10 Philippine Showbiz Today
March 22 - April 7, 2019
Jan. 22-Feb.7, 2015
Budget 2019: Investing in the Middle Class
to grow Canada’s economy
Kagawaran ng Pananalapi ng
Canada
Noong 2015, ang mga
masisipag na Canadians ay
nagpatunay na pag gusto nating
lumakas ang ekonomiya, ang
unang dapat gawin ay palakasin
natin ang middle class.
Ang mga kababayan natin ay
pinili ang gobyerno na ito upang
bigyang-puhunan ang mga middle
class at sa mga nagsusumikap na
makasali dito.
Kapag namumuhunan sa
middle class, namumuhunan
tayo sa mga kababayan natin at
maaaring bigyan tulong ang mga
kababayan na nangangailangan.
Ang pag-invest sa ating bansang
Canada ay upang maging mas
malakas, at mas gumanda ang
kapalaran ng ating bansa para
sa ngayon at para sa darating na
panahon.
Upang mapatuloy pa ang
magagandang
gawain
ng
Gobyerno natin, ang Ministro
ng Pananalapi Bill Morneau ay
isinalang ang Budget 2019 –
Investing in the Middle Class
Ang Budget 2019 ay ang
susunod na hakbang para sa
plano ng ating Gobyerno upang
lumago ang ekonomiya at patuloy
na ibaba ang pederal debt to GDP
(gross domestic product) ratio.
Sa Budget 2019, iminungkahi
ng Gobyerno na:
1. Gawin ang pagbili ng mga
bahay na mas abot-kaya para sa
first time home buyer: ipapatupad
ang ‘First Time Home Buyer
Incentive.’ Ito ay ang shared
equity mortgage program na
puwedeng magpababa ng bayad
sa mortgage pag gusto ng ating
mga kababayan na bumili ng
bahay nila sa unang pagkakataon.
Itataas rin nang Gobyerno ang
access sa ‘Registered Retirement
Savings Plan’ para sa gustong
bumili ng bahay.
2. Tulong para sa mga
manggagawa na may gustong
mag-aral. Ang bagong “Canada
Training
Benefit,”
upang
suportahan ang mga kababayan
na gustong mag aral upang
mapasama sila sa middle class.
Magbibigay suporta sa kanilang
kita kung nais nilang mag-aral ng
bagong kakayahan sa kanilang
mga trabaho. Ang ating Pederal na
Gobyerno at ang ating probinsyal
na Gobyerno ay mag sasanib
pwersa para sa mga manggagawa
upang meron silang kaligtasan sa
trabaho pag wala silang kita.
3. Ihanda ang ating mga
kabataan para sa magandang
trabaho. Importante sa atin
ang edukasyon kaya ang ating
Gobyerno ay binaba ang interest
rates nang ‘Canada Student
Loans’, pinahabaan ng Gobyerno
ang grace period. Ngayon, anim
na buwan na ang walang interest
sa utang pagtapos ng eskuwela,
at ang Gobyerno ay maglilikha
ng 84,000 na mga bagong
magagandang trabaho para
sa mga estudyante kada taon
hanggang sa 2023-24.
4. Tulungan ang mga
Canadians para sa kailangan
nilang gamut: Nagpasimula na
ng plano ang ating Gobyerno
para sa “National Pharmacare
Plan” gagawin nila ang bagong
“Canada Drug
Agency” na magpapababa
ng gastos sa gamot para sa mga
kababayan ng halos $3 bilyon
kada taon.
5 Suportahan ang mga
matatanda
na
pumiling
magpatuloy na mag trabaho at
merong mababang kita. Ang
Gobyerno ay magbibigay suporta
sa pamamagitan ng “Guaranteed
Income Supplement” exemption
upang
mas
makapag-ipon
ang ating mga matatandang
kababayan.
6 Suportahan ang mga
proyekto
ng
ating
mga
munisipalidad. Ang panukala ng
Gobyerno na “one-time top-up”
na nagkakahalaga ng $2.2 bilyon
sa pamamagitan ng pederal gas
tax fund, itong pondo na ito ay
magiging doble mula sa pangako
ng Gobyerno para sa ating mga
municipalities noong 2018-2019.
7 Bibigyan ang lahat na mga
Canadians ng akses sa mabilis
na internet para lahat ng mga
bahay at negosyo ng ating mga
kababayan, upang mapabilis at
umabot sa 50 Mpbs high-speed
ang kanilang internet kahit saan
sila naninirahan.
8 Bawasan ang gastos
sa enerhiya sa pamamagitan
ng pakikipagtuwang kasama
ang Federation of Canadian
Muncipilaties upang madagdagan
ang kahusayan ng enerhiya sa
mga tirahan, komersyal at sa
mga gusali, at sa pamamagitan
ng pagpapasok ng isang bagong
insentibo para sa pagbili ng
bateryang elektriko o gamit ang
hydrogen fuel cell vehicles na
nagkakahalagang $45,000 ayon
sa maypabrika.
9 Lalong pagsulong ng
kasunduan kasama ang mga
Katutubo sa pamamagitan ng
bagong panukala upang mas
lalong pabutihin ang kalidad ng
buhay para sa First Nations, Inuit
and Métis Peoples sa Canada at
pag suporta ng self-determination
sa pamamagitan ng pag-invest
sa pag papaayos ng kalidad ng
tubig; pagaalaga, pagbubuhay,
at pag tataguyod ng mga wikang
katutubo; lalong pagbubutihin
ang kalidad ng edukasyon at
ng pangangalaga sa kalusugan
para sa mga batang katutubo na
naaayon sa kanilang kultura; at
pag susuporta sa pag tatag ng
mga negosyong pagmamay-ari
ng mga katutubo.
Sa bagong mga investments
sa Budget 2019, kasama ang
mas mababang buwis, mas
maraming pera ang matitara sa
bawat bulsa ng mga mamamayan
bawat buwan at dahil mas
maraming oportunidad para sa
mas mahuhusay na mga trabaho,
may magandang dahilan ang
mga middle class Canadians na
mas may kumpiyansa sa kung
ano man ang hinaharap para
sa kanilang sarili at sa kanilang
mga pamilya.
(E-mail: fin.
financepublic-financepublique.
[email protected] ) ●