Tambuling Batangas Publication February 06-12, 2019 Issue

Wetlands: Nature’s provider, our defense against climate change ... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Batangas Capitol, Panhua Group ng China Nagpulong Tungkol sa Pamumuhunan sa Lalawigan.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Single-use, throw-away plastics hinder progress toward zero waste p. 5 Medical, Surgical & Dental Mission 2019, Isinagawa sa Apacible District Hospital sa Nasugbu p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 6 February 6-12, 2019 P6.00 “Pagkain, Transportasyon, at Komunikasyon” Mensahe ni Imee Marcos sa mga Batangueño SA ginanap na pagdiriwang ng ika-74 Liberation Day ng Munisipalidad ng Nasugbu at Centennial plus Four o ika- 104 na taong pagkakatatag ng Munisipalidad ng Lian noong ika-31 ng Enero 2019, naging bisita si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na nagbahagi ng ilang mga ninanais na programa sa mga usapin ng pagkain, transportasyon at komunikasyon na may kinalaman sa Lalawigan ng Batangas. Sa naging panayam kay Marcos, unang binigyang pansin nito ang pagkakaroon ng reporma sa agrikultura kung saan ang gobyerno ang bibili ng mga agricultural commodities at magbebenta sa mga mamamayan nang walang tubo. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng supply ng may mas mababang presyo o halaga. Sa usapin ng transportasyon, hindi lamang daw Maynila ang nakakaranas ng matinding trapiko kundi pati na rin ang Batangas, kaya nais niyang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng public transport. Kailangan din daw ang pagbubukas ng ibang telecommunication companies upang magkaroon ng competition at makapagbigay ng magandang serbisyo. Sundan sa pahina 2.. Pagkalat ng Tigdas sa Lalawigan, tinutukan ng Prov’l. Health Office Batangas Province, 0 Mortality sa Tigdas MATAPOS ideklara ng Department of Health (DOH) ang sunod-sunod na measles outbreak o pagkalat ng sakit na tigdas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, naglabas na ng opisyal na ulat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), sa kasalukuyang estado at ginagawang aksyon ng Lalawigan sa harap ng banta ng naturang sakit. Kabilang dito ang pagtatatag ng Ligtas Tigdas Task Force upang matututukan ang pagkakaroon ng koordinasyon sa bawat immunization program coordinators ng bawat munisipyo at lungsod sa pagbuo ng nararapat na mga hakbang. Kasama rin dito ang pamamahagi at pagbibigay- alam ng wastong impormasyon at pagsasagawa ng tri-media campaign para maipabatid sa publiko ang kasalukuyang sitwasyon. Batay sa datos ng PHO, mula buwan ng Enero hanggang ika-11 ng Perbrero 2019, nakapagtala na ang lalawigan ng may kabuuang 130 kaso, anim dito ang kumpirmadong tinamaan ng tigdas, na mula sa Lungsod Sundan sa pahina 2.. Imee Marcos naging bisita Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-74 Liberation Day ng Munisipalidad ng Nasugbu at Centennial plus Four o ika-104 na taong pagkakatatag ng Munisipalidad ng Lian noong ika-31 ng Enero 2019 Tawilis, Taal Lake Patuloy na Pinangangalagaan NILINAW ng mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources – Region IVA na hindi totoo na ang isdang Tawilis, ang nag-iisang freshwater sardine sa mundo na endemic o sa Lawa ng Taal lamang matatagpuan, ay isa nang endangered species, taliwas sa mga naglabasang balita kamakailan. Isinagawa ang pagbabahagi ng DENR – Region IVA, kasama ang iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga bayan na nasa palibot ng Lawa ng Taal, sa isang press conference na ginanap sa Green Coral Resort, Lungsod ng Batangas noong ika- 1 ng Pebrero 2019. Ayon kay Batangas Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Chief Elmer Bascos, bago pa man lumabas ang International Union for the Conservation of Nature (IUCN) findings ay naikasa na ng kanilang tanggapan at ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape ang mga hakbang upang mapangalagaan ang Tawilis. Idinagdag pa niya na nagpasa ng resolusyon ang PAMB para sa pagkakaroon ng closed season sa pangingisda ng Tawilis tuwing mga buwan ng Marso at Abril, na magsisimulang ngayong taong ito. Nagpulong din ang pang-rehiyon at panlalawigang mga tanggapan ng DENR at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Sundan sa pahina 2.. English Computerized Learning Program sa Lalawigan ng Batangas, palalawakin Provincial School Board (PSB) sa Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas, bilang Chairperson, ang isinagawang pagpupulong kasama ang mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Batangas Province noong ika-12 ng Pebrero 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City PINANGUNAHAN ni Batangas Governor Dodo Mandanas, bilang Chairperson, ang isinagawang pagpupulong ng Provincial School Board (PSB), kasama ang mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Batangas Province noong ika-12 ng Pebrero 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Kabilang sa mga naging paksa ang pagpapalawak ng English Computerized Learning Program (ECLP) sa Lalawigan ng Batangas. Ang ECLP ay isang makabagong sistema ng pagtuturo ng wikang Ingles sa mga mag-aaral ng elementarya, na dinisenyo upang mas madaling matuto at masanay ang mga ito sa pagbabasa, pagbabaybay, pagsulat, at pagpapalawak ng bokabularyo. Kaakibat dito ang pagtuturo at pag-aaral ng wastong pronounciation ng mga English words. Ito ay hango sa isang modular approach, gamit ang Sundan sa pahina 3..