Tambuling Batangas Publication January 09-15, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Philippine rum keeps London’s spirits high... p.5 Batangas City Bureau of Fire Protection safety awareness campaign.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Filipino nurse from Mindanao honoured with Order of the British Empire Award p. 5 Fluvial procession ng Sto. Nino sa mata ng mga photographersY p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 2 January 9-15, 2019 P6.00 Fluvial procession pagpapakita ng debosyon sa Sto. Niño MULING ipinakita ng mga taga Batangas City ang kanilang malakas na debosyon sa Mahal na Patrong Sto. Niño sa idinaos na fluvial procession kung saan hindi lamang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ang kanilang panalangin kundi ang patuloy na tulong at gabay sa kanilang buhay. Ang taunang fluvial procession ng Sto. Niño sa Calumpang River ay idinadaos tuwing simula ng nobena ng kanyang kapistahan sa ika-16 ng Enero. Ang Calumpang River ay isang makasaysayang ilog sa lungsod kung saan pinaniniwalaan na nakita ang imahe ng Sto. Niño habang ito ay nasa ibabaw ng lumulutang na troso. Ilan sa mga debotong lumahok sa prusisyon ang pamilya ni Erlyn Buenabao, 57 taong gulang na residente ng barangay Gulod Labac. “Deboto ako ng Sto Niño since birth dahil ito ay nakagisnan ko na sa mga magulang ko at ipinagpapatuloy naming ng aking asawa at mga anak hanggang sa kasalukuyan. Ginagabayan kami ng Sto Niño, binigyan niya kami ng magandang buhay. Government employee ako habang OFW naman ang aking asawa na taga Tondo, Manila, meron kaming Sundan sa pahina 2.. Kahulugan ng Sto. Nino sa mga bata ipinakikita sa Children’s Art Competition BATANGAS CITY-Sa mata ng mga bata, ang Sto. Nino ay may espesyal na kahulugan base sa kanilang pananaw at values sa buhay at ito ay makikita sa taunang Children’s Art Competition ng itinataguyod ng pamahalaang lungsod sa pangangasiwa ng Cultural Affairs Committee at sa pakikipagtuwang ng SM City Batangas. Ang likha ng 12 taong gulang na si Kristine Garcia, grade 6 student ng Sta Rita Elementary School, ang nagwagi ng unang pwesto sa patimpalak na ito na ginanap sa Teachers Conference Center ngayong ika-9 ng Enero. Ang pagmamahalan sa pamilya ang mensahe ng winning piece ni Garcia na akma sa temang “Higit pa sa ginto ang maibibigay ko sa Sto Nino”. Tumanggap siya ng cash prize na P5,000 at gold medal. Nagsilbing coach/trainor ni Garcia ang kanyang gurong si G. Efren Guinoban. Ikalawang pwesto naman ang nakamit ni Elysa Macaraig ng St Bridget College, at 3rd prize si Empress Elerie Delgado mula sa Alangilan Sundan sa pahina 2.. Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Marino at iba pang mga deboto ng fluvial procession ng Sto. Niño sa Calumpang River Ilang coastal barangay may best practices sa pangangasiwa ng basura NAGING positibo ang resulta ng pangalawang bahagi ng monitoring ng KA-BRAD Team Solid Baybay cluster coordinators o composite team ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa pinalakas na information/education campaign sa waste segregation at plastic ban sa 13 coastal barangay. Ang naturang kampanya ay bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa pangangasiwa ng City ENRO at City Solid Waste Management Board. Sa kanilang paglilibot, nakita ng monitoring team na karamihan sa mga barangay ay naghukay ng compost pit at nagtayo ng mga Materials Recovery Facility o MRF sa bawat sitio habang ang ilang households ay nagtayo nito sa kanilang mga bakuran. Napag-alaman din nila ang best practices ng ilang mga barangay kung saan nakapagbuo sila ng kanilang epektibong sistema ng pamamahala ng basura. Sa management plan ng barangay Ambulong, ipinag- uutos ng barangay chairman ang paggawa ng MRF at paghukay ng compost pit sa bakuran ng lahat ng barangay officials at ng kanilang staff sa barangay hall. Number coding naman sa basurahan ang stratehiya ng barangay Ilijan kung saan merong number bawat basurahan na nakatalaga sa bawat household upang madaling malaman kung sino ang hindi segregated o hindi nakabukod ang basura sa nabubulok at hindi nabubulok. Sa Pulot Itaas, lahat ng tindahan ay hindi na gumagamit ng plastic bilang pambalot ng Sundan sa pahina 3.. Sto. Niño pinarangalan ng mga kabataan sa kapistahan nito IPINAKITA ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ang kanilang papuri sa Mahal na Patron ng Batangas City sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw at iba pang pagtatanghal sa Alay sa Sto Niño Cultural Presentations na ginanap ngayong January 7 sa Batangas City Convention Center. Sinimulan ang naturang okasyon sa pamamagitan ng pag- awit ng dalit bilang pagsalubong sa pagdating ng Mahal na Patron sa motorcade nito mula sa Basilica of the Immaculate Conception kung saan ito ay sinundo nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at mga kinatawan ng simbahan. Ang dalit ay isang awit ng papuri sa ating patron upang parangalan siya at hingin ang patuloy niyang patnubay. Unang nagtanghal ang Batangas National High School Symphony Orchestra na sinundan ng makabagong balagtasan ng mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines University-Batangas. Isang katutubong sayaw naman ang handog ng Batangas State University habang Sundan sa pahina 3..