Tambuling Batangas Publication April 23-30, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Datu Kalun :The Life-Journey of Pedro Javier Cuevas ... p.5 Mayor Dimacuha tumanggap ng award sa ecological solid waste management p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) PNPA, one of the best changes that works for women p. 5 Pagtatapon ng dumi ng baboy sa Calumpang River tinalakay p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 17 April 24-30, 2019 P6.00 Pangulong Duterte: Pagsugpo sa illegal na droga, patuloy By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Patuloy ang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang kampanya kontra illegal na droga. Sa isinagawang pagbisita sa lalawigan ng Batangas upang makibahagi sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP- LABAN) campaign rally sa Batangas City Sports Coliseum noong Miyerkules Santo (Abril 17), sinabi ng Pangulo na kabilang ang lalawigan sa naka-red flag pagdating sa kaso ng droga. “Sinabi ko na pupunta talaga ako dito sa Batangas, darating ako dahil kasama kayo sa red flag pati ang Lucena pagdating sa usapin ng droga,” ani Duterte. Binigyang-diin nito na habang siya ay nakaupo sa puwesto at nagsisilbi bilang lingkod bayan ay patuloy ang gagawin niyang pakikipaglaban upang masugpo ang droga na sumisira hindi lamang sa buhay ng nagiging biktima nito kundi maging sa lahat ng miyembro ng pamilya nito. “Bilang lingkod bayan, may mga batas tayong sinusunod at habang may korapsyon sa pamahalaan ay huwag nating asahang uunlad ang ating bansa dahil iyan ang ugat ng kahirapan,” anang Presidente. Matapos ang mensahe ng Pangulo ay itinaas niya ang kamay ng mga Senatorial bets ng PDP-LABAN kabilang sina Dong Mangudadatu, Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher “Bong” Go, Aquilino “Koko” Pimentel III, Francis Tolentino at ang mga guest candidates na sina Freddie Aguilar, Imee Marcos, Rafael Alunan, Cynthia Villar at JV Ejercito. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS) PRDP CALABARZON conducts orientation to various municipalities FIRST quarter of 2019 is a busy period for the Philippine Rural Development Project (PRDP) CALABARZON Regional Project Coordination Office (RPCO). Ten municipalities from three different provinces were oriented of the possible interventions they can receive from the project. “While we do have the biggest portfolio in the cluster for both infrastructure and enterprise interventions, there are still more municipalities that we have not yet partnered with. These are the ones we are excited about,” Regional Project Director Felix Ramos said. The Infrastructure Development or I-BUILD component went to the municipality of Morong in Rizal province to discuss the process for a possible farm-to-market road subproject for the town. Component Head Joel Fuentes met with Mayor Armando San Juan to explain the opportunities for Morong. Currently, there are no other subprojects either approved or pipelined from the province of Rizal. Two municipalities from the Batangas province were given Sundan sa pahina 2.. Pangulong Rodrigo Duterte P 211M halaga ng pinsala ng El Nino sa agrikultura sa Quezon By Ruel Orinday LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, (PIA)- Umabot sa 211 milyong pisong halaga ng mga pananim sa iba’t-ibang bayan ng Quezon ang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Nino Phenomenon mula Disyembre 2018 hanggang Marso 2019. Ito ang iniulat ni Panlalawigang Agrikultor, Roberto Gajo sa isinagawang flag raising ceremony sa kapitolyo ng Quezon kamakailan. Kabilang sa mga produktong agrikultura o pananim na naapektuhan ng tagtuyot ay mais, palay, high-value crops, niyog at gayundin ang sektor ng pangingisda kung saan ay umabot sa 6,189.61 na ektarya ng agricultural area ang naapektuhan mula Enero 2018 hanggang buwan ng Marso 2019. Ayon sa ulat ng tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, ang mga bayan na naapektuhan ng El Nino partikular sa mga tanim na palay ay ang Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Candelaria, Catanauan, Gunayangan, Gumaca, Infanta, Jomalig, Lopez, Mauban, Padre Burgos, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Quezon, San Antonio, San Narciso, Sariaya, Tiaong at Unisan. Naapektuhan din ng tagtuyot ang mga tanim na mais sa mga bayan ng Buenavista, Alabat, Agdangan, Candelaria, Catanauan, Guinyangan, Gumaca, Infanta, Lopez, Lucena City, Macalelon, Pagbilao, Padre Burgos, San Andres, San Francisco, San Narciso, Sariaya, Tagkawayan, Tayabas, Tiaong at Unisan. Ang mga bayan na apektado ng tagtuyot partikular sa sektor ng pangingisda ay ang Agdangan, Atimonan, Burdeos, Calauag, Padre Burgos, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Perez, Polillo, Tagkawayan at Tiaong, Quezon. Sundan sa pahina 2.. MARINA launches info campaign on sea passengers’ rights By Mamerta De Castro DOTr Usec for Maritime Fernando Juan Perez and Vice Admiral Narciso Vingson Jr., OIC-MARINA during the press conference held at the Batangas Port after the launching of the information awareness campaign on the rights of sea passengers in cases of cancelled, delayed, and uncompleted voyages. (Photo and caption by: Bhaby P. De Castro-PIA Batangas) BATANGAS CITY, (PIA)-The Maritime Industry Authority (MARINA) launched the information awareness campaign on the rights of sea passengers in cases of cancelled, delayed and uncompleted voyages at the Passenger Terminal Building (PTB)3 of Batangas Port on April 11, 2019. Said campaign aims to inform the public on their rights, as well as the obligations of shipping operators during cancelled, delayed, and uncompleted travels at sea. All sea passengers of a cancelled or delayed voyage have the right to information as well as right to refund or right to revalidation of ticket. If passengers choose to revalidate their tickets, they may also avail of the right to amenities including snacks or meals and free accommodation while waiting for their rescheduled trip. Sea passengers on a cancelled or delayed voyage can avail of the right to compensation only if the free accommodation is not practical for the shipping operator. Those that have uncompleted voyage also have the right to information, amenities, Sundan sa pahina 3..