Tambuling Batangas Publication August 22-28, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. A PARADISE IN THE END... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Teen pregnancy at iba pang issues tinalakay sa Linggo ng Kabataan symposium p. 2 8 Toxic Filipino ‘Thinking’ that Should Vanish p. 5 Delegasyon mula sa Cebu inalam ang PPP program sa Batangas City p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 35 August 22-28, 2018 P6.00 Bike patrol ng pulis palalakasin MULING ilulunsad ang proyektong “bike patrol” ng Batangas City Police sa ika-30 ng Agosto sa Amphitheater ng Plaza Mabini upang mapalakas ang police visibility sa layuning maiwasan ang kriminalidad sa lungsod. Ayon kay Pol. Supt. Sancho Celedio, ang naturang relaunching ay kaugnay ng pagdiriwang ng kauna- unahang Police Service Day sa lungsod bilang paggunita naman ng ika-117th Police Service Anniversary ngayong buwan ng Agosto. Ang bike patrol ay isang section na binubuo ng dalawang teams. Sampung refurbished mountain bikes ang gagamitin ng mga kapulisan na nagvolunteer ng extra duty hours. Itatalaga sila malapit sa campus areas sapagkat mga estudyante aniya ang madalas na nabibiktima ng masasamang loob base sa kanilang namonitor sa social media at hindi na napapaulat dahil natatakot sila na magreport. “Even before the launching, we’ll make sure that we will be felt in the streets. Iba pa rin na nararamdaman ng mga tao ang kapulisan lalo na sa mga oras na kailangan kami lalo kapag labasan sa eskwelahan ng mga estudyante at paglabas sa opisina ng mga nagtatrabaho,” sabi ni Celedio. Hihilingin niya na ang naturang programa ay ma- institutionalize sa pamamagitan ng Local Anti Crime Action Plan (LACAP). Ito ay ipi presenta sa Sangguniang Panglungsod upang magpalit man ng hepe o bikers ay makakakuha pa din ito ng suporta. Nagpaabot ng suporta sa bike patrol team sina Councilor Armando Lazarte at ABC President Dondon Dimacuha. Inaasahan nila na sasailalim sa pagsasanay ang bike patrol team upang matutunan ang ibat-ibang intervention technique. Maglalagay din ang Sundan sa pahina 2.. Palace on Single Passenger Ban on EDSA: Let’s give it a chance FOLLOWING the dry-run of the single passenger ban on EDSA by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) yesterday, the Palace said the public should give it a chance since it is a possible solution to the traffic in the Metro. In a Palace press briefing Thursday, August 16, Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. said that MMDA’s intention of implementing this traffic scheme on EDSA is good and should be considered given the big volume of cars traversing the road during rush hours. The Palace official added that this scheme is patterned after the United States, where it has been deemed successful as mechanism to easing traffic congestion. “Maganda naman po ang hangarin ng MMDA na mabawasan ang sasakyan sa EDSA. Ito naman po ay ginaya na rin natin doon sa experience ng ibang bansa gaya ng Estados Unidos,” Roque said. “Sa Estados Unidos po talaga mayroon talaga silang oras Sundan sa pahina 2.. bagong Sangguniang Kabataan (SK) Federation representative Marjorie Manalo noong August 7 sa lingguhang sesyon ng Sangguniang Panglungsod Gender & Dev’t. Capacity Building, Isinagawa ISINAGAWA ang 2 araw na Capacity Building para sa mga miyembro ng Provincial Committee on Gender and Development (PCGAD) na ginanap sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City noong ika-14 hanggang ika-15 ng Agosto, 2018. Ito ay pinangunahan ng PCGAD Secretariat, ang Tanggapan ng Panlalawigang Kagalingang Panlipunan, Paglilingkod at Pagpapaunlad na pinamumunuan ni Ms. Jocelyn R. Montalbo. Isa sa layunin ng nasabing seminar na masuri ang mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan gamit ang iba’t ibang tools upang matukoy ang kanilang gender responsiveness, matukoy ang mga isyu sa pamamagitan ng gender analysis at maituro sa mga dumalo ang GAD Checklist upang magamit nila ito sa Project Management and Implementation at Project Monitoring at Evaluation. Naging resource person sa seminar si Ms. Maria Theresa H. Arellano- Hernandez, Associate Professor II at Assistant Director ng GAD sa Batangas State University – Main Campus. Tinalakay niya ang GAD Mainstreaming, GAD Analysis at ang Project Implementation & Management, Monitoring & Evaluation (PIMME). I naasahang ang mga natutunan ng mga lumahok ay magagamit nila upang magkaroon ng epektibo at mahusay na implementasyon ng GAD Plan at Programs, Projects and Activities (PPA), ang wastong paggamit ng GAD Budget, coordinated GAD efforts ng lahat ng opisina at upang mapatibay ang pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng GAD Focal Point System. Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO Barangay chairmen at tanod sumailalim sa seminar sa gun safety San Pascual ABC President at mga pangulo ng barangay ng nasabing bayan, kasama si Gov. Dodo Mandanas sa ginanap na courtesy call sa People’s Mansion, Capitol Compound Batangas City. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol PIO Karl Ambida– Batangas Capitol BATANGAS CITY- Dahilan sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maarmasan ang mga barangay chairpersons at barangay tanod para sa kanilang proteksyon, sumailalim ang mga ito sa Gun Safety and Comprehensive Law Seminar ng Batangas Rifle and Piston Group Inc. (BRPG). Ayon kay Rainier Untalan, secretary ng BRPG, malaking bagay na mayroong baril ang mga barangay chairmen at tanod dahilan sa sila ang nasa frontline at kailangan nilang proteksyonan ang kanilang sarili at ang komunidad lalo na yuong mga barangay na malayo sa bayan na hindi kaagad marespondehan ng kapulisan kung may krimen. Ipinaliwanag sa seminar na kailangan munang sumailalim sa gun safety seminar ang isang gun owner bago makakuha ng lisensya. Responsibilidad din ng gun owner na matutunan ang tamang paraan ng safekeeping ng baril, tamang pag hawak at tamang pag dadala nito. Sinabi rin ni Untalan Sundan sa pahina 3..