Tambuling Batangas Publication January 02-08, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. For love of country... p.5 Paano makaiwas sa disgrasyang dulot ng paputok p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) A call for a stronger measure against single-use plastic p. 5 PATROL MOTORCYCLES FOR EFFICIENT PUBLIC SERVICES DELIVERY p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 1 January 2-8, 2019 P6.00 PRRD appeals to Filipinos to vote wisely for the country’s progress By Ruel Francisco TAGAYTAY CITY, Cavite, Jan. 7 (PIA) – Former political adviser Francis Tolentino’s 49th birthday celebration on January 3 was made extra special with the presence of the country’s chief executive, President Rodrigo Roa Duterte. The event held at Sigtuna Hall, Tagaytay International Convention Center was attended by special guests accompanying the president, namely Silvestre Bello, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Go and several local government officials from Southern Tagalog led by former governor Jonvic Remulla. During his speech, he proudly spoke of the qualities of his trusted friends Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, and birthday celebrator Francis Tolentino who are all running for senators in the coming mid-term elections as he encouraged the public to vote for credible and reliable public officials instead of relying on survey results. President Duterte said: “Iyong mga nangunguna sa survey… Susmaryosep… Eh may mga tao dito na dedicated, may alam.” Sundan sa pahina 2.. Natatanging kawani ng BatMC, pinarangalan By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 4 (PIA)-Binigyang pagkilala ng Batangas Medical Center (BatMC) ang kanilang natatanging mga empleyado sa isinagawang Gabi ng Pagkilala sa mga Lodi ng BatMC kamakailan. Ayon sa kay Dr. Ramoncito Magnaye, pinuno ng BatMC ang naturang parangal ay isinasagawa quarterly sa pangangasiwa ng kanilang Human Resource Management. “Nais naming kilalanin ang mga kawani ng ating pampublikong ospital na nagpapamalas ng natatanging serbisyo at paglilingkod sa ating mga kababayan,” ani Magnaye. Binigyang diin naman ng chairman ng Praise Committee na si Dr Maritess Torio sa kanyang mensahe na mayroong criteria na sinusunod ang kanilang komite sa pagpili ng mga awardees. Kabilang sa ginawaran ng medalya ay yaong tumanggap ng Career and Self Development Incentive award without financial assistance sa ibat-ibang departamento, yaong mga may perfect attendance, mga nagwagi sa Interesting Case Contest at ang mga Pride ng BatMC. Sundan sa pahina 2.. President Rodrigo Roa Duterte delivers his message during the birthday celebration of former Presidential Adviser on Political Affairs Atty. Francis Tolentino held at the Tagaytay International Convention Center in Tagaytay City, Cavite on January 3, 2019. VALERIE ESCALERA/PRESIDENTIAL PHOTO 3rd Bridge sa Batangas bubuksan ngayong buwan By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 4 (PIA)- Inaasahang pormal na bubuksan at madadaanan ang 3rd Bridge sa lungsod na ito sa ikalawang linggo nitong buwan. Patuloy ang pagsasaayos ng naturang tulay kung saan ipinakita ng Frey-Fil Corporation na nailagay na ang huling box girders sa kauna-unahang box girder superstructure design sa buong bansa. May kabuuang halaga na P338M ang naturang tulay at may habang 140 metro, may lapad na 15 metro at may apat na lanes. Binabagtas nito ang Sitio Ferry Kumintang Ibaba papuntang Gulod Labac at inaasahang malaki ang maitutulong upang maibasan ang malalang trapiko na nararanasan sa kalunsuran. Ayon kay Engr. Ronald Litan, project manager ng naturang proyekto, nasa 90% na ang completion nito kung saan ang paglalagay na lamang ng sidewalks at ibang finishing touches ang gagawin. “Ang naturang tulay ay matibay maging sa pinakamalakas na bagyo o lindol. Kayang mag-accommodate nito ng pinakamataas na level ng tubig base sa bagyong Ondoy na naitalang 6/085 meters ang taas mula sa main sea level. Binubuo ito ng 55 segmental box girders at 53 dito ang pre-cast segments na fabricated sa Frey-Fil plant sa Calumpit, Bulacan habang ang dalawa ay cast-in-place segments. Mayroon din itong dalawang abutments at dalawang piers,” ani Litan. Ang disenyo ng tulay ay may standard load na 15 tons per Sundan sa pahina 3.. Pagawaan ng mga paputok, mahigpit na binabantayan na bantayan ang pagtupad ng ng DOLE mga establisyamento, partikular By Susan G. De Leon Locally made fireworks (Photo couretsy of tumblr.com) M AY N I L A - - I s i n a s a i l a l i m sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Labor and Employment ang mga pagawaan ng paputok sa bansa upang matiyak ang pagtalima ng mga ito sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS). Kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, inilabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Advisory No. 20, Series of 2018, na nag-aatas sa lahat ng regional directors [ng DOLE] na mahigpit iyong nasa pagawaan ng paputok, alinsunod sa Republic Act No. 11058, o ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) upang maiwasan ang aksidente sa lugar-paggawa. “Kaugnay ng pagdami ng pagawaan ng paputok sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, inaatasan ang lahat ng Regional Directors na bantayan ang mga establisyamento sa kanilang pagtalima sa Republic Act no. 11058, OP Memo Order No. 31, s. 2018, Occupational Safety and Sundan sa pahina 3..