Tambuling Batangas Publication February 20-26, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Taking the lead in ASEAN ... p.5 Lakbay Sining “Bayan mo, Ilakbay mo”, isasagawa sa ikatlong taonp. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Are we ready for a Big One? p. 5 Total Taxable Assessed Value ng Lalawigan ng Batangas, mas tumaas pa p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 8 February 20-26, 2019 P6.00 Bagong DILG Batangas Provincial Office, pinasinayaan PORMAL nang binuksan ang bagong gusali na magsisilbing panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas nang isagawa ang blessing at inauguration nito noong ika-15 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Lubos ang pasasalamat nina DILG CALABARZON Regional Director Manuel Q. Gotis at Batangas Provincial Director Adelma Mauleon sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, upang magkaroon ng katuparan ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng bago at mas maayos na tanggapan. Sa mensahe ni Governor Mandanas, sinabi nito na ang ang pagkakatayo ng bagong gusali ay sumasalamin sa hangarin ng DILG na maging bantayog ng pagsisikap upang maging mabuting kaagapay ng pamahalaang nasyunal sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.? Trizia Joy P. Canosa – Batangas Capitol PIO Diwang Batangueño Storytelling, isasagawa PANGUNGUNAHAN ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), sa pakikipagtulungan sa Batangas Culture and Arts Council (BCAC), ang nakatakdang mga aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero 2019. Isa sa mga aktibidad ang Storytelling Program, na nakasentro sa Diwang Batangueño, na isasagawa para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 ng mga pampublikong paaralan ng Barangay Wawa at Barangay Malitam, Batangas City; at Barangay Aplaya sa Bayan ng Bauan. Idadaos ang programa sa darating na ika-28 ng Pebrero 2019 sa Provincial Library at Samahang Batangueña. Inilalarawan ng “Diwang Batangueño” ang limang pangunahing katangian ng isang Batangueño, na binubuo ng Kagitingan (nobility), Kasipagan (industry), Katalinuhan (wisdom), Katapangan (bravery) at Kagandahan (beauty). Layunin ng programang maitaas ang kamalayan ng mga kabataang Batangueño patungkol sa kasaysayan, kultura at sining ng lalawigan. Samantala, susundan ito ng isang tour sa Museo ng Batangas sa People’s Mansion sa Kapitolyo para sa mga dumalong mag-aaral, kasama ang kanilang mga guro. ? Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO Bagong DILG Batangas Provincial Office sa Capitol. Nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa pagbasbas at pagpapasinaya ng bagong panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas noong ika-15 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Kasama sa larawan sina DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon (2nd mula kanan, likod), at DILG CALABARZON Regional Director Manuel Q. Gotis (4th mula kanan, harap) na nanguna sa pagtitipon. Trizia Joy P. Canosa/ Photo by: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO Solar electrification ng San Agapito Isla Verde nagsimula na BATANGAS CITY-May kuryente na ang may 40 kabahayan sa barangay San Agapito, Isla Verde matapos isagawa dito kaninang umaga ang ceremonial switching ng First Solar Micro Grid System and Community Electrification Project ng pamahalaang lungsod at Meralco katuwang ang Department of Energy (DOE) at United States Agency for International Development (USAID). Bukod sa mga city officials sa pangunguna ni Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimaucha, dumalo sa okasyon sina Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix William Fuentebella ang mga opisyal ng Meralco sa pangunguna nina Head of Networks, Ronnie Aperocho, President and CEO, Meralco Powergen Corporation, Rogelio Singson at USAID Philippines Deputy Office Chief for Environment and Mission Disaster Relief Paul Aiyong Seong. Ayon kay DOE Undersecretary Fuentebella, nagkaroon ng interest si DOE Secretary Alfonso Cusi na mapabilis ang electrification ng Isla Verde sapagkat naniniwala siya na dapat maging competitive ang mga eskwela at iyon ay mangyayari lamang kung mayroong kuryente sa kanilang tahanan. Ang proyekto din aniya ay sinuportahan ng USAID na nagkaloob din ng technical assistance. Ang solar electrification ng Isla Verde aniya ay inaasahang maging simula ng economic development ng Isla Verde. Nanawagan din siya sa mga residente na ingatan at pangalagaan ang Sundan sa pahina 2.. Mga Kabataang Batangueño na wagi sa Writing, Science at Math tilts, kinilala Vice Governor at Senior Board Member Wheng Sombrano-Africa, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Gng. Merlita Salagubang-Pasatiempo ng Provincial School Board Scholarship Division.– JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol KAUGNAY ng patuloy na pagpapamalas ng kagalingan ng mga kabataang Batangueño sa iba’t ibang larangan, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang ilang mga natatanging mag-aaral ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan noong ika-18 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Provincial Auditorium, Capitol Compounds, Batangas City. Tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala sina Arielle Victoria Encarnacion ng Our Lady of Caysasay Academy sa Bayan ng Taal, na nagwagi ng Gold Award sa Southeast Asian Mathematical Olympiad Extended Round; at si Floren Ivan Ramos ng Pinagtung- ulan Integrated National High School sa Lungsod ng Lipa, na nanalo ng 2nd place sa Sci-Chess competition sa 16th National Science Quest sa Baguio City. Pinarangalan din ang mga Batangueño students na lumahok sa 2019 National Schools Press Conference, na sinalihan ng 18 rehiyon, sa Sundan sa pahina 3..