Tambuling Batangas Publication December 26, 2018-January 01, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. What not to give this Christmas... p.5 Mga Batangueño sa Larangan ng Kultura at Sining, Kinilala p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Panawagan sa Paglahok sa Ulirang Guro sa Filipino 2019 p. 5 Lemery, San Juan, Tanauan, Kampeon sa 2018 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 53 December 26, 2018-January 1, 2019 P6.00 Best Marine / Mangrove Protected Areas, Kinilala ng Batangas Capitol ISINAGAWA sa ikatlong pagkakataon ang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas and Bantay Dagat kung saan ginawaran ng parangal ang mga natatanging munisipalidad na patuloy ang ginagawang pagkilos upang mapangalagaan at mabigyan ng proteksiyon ang yamang dagat ng Lalawigan ng Batangas. Ang nasabing programa, sa pangunguna ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG- ENRO), na pinamumunuan ni Mr. Luis Awitan, ay ginanap kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-437 taong pagkakatatag ng lalawigan noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Kinilala ang Bantay Dagat ng Calatagan, Batangas bilang Outstanding Bantay Dagat, na sinundan ng Fishery Law Enforcement Assistance Team (FLEAT) Sigwada Team ng Balayan bilang 2nd Place; habang kapwa nakamit ng Calaca Bantay Dagat at Bantay Dagat Network ng San Juan ang ikatlong pwesto. Nasungkit naman ng Calatagan Mangrove Forest Sundan sa pahina 3.. Health and Wellness Forum para sa mga Kababaihang Senior Citizens, Isinagawa ALINSUNOD sa adikhain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na mas mapagtuunan ng pansin ang aspeto ng kalusugan ng mga mamamayang Batangueño, nagsagawa ng Health and Wellness Forum na nakatuon sa pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Batangueña senior citizens. Sa pangunguna ng Provincial Office of Senior Citizens’ Affairs at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ginanap ang nasabing forum noong ika-13 ng Disyembre 2018 sa Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan. Tinalakay sa pagtitipon ang kahalagahan ng tamang pagkain at araw-araw na pag- eehersisyo para sa mga senior citizens, lalo pa at tumataas ang panganib sa kalusugan habang tumatanda. Binanggit din dito ang mga pagkain na dapat bawasan upang makaiwas sa Sundan sa pahina 2.. Batangas Province’s Best Protected Mangrove Areas. Tinanggap ni Lobo Mayor Jurly Manalo, bilang kinatawan ng Lagadlarin Mangrove Forest Conservation Area, ang award bilang 2nd Placer sa kategoriyang Outstanding Mangrove Protected Areas sa isinagawang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO Mga Batangueño Student-writers, Pinarangalan Kaugnay ng 437th Batangas Province Foundation KAUGNAY sa layuning lalong maitaas, hindi lamang ang antas ng edukasyon sa lalawigan, kundi pati na rin malinang ang mga katangiang tatak Batangueño, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) Batangas Province, ang mga Batangueñong mag-aaral na nagpamalas ng husay sa larangan ng pagsusulat ng lathalain. Ang nasabing patimpalak ay ginanap kaugnay sa idinaos na 437th Foundation Day ng Batangas Province noong ika-8 ng Disyembre 2018. Ang awarding ceremony ay idinaos sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Ang mga kalahok ay nagpaligsahan sa larangan ng pagsusulat ng lathalain o essay writing sa wikang Filipino na nakasentro sa limang katangiang Batangueño na katapangan, kagitingan, katalinuhan, kasipagan at kagandahan. Pagdating sa pagpapamalas ng Katapangan, nanguna ang Bauan Technical High School, na kinabibilangan ng mga mag-aaral na sina Ronn Michael Azucena, Coleen Claire Nacion, at Timothy Dale Mendoza, kasama ang kanilang coach na si Mr. John Jordan Agito. Nakamit naman ng Maabud National High School mula sa bayan ng San Nicolas ang parangal sa Kagitingan, na binubuo nina Angelou Benamer, Kristina Cassandra Biscocho, Angelou Garcia at coach na si Ms. Cecile Desepeda. Samantala, nasungkit nina Nathaniel Canobas, Kuhleen Ann Andal, Zhiena Rose De Chavez at coach na si Mr. John Ronnel Popa Gladiola Delim ng Sundan sa pahina 2.. 2018 Batangas Province Local Legislative Awards, Ginanap Good governance through local legislation. Binigyang-daan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Sanggunian sa Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 2018 Local Legislative Awards noong ika-8 ng Disyembre 2018. Makikita sa larawan sina Governor Dodo Mandanas, DILG Provincial Director Adelma Mauleon at DSWD Assistant Secretary Anton Hernandez na personal na iginawad ang Plake ng Pagkilala sa Sangguniang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna nina Vice Mayor Danny T. Anuran (may hawak ng plake) at mga konsehal ng nasabing bayan, sa Provincial Winner sa 4th to 6th Class Municipalities Category. Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by: JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO PINARANGALAN ang mga Munisipalidad ng Bauan at Agoncillo at Lungsod ng Batangas sa isinagawang 2018 Local Legislative Awards na iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province. Ginanap ang pagbibigay ng parangal kasabay ng 437th Foundation Day celebration ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Pinangunahan nina Gov. Dodo Mandanas, DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon at Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Anton Hernandez ang awarding ceremony. Kinilala ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas, sa pangunguna ni Vice Mayor Emilio Francisco A. Berberabe, bilang Provincial winner sa kategoryang Component City. Ang Sangguniang Bayan ng Bauan naman, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Ronald E. Cruzat, ang hinirang Sundan sa pahina 3..