Tambuling Batangas Publication January 16-22, 2019 issue

Law on ‘first 1000 days of life’ to boost country’s health status... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. 57 aplikante hired on the spot sa PESO job fair.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Gun Ban, checkpoint, hudyat ng pagsisimula ng halalan p. 5 18 barangay nagkaroon ng general assembly sa solid waste management p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 3 January 16-22, 2019 P6.00 Residente ng San Agapito, Isla Verde magkakakuryente na TULOY na tuloy na ang Solar Electrification Project sa San Agapito, Isla Verde matapos lagdaan ang Contract of Lease sa pagitan ng Batangas City Government at ng Manila Electric Company (MERALCO), project proponent, para sa operasyon, maintenance at management services ng Isla Verde Solar Photovoltaic Plant sa loob ng 25 taon. Ito ay nilagdaan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at Mr. Alfredo Panlilio, senior vice president at head ng Customer Retail Services at Corporate Communications ng Meralco, ngayong January 22. Ang nasabing proyekto ay isang malaking ehemplo ng public private partnership alinsunod sa Batangas City PPP Code o Ordinance No. 3, s. 2013 para sa ibayong kaunlaran ng lungsod. Pagkatapos ng contract signing, tinanggap ni Mayor Dimacuha ang Notice of Award habang tinanggap naman ni Panlilio ang Notice to Proceed, hudyat ng simula ng proyekto na magbibigay ng elektrisidad sa may 31 kabahayan sa nasabing barangay. Magsisimula ang planta sa total generating capacity na 0.1920MW gamit ang Solar Photo Voltaic Cells. Ang lighting ceremony ay nakatakdang isagawa sa February Sundan sa pahina 2.. CALAX operations to start a year-early with funding secured By Ruel Francisco Province of Cavite, (PIA) – The Cavite-Laguna Expressway (CALAX) project is seen to start commercial operations of some segments in the Laguna side as early as July 2019 with the funding for the construction and concession secured by a loan. Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) Chief Financial Officer Christopher Daniel C. Lizo disclosed that the company had closed the P24.2-billion loan with six banks namely: BDO Unibank, Inc.; Union Bank of the Philippines, Inc.; Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC); Bank of the Philippine Islands (BPI); Security Bank Corp., and Land Bank of the Philippines. The loan is intended to finish the P35.43-billion (45.29-kilometer) CALAX project, funding the Laguna and Cavite segments. The first 10 kilometers of CALAX on the Laguna side Sundan sa pahina 2.. Mayor Beverley Rose Dimacuha at Mr. Alfredo Panlilio, senior vice president at head ng Customer Retail Services at Corporate Communications ng Meralco P 12M LIKHA FabLab, binuksan sa Batangas State University Alangilan By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Pinangunahan ng Department of Trade and Industry-Batangas at Batangas State University ang soft launching ng LIKHA (Labspace for Innovation Knowledge- honing and Application) Fabrication Laboratory (FabLab) sa Batangas State University- Pablo Borbon Main Campus II sa Brgy. Alangilan ng lungsod na ito kamakailan. Ang naturang FabLab ay bahagi ng Shared Service Facility (SSF) project ng DTI Batangas at nagkakahalaga ng P12M. Ayon kay Trade and Industry Calabarzon Director Marilou Toledo, ang naturang proyekto ay isa sa tatlong FabLab na binuksan sa Calabarzon sa taong ito. Ang pagbibigay ng SSF para sa mga micro-small and medium enterprises (MSMEs) ay binibigyang prayoridad ng ahensya dahil malaking tulong ang pag-iinvest sa mga equipment para sa maliliit na negosyante. “Talagang nais po ng DTI na magkaroon ng collaboration sa lahat ng mga state universities and colleges sa ating rehiyon. Una po nating inilunsad ang FabLab sa Antipolo Institute of Technology na nagkakahalaga din ng mahigit P12M at naka-concentrate po sila sa building imaging method para sa mga contractor upang hindi na mahirapang mag- compute ng mga materyales na kailangan sa paggawa ng building. Ang ikalawa po ay sa University of the Phils. Los Banos (UPLB) sa pamamagitan ng kanilang Technology Transfer Business Development Office na nagkakahalaga ng P14M at ito Sundan sa pahina 3.. Boy scouts sa City Hall gumaganap bilang city officials city boy mayor si Mark Raven Bool ng Saint Bridget College (SBC) habang si Celeste Cananua ng Batangas National High School (BNHS) ang napiling vice-mayor at uupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panglunsod (SP). Si Angel Panaligan ng Tinga Soro-soro National High School (TISISI) ang Secretary to the SP; Trishia Mae Buela ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori (CBEM) bilang Sec. to the Mayor at Mark Joshua Noche ng Lyceum of the Philippines University Batangas bilang City Administrato BATANGAS CITY- Ipinagdiriwang ng Boy Scouts of the Philippines Batangas City Council ang Boy Scout Week mula ngayon, January 21 hanggang January 23, sa pamamagitan ng mga city boy officials na gumaganap ngayon sa City Hall bilang counterparts ng mga opisyal ng lungsod kagaya ng mayor, vice mayor, city councilors, secretary to the mayor, secretary to the Sangguniang Panlungsod at city administrator. Nahirang na city boy mayor si Mark Raven Bool ng Saint Bridget College (SBC) habang si Celeste Cananua ng Batangas National High School (BNHS) ang napiling vice-mayor at uupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panglunsod (SP). Si Angel Panaligan ng Tinga Soro-soro National High School (TISISI) ang Secretary to the SP; Trishia Mae Buela ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori (CBEM) bilang Sec. to the Mayor at Mark Joshua Noche ng Lyceum of the Philippines University Batangas bilang City Administrator. May counterpart din Sundan sa pahina 3..