Tambuling Batangas Publication April 10-16, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Of travails and triumphs ... p.5 SWAD-Laguna offers financial assistance to persons living with HIV p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) 5 facts you need to know on Hemophiliap. 5 Regional Women’s Month celebration, idinaos sa Batangas p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 15 April 10-16, 2019 P6.00 Pagdagsa ng mga deboto sa Monte Maria sa Mahal na Araw pinaghahandaan By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Pinaghahandaan na ng pamahalaang lungsod ang seguridad, pangangasiwa ng trapiko, at pananatili ng kalinisan sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa Mother of Asia, Tower of Peace na kilala bilang Monte Maria sa barangay Pagkilatan ngayong Mahal na Araw. Kaugnay nito, nagbuo ng isang komitiba na kinabibilangan ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod at mga punong barangay ng ilang coastal barangay na dadaanan papunta at palabas ng Monte Maria upang mangasiwa at tiyakin ang kahandaan ng lungsod sa pagdagsa ng mga tao sa nagiging popular na pilgrimage destination. Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Libjo, Ambulong, Tabangao Aplaya, Pinamucan Proper, Pinamucan Ibaba, Simlong, Mabacong at Pagkilatan. Ayon sa Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) magtatalaga sila ng mga traffic enforcers sa mga pangunahing kalye at mga lugar na inaasahang magkakaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko kagaya ng mga barangay patungong Pagkilatan at coastal barangay. Sundan sa pahina 2.. TESDA-Quezon holds 2019 Provincial Skills Competition By Ruel Orinday LUCENA CITY, Quezon, (PIA)- The provincial office of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) recently held the 2019 Provincial Skills Competition at the Quezon National Agricultural School (QNAS), Pagbilao, Quezon. TESDA Quezon provincial Director Ava Heide V. Dela Torre, who declared the opening of the competition, said 22 competitors in 13 trade areas from seven institutions in Quezon province joined the competition which started last March 11 until March 14 2019. The winners received medals and certificates of commendation. The contenders competed in the following trade areas and venue: Welding Technology, Electronics, Web Design and Development, Graphic Design, Electrical Installation, Wall and Floor Tiling Setting & Cooking at the Quezon National Agricultural School in Pagbilao, Quezon; IT Software Solutions for Business, Automobile Technology, Beauty Therapy, Hairdressing & Restaurant Services at CSTC College of Sciences, Technology and Communications Inc., Sariaya, Quezon; and Information Network Cabling at Colegio de Santo Cristo de Burgos Corporation, Sariaya, Sundan sa pahina 3.. Pinangunahan ni Jocelyn Cantre mula sa General Services Division ang pagpupulong ukol sa isasagawang paghahanda sa pagdagsa ng mga deboto at mananampalataya sa Montemaria, na isa sa mga kinikilalang religious destinations sa lungsod ng Batangas. (Photo courtesy of PIO Batangas City/Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas) Early childhood care and development prayoridad ng Lungsod ng Batangas By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)- Isa sa mga mahahalagang programa ng City Social Welfare and Development Office ay ang Child Development Centers na 45 taon ng nagsisilbi sa mga batang nasa Early Childhood Care and Development (ECCD) na tinuturuan ng maraming bagay na makakatulong sa kanilang total development at binibigyan ng mga serbisyo para sa kanilang kalusugan at kapakanan. May kabuoang 107 child development centers na sa buong lungsod kung saan ang mga batang edad 0-4 taong gulang ay ipinagkakatiwala ng mga magulang upang mabigyan ng early education at mahubog ang iba’t-ibang kasanayan. Nabibigyan din ng pamahalaang lungsod ang mga batang ito ng iba’t-ibang serbisyo tulad ng medical check- up, free vaccination, Vitamin A at tinuturuan ng tamang pangangalaga ng ngipin kung saan may libreng dental kit na ipinamamahagi ang Dental Division ng City Health Office. Bukod pa dito, mayroon din silang supplemental feeding, pinapainom ng fresh milk mula sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) at tinuturuan ng tamang nutrisyon. Mayroon din silang mga sports activities, puppet shows, mga field trips, mga social at religious activities. Nabibigyan din ng pagkakataon ang mga bata na lumahok sa mga pagdiriwang tulad ng Universal Childrens’ Month, Search for Batang Makakalikasan, Nutrition Month celebration at iba pang aktibidad Sundan sa pahina 2.. DOH conducts training on proper spraying to sanitary inspectors By Mamerta De Castro DOH-CALABARZON Nurse V and Regional Dengue Prevention and Control Program Coordinator Jomell V. Mojica supervises a participant, in complete safety over-all uniform, doing the proper spraying technique for indoor residual spraying during the demonstration and practicum of participants of the four-day “Training on the Insecticide Application and Introduction of Dengue Indoor and Outdoor Residual Spraying for Sanitary Inspectors and Spraymen” of various local government units of Batangas held at the Lima Park Hotel, Malvar, Batangas from March 26-29, 2019. (Photo by: Glen Ramos-DOH Calabarzon) MALVAR, BATANGAS, (PIA)- A four-day training on the insecticide application and introduction of dengue outdoor and indoor spraying for Sanitary Inspectors and Spraymen of various local government units in Batangas was initiated by the Department of Health Center for Health Development (DOH CHD)4A at Lima Park Hotel on March 26-29, 2019. The said training aims to ensure the safe and correct application of a residual insecticide to indoor surfaces and outdoor surroundings where dengue carrying mosquitoes rests. According to Jomell Mojica, Nurse V and Coordinator of the Regional Dengue Prevention and Control Program, it is very important to know how to properly handle and spray the insecticides emphasizing that all personnel involve in vector prevention and control must be well trained and equipped with the knowledge and skills to avoid any incident. “Batangas has a high number of dengue cases that is why the spraying and misting operations is done to prevent the spread of dengue and reduced the number of these cases by Sundan sa pahina 3..