Tambuling Batangas Publication April 17-23, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Honoring and caring for the veterans ... p.5 Ground breaking ng senior high school building sa Mahabang Dahilig isinagawa p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Visita Iglesia within the walls of Intramuros p. 5 Kahandaan sa bomb incident sinukat p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 16 April 17-23, 2019 P6.00 Dos and dont’s para sa mga botante ISANG simulation exercises sa bombing incident ang isinagawa ng Batangas City PNP, April 12, sa SM City Batangas kung saan sinukat sa real time ang bilis ng pagresponde ng mga concerned government agencies matapos mataggap ang tawag tungkol sa insidente. Ayon sa itinalagang Incident Commander na si PMaj Richard Natividad, mabilis ang pag responde ng mga konsernadong ahensya dahil base sa scenario, 7:02 ng umaga ng maganap ang pagsabog sa may parking area na terminal ng mga pampasaherong sasakyan ng SM. Kaagad itong nagbuo ng Incident Command System (ICS) na namahala sa insidente. Makalipas ang 10 minuto ay dumating naman ang mga tauhan ng Batangas City PNP, iba pang responders at mga rescue vehicles at inilipat ng SM ang ICS sa mga ito. 7:40 ng umaga o pagitan ng 38 minutes ay dumating naman ang Explosive Ordinance Disposal (EOD) unit na siyang namahala sa bomb disposal. Kabilang sa mga rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Bureau of fire Protection, Philippine Coast Guard, City Health Office (CHO) at Public Information Office (PIO). Sinabi rin ni Maj. Natividad na naging maganda din ang koordinasyon ng bawat ahensya sa pagtugon sa insidente. Nagpasalamat naman sina SM Building Administrator Stephen Cua at Security Head Emanuel Aquino sa isinagawang simulation exercise na anila ay nagbigay kaalaman lalo’t higit sa kanilang security personnel sa pagresponde sa ganitong insidente. Nais nila na maulit pa ang ganitong gawain upang mapalakas pa ang kanilang kahandaan. PIO Batangas City) Cassava Farmers’ Day, ipinagdiwang sa San Nicolas IPINAGDIWANG ng Munisipalidad ng San Nicolas ang Cassava Farmers’ Day noong ika-2 ng Abril 2019, upang ipagmalaki at ibida ang nasabing root crop na mas kilala bilang kamoteng kahoy o balinghoy. Ang pagdiriwang, sa pangunguna ni San Nicolas Mayor William Marquez, ay dinaluhan nina Mrs. Avelita Rosales, Regional Corn – Cassava Coordinator ng Department of Agriculture Region IV-A, mga event sponsors at stakeholders na may koneksyon sa pagtatanim at pangangalakal ng cassava. Tampok sa pagdiriwang ang “pinaka” contest, na nilahukan ng mga Barangay Munlawin, Calangay at Sto. Nino ng San Nicolas. Nagwagi ang Brgy. Sto Nino sa pinakamabigat na kamoteng kahoy, na may timbang na 8.5 kg; pumangalawa ang kamote ng Brgy. Munlawin, na naitala na 8.2 kg ang bigat; at, ang balinghoy mula sa Brgy. Calangay na may bigat na 7.9kg. Layunin ng Cassava Farmers’ Day na ipakita na ang cassava ay isa sa mga pangunahing agricultural products ng ating lalawigan. Hangad ding makahanap ng tamang market at wastong presyo para sa mga nabanggit na kalakal pang- agrikultura. Nagbahagi ` r i n sa pagdiriwang ng mga kaalaman sa tamang pagtatalop, paggagayat at pagpapatuyo gamit ang iba’t ibang uri ng makinarya. – Mon Antonio A. Carag III, Batangas PIO simulation exercises sa bombing incident ang isinagawa ng Batangas City PNP, April 12, sa SM City Batangas 209 Batangueño students, pasok sa SPES sa Kapitolyo NAGSAGAWA ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng orientation at career coaching para sa 209 na mga estudyanteng kalahok sa Special Program for the Employment of Student (SPES), sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Abril 2019. Kabilang sa mga nagbigay ng orientation sina Ms. Fredesvinda R. Mendoza, Officer – in – Charge ng PACD at Provincial Employment Services Office (PESO) Manager; Dr. Razel M. Ingco, PESO Coordinator; at, Mr. Karl Joseph Sanmocte, ang Department of Labor and Employment (DOLE) Focal Person. Ipinaliwanag ni Dr. Ingco ang programang SPES; ang naganap na screening ng mga aplikante sang-ayon sa requirements; at, ang pangunahing adhikain ng SPES na makatulong sa mga estudyante sa kanilang pag- aaral. Ang mga napiling mag- aaral ay makakatanggap ng P478 per day sa loob ng dalawang buwang o 20 araw na pagtatrabaho, kung saan ang 40% ay magmumula sa DOLE habang ang 60% ay sa pondo ng pamahalaang panlalawigan. Nagbahagi naman si Mr. Sanmocte ng ilang orientation at career coaching na may kinalaman sa skills at attitude na magagamit ng mga SPES qualifiers sa kanilang pagtatrabaho at sa kanilang mga karera sa hinaharap. Sa mensahe ni Ms. Fredesvinda Mendoza sa mga mag- aaral, sinabi nito na makatutulong sa bawat isang kalahok ang pagkakataon na maging empleyado at miyembro ng organisasyon kung saan sila mapapatalaga. Dagdag pa niya na kinakailangang pagbutihin nila ang kanilang mga trabaho dahil makatutulong ito sa kanilang sarili, sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamilya. Shelly Umali – PIO Capitol Barangay service point officers , katulong sa pagpapalaganap ng family planning allowance na P3,000 mula sa 30th founding anniversary ang Association of Barangay Service Point Officers (BSPOs), April 4, sa Teachers Conference Center BATANGAS CITY-Nagdiwang ng 30th founding anniversary ang Association of Barangay Service Point Officers (BSPOs), April 4, sa Teachers Conference Center kung saan nagtanghal sila ng kani kanilang mga talento, nakisaya sa mga games at raffles taglay ang ibayong sigla sa pagtupad ng kanilang tungkuling makapagbigay ng edukasyon sa mga barangay tungkol sa family planning at adolescent health. Sa kasalukuyan ay may 121 BSPOs na nasa pangangasiwa ng City Population and Development Office at tumatanggap ng buwanang pamahalaang lungsod. Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, mas maraming responsibilidad ang nakaatang sa City Population and Develoment Office ngayon dahilan sa pagsasanib ng Population Commission sa National Economic and Development Authority (NEDA). Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Ms. Marlyn Ogaya, asst. regional director ng Population Commission and Development, na ang Calabarzon ang may pinakamataas na populasyon sa Sundan sa pahina 3..