayaan ni Mayor Beverley Dimacuha ngayong January 25 ang ikatlong waterworks system sa barangay Catandala kung saan may 175 kabahayan ang makikinabang. M a t u t u g u n a n rin ng proyektong ito ang pangangailangan sa tubig ng mga babuyan na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente ng barangay. Ang tangke na nagkakahalaga ng P5.2 milyon ay naglalaman ng 8,000 galon ng tubig at itinayo sa 60 metro kwadradong lupa na ipinagkaloob ng donor na si Delia Mercado. Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, may 70 waterworks projects na ang naipatupad sa may 52 barangay mula nang ilunsad ang proyektong ito ni dating Mayor Eduardo Dimacuha noong 1988. Hiniling ni Mayor Dimacuha sa mga beneficiaries na ingatan at maging maayos sa pamamahala ng proyekto. “Pakiusap po sana na ay mahalin po ninyo ang proyektong ito at pangalagaan po sana natin ang ating kapaligiran lalot higit po sa pangangasiwa ng dumi ng mga alagang baboy,’’ sabi ng Mayor. Ipinaabot naman ni Pang. Victor Javier ang taos pusong pasasalamat ng barangay sa naturang proyekto. Pormal na iniatas ng pamahalaang lungsod ang management at operation ng waterworks sa Waterworks Association sa pamumuno ni Edwin Gutierrez. Dumalo at nakiisa sa pasinaya ang mya myembro ng Team EBD. Mga senior citizen na wala pang ID, maaaring kumuha sa OSCA By Ruel Orinday Hinihikayat ni Gng. Salome Dato, hepe ng tanggapan ng senior citizen affair (OSCA)- Lucena City ang mga senior citizen na wala pang senior citizen ID na mag-apply at kumuha ng ID sa OSCA upang makakuha ng mga benepisyo mula sa lokal at nasyonal na pamahalaan. (PIA-Quezon) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, (PIA)- “Maaaring mag-apply at kumuha ng senior citizen’s ID ang mga taong umedad na ng 60 taon sa Office of the Senior Citizen (OSCA) sa Lucena City Government Complex upang makakuha ng benepisyo mula sa pamahalaang panglungsod at maging sa nasyonal na pamahalaan.” Ito ang isa sa mga inihayag ni Gng. Salome Dato, hepe ng OSCA-Lucena City sa idinaos na “Kapihan sa PIA” sa Pacific Mall Activity Center, Lucena City noong Biyernes, Enero 11. Sinabi ni Dato na kabilang sa mga benipisyo na natatanggap ng mga senior citizen sa kasalukuyan ay ang birthday cash gift na P500.00 at nagbibigay rin sila ng libreng pangsine sa SM City Lucena para sa mga senior citizen dalawang beses sa loob ng isang buwan. “Sa pamamagitan ng Social Pension Program Sundan sa pahina 3..