Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Videoke highlights Pinoy Yuletide bonding... p.5 Capability Building Programs para sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) NEDA 4A holds dissemination forum for prov’l economic accounts study p. 5 Tanauan City, ginawaran ng Seal of Good Local Governance p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 51 December 19-25, 2018 P6.00 Lalawigan ng Batangas, kinilalang Local Autonomy Champion By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Disyembre 21 (PIA)- Kinilala ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas bilang Local Autonomy Champion sa Regional Star Awards na idinaos sa Sta. Rosa, Laguna kamakailan. Ang naturang pagbibigay parangal na may temang: “One Region, One Strong Cooperative Movement,” ay nakamit sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO). Ayon kay Celia Atienza, pinuno ng PCLEDO, isa sa dahilan kaya natanggap ng lalawigan ang special recognition ay dahil sa ito ang kauna-unahang naglunsad ng cooperative office sa ilalim ng termino ni Governor Dodo Mandanas noong ito ay unang manungkulan bilang Punong-lalawigan noong taong 1995. Dagdag pa rito, ang probinsya rin ay may malakas na adhikain sa lokal na pamamahala sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa linya ng kooperatiba na may layuning makapagtaguyod ng Sundan sa pahina 3.. Sto. Tomas, Batangas pang- apat sa pinakamayamang munisipalidad sa bansa By Mamerta De Castro STO. TOMAS, BATANGAS, Disyembre 21 (PIA)- Umangat sa pang-apat mula sa ikalimang puwesto ang bayang ito sa listahan ng pinakamayamang munisipalidad sa bansa batay sa report na inilabas ng Commission on Audit (COA). Ayon sa 2017 Annual Financial Report ng COA, tinatayang P2.15-bilyon ang halaga ng kabuuang yaman o pag-aari ng baya ng Sto. Tomas na katumbas ng 12.5% na pagtaas mula sa P1.911-bilyon noong 2016. Kaugnay nito, nakapagtala din ang Sto. Tomas ng kabuuang kita na P721-milyon sa naturang panahon, mas mataas din ng 21.27% kumpara sa 2016, na nalikom mula sa mga lokal na buwis, permits and licenses, service and business income at kabahagi sa internal revenue allotment (IRA). Samantala, nanatili pa rin bilang pinakamayamang munisipyo ang Cainta, Rizal na may kabuoang asset na P3.988-bilyon. Nasa pangalawang puwesto ang Sual, Pangasinan (P2.529-bilyon); at ikatlo naman ang Limay, Bataan (P2.426- bilyon). Kabilang din sa top 10 ang mga munisipyo ng: Mariveles, Bataan (P2.091-bilyon); Tanay, Rizal (P1.793-bilyon); Carmona, Cavite (P1.659-bilyon); Narvacan, Ilocos Sur (P1.627-bilyon); at, Silang, Sundan sa pahina 2.. Itinanghal na Local Autonomy Champion ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Livelihood Enterprises and Development Office(PCLEDO) sa isinagawang Regional Star Awards sa Sta. Rosa Laguna kamakailan. (Photo courtesy of PIO Batangas Province,caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas) PADAC-Batangas nakiisa sa pagdiriwang ng Anti-Drug Abuse Month By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Disyembre 21 (PIA)- Iba’t-ibang mga aktibidad ang isinagawa ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) bilang bahagi ng pakikiisa nito sa pagdiriwang ng National Anti-Drug Abuse Observance sa buong buwan ng Nobyembre. Layon ng mga aktibidad na ito na maipabatid sa publiko sa pamamagitan ng information dissemination ang masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa kalusugan ng tao at maging sa komunidad. Nauna na rito ang pagpapalabas ng Executive Order No. 2 HIM-10 at Executive Order No. 2 HIM-10A ni Governor Hermilando “ Dodo” Mandanas, bilang pagtalima sa Local Government Code at memorandum circulars na ipinalabas ng Department of the Interior and Local Government upang mabuo ang Batangas Provincial Anti-Drug Abuse Council na naglalayong maideklara ang Lalawigan ng Batangas na ligtas sa ipinagbabawal na gamot, mapanatili ang estado nito bilang mapayapang pamayanan at maging inspirasyon ng ibang bayan at probinsya hinggil sa pagsugpo sa illegal na droga. Ayon kay Police Chief Inspector Rodel Ban-o, deputy chief ng Intelligence branch ng Batangas Police Provincial Office, umabot sa 30,721 ang sumuko sa isinagawang Oplan Tokhang ng kapulisan sa lalawigan. Sa kabuuang 1,078 barangays sa lalawigan, 490 barangays ang naideklarang drug free. Sa 34 na munisipalidad at lungsod ng lalawigan, siyam na bayan ang declared na drug free municipalities, kabilang ang Taal, Alitagtag, Balete, Cuenca, San Nicolas, Sta.Teresita, Talisay, Tingloy at San Luis. Matatandaang Sundan sa pahina 2.. Natatanging agricultural workers pinarangalan By Mamerta De Castro Isinagawa ang parangal sa mga natatanging agricultural workers sa office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS) kamakailan. Makikita sa larawan sina 5thDistrict Representative Marvey Marino, Mayor Beverley Marino, at mga ginawaran ng parangal at iba pang bisita sa pagdiriwang. (Photo by PIO Batangas City/ Caption by Bhaby P De Castro-PIA Batangas) LUNGSOD NG BATANGAS, Disyembre 21 (PIA)- Ginawaran ng parangal ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang mga natatanging magsasaka at iba pa sa pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week kamakailan. Ang naturang parangal ay bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura. Nagsilbing keynote speaker si Department of Agriculture Regional Executive Director Dir. Arnel de Mesa na kinatawan ni Antonio Sara, head ng Livestock Operations ng Department of Agriculture Region IV- A Calabarzon. Ipinaabot niya ang taos- pusong pasasalamat sa mga magsasaka na syang nagbabanat ng buto upang magkaroon ng pagkain sa hapag kainan ang bawat mamamayang Filipino. Binigyang-diin niya na ang agrikultura ang punot dulo ng kaunlaran ng bansa kung kayat hinikayat niya na patuloy na linangin ang naturang Sundan sa pahina 3..