Tambuling Batangas Publication December 05-11, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Values we must learn from Andres Bonifacio... p.5 BSU BSBA students champion sa 12th Conference of Aspiring Marketing Professionals p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) World AIDS Day 2018: PRC calls to intensify HIV testing campaigns p. 5 Vice-Mayor Berberabe hindi tatakbong vice-governor p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 48 December 5-11, 2018 P6.00 Christmas kick off sa Batangas City muling nagpaganda ng gabi OPISYAL ng sinimulan ang pagdiriwang ng Pasko sa Batangas City sa pamamagitan ng ceremonial switch on ng christmas lghts sa kahabaan ng P. Buros St. papunta sa Plaza Mabini, City Hall at mga kalapit na kalye sa poblacion. Inabangan ito ng mga tao sa Plaza Mabini kung saan excited ang marami na mag picture- taking sa background ng mga naggagandahang LED lights at Christmas decorations. Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Councilors at mga department heads ng pamahalaang lungsod pagkatapos ng isang maikling cultural program sa Amphitheatre ng Plaza Mabini. Nagtanghal sa nasabing programa ang Dangal ng Lungsod ng Batangas Chorale, Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School kabilang na dito ang performances ng mga singers ng nasabing grupo, at Batangas National High School Special Program in the Arts Symphony Orchestra. (PIO Batangas City) Batangas Coast Guard nagsanay sa emergency response SUMAILALIM ng pagsasanay ang may 40 personnel ng Philippine Coast Guard sa Integrated Planning Course on Incident Command System (ICS) nitong November 26- 29 sa training room ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services upang mapalakas ang kakayahan nilang maka responde sa panahon ng kalamidad at emergency. Ang Incident Command System ay isang sistema ng pangangasiwa na naglalayong magkaroon ng effective at efficient domestic incident management sa pamamagitan ng integration ng kombinasyon ng mga facilities, equipment, personnel, procedures at communications na nag ooperate sa loob ng common organizational structure. Ayon kay LCDR Geoffrey Espaldon, station commander ng Coast Guard Station sa Batangas, layunin nito na magkaroon ng kaalaman ang mga participants at magamit ang kanilang natutunan sa training na ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin at responsibilidad bilang Planning Section Chief at Unit Leaders sa ICS organization. Ang mga units na ito ay kinabibilangan ng Resources, Situation, Documentation at Demobilization. Ito aniya ay alinsunod Sundan sa pahina 2.. ceremonial switch on ng christmas lghts sa kahabaan ng P. Buros St. papunta sa Plaza Mabini, City Hall at mga kalapit na kalye sa poblacion sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Councilors at mga department heads ng pamahalaang lungsod pagkatapos ng isang maikling cultural program sa Amphitheatre ng Plaza Mabini. Paalaala sa pagdiriwang ng World Diabetes Day , magkaroon ng healthy lifestyle ANG diabetes na isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkakasakit at ng kamatayan sa Batangas City ay pwedeng maiwasan sa pamamagitan ng healthy lifestyle ayon sa City Health Office (CHO) sa pagdiriwang nito ng World Diabetes Day, November 28 . Ang diabetes ay isang sakit kung saan mataas ang sugar level ng isang tao. Ang mga uri ng sakit na ito ay type 1 diabetes o yuong tinatawag na juvenile diabetes kung saan ang apektado ay ang mga bata at insulin dependent. Ang isa pa ay ang type 2 diabetes kung saan ang apektado ay yuong mga edad 30 taon at pataas at mga overweight. Ang type 3 ay ang tinatawag na gestational diabetes o nararanasan tuwing nagbubuntis ang isang ina. Sa lecture na isinagawa ng CHO kung saan ito ay dinaluhan ng mga diabetes patients sa Teachers Conference Center, sinabi ni Dr. Angela Grace Alegre ng CHO na kailangan ng isang pasyente ang suporta ng pamilya upang maiwasan at ma manage ang diabetes. Mahalaga aniya ang tamang life style sa pamamagitan ng balanced diet at ehersisyo. “Reducing the family’s risk starts at home,” sabi ni Dr. Alegre. Kaya dapat aniyang lutuan ng mga nanay ng tamang pagkain ang kanilang mga anak at huwag itong sanayin sa mga pagkain sa fast food chain. Sinabi naman ni Dr. Rosalie Masangcay, officer 1 ng Provincial Health Office, na Sundan sa pahina 2.. National Nutrition Council says fad diets not recommended for weight loss that does not form part of standard first Calabarzon Nutrition Action Officers’ General Assembly cum Advocacy Forum on National Salt Iodization Program (NSIP), November 19-20, at the Manila Grand Opera Hotel. BATANGAS City Nutrition Officer Luciana Manalo said that the National Nutrition Council (NNC) has a policy statement on fad diets which was one of the items discussed during the first Calabarzon Nutrition Action Officers’ General Assembly cum Advocacy Forum on National Salt Iodization Program (NSIP), November 19-20, at the Manila Grand Opera Hotel. According to the NNC, fad diets are “any dietary regimen or practice promoted for weight loss and improvement of health dietetic-led weight management advice.” The different classifications of food diets are Calorie Restriction (Very Low Energy Diet (VLED), Military Diet,Blood type/Cohen, HCG Diet), Low Carbohydrate, High Protein (Atkin’s Diet, Paleo Diet), Moderate Carbohydrate, High Protein (Zone Diet, South Beach Diet), Low Carbohydrate, High Fat (Ketogenic Diet), Avoidance to certain food groups (Gluten Free, Macrobiotic Diet) Fasting (Intermittent Fasting, Water Sundan sa pahina 3..