Philippine Showbiz Today Vol 13 No 7 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
April 8 - 21 , 2018

Iza not on Eddy Awards ?

Iza Calzado won the best actress award for “ Bliss ” in the Osaka International Film Festival and the recent Star Awards but she ’ s ignored in the coming Eddy Awards . How does she feel about this ?
“ Okay lang naman ,” she says , “ Each awardgiving has its own criteria . It ’ s their call . I ’ d like to be a nominee but baka they didn ’ t find my work worthy enough and let ’ s just respect their opinion .”
Is it true she ’ s playing one of the opponents of Liza Soberano in the coming movie , “ Darna ”?
“ Ay , si Liza na lang ang tanungin nyo about that . Ang movie na siguradong gagawin ko is our reunion ng co-stars as the Sanggres in ‘ Encantadia ,’ sina Sunshine Dizon , Karylle and Diana Zubiri , to be directed by our ‘ Enca ’ director , Mark Reyes . Noon pa pinaplano ang reunion namin , but since magkakaiba na kami ng networks ngayon , sa pelikula lang kami puedeng magkasama as of now . Inaayos pa ang script and our schedules . I ’ m also doing a Cinemalaya movie for Direk Perci Intalan where I play the role of a lesbian with some scenes shot in England .”
About her wedding to boyfriend Ben Wintle this year , she said : “ Baka end of this year , but wala pang details . Basta we plan it to be a destination wedding , hindi ko lang puede pang sabihin kung saang bansa .” ●
- M . Bautista , Malaya

Philippine Showbiz Today 25

EMPLOYMENT

Penney Auto Body & Glass

is looking for an Automotive Detailer to join its team .
Duties include washing of exterior of vehicles , detailing of interior of vehicles , pick up and drop off customers vehicles and general shop duties ( cleaning & maintenance ).
Full time opportunity and wages based on experience .
Please email resumé to : info @ penneyautobody . com

Y O U R W E E K L Y H O R O S C O P E

Aries ( March 21 – April 19 ) Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Bago pa lang ang inyong relasyon at normal lang na magkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan . Maaaring nasa isip lang niya ang problema dahil hindi pa siya sigurado kung tunay at kung tatagal ang inyong pagmamahalan . Intindihin mo siya . Best days ang ika-4 , 5 6 14 at 15 . Alalay ka sa ika-1 , 7 at 8 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Makakaramdam ka ng pangamba dahil sa pagbabago ng iyong kalusugan . Maaaring pansamantala lang ito pero mas mabuting isangguni mo agad sa iyong doctor . Sana nga ay stress lamang ito sanhi ng mga pagbabagong ginawa mo sa iyong buhay . Ingat . Lucky ang ika- 7 at 8 . Ingat ka sa ika-2 , 3 , 9 , 10 at 11 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Buwenas ang pasok ng pera sa buwang ito . Iwasan mo ang bumiyahe sa malalayong lugar sa unang linggo ng Abril . Hindi rin ngayon ang panahon upang mamuhunan ka sa bagong negosyo . Maghintay ka muna ng feedback tungkol sa negosyong iyon . OK ang ika-1 , 9 , 10 at 11 . Kuwidaw ka sa ika-4 , 5 , 6 , 12 at 13 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Alam mo bang marami nang umasenso ang kabuhayan dahil sa iyo ? Kung tatanggihan mo siya , wala siyang karapatang magtampo . Kung ano ang sa palagay mo ay makakabuti sa lahat , gawin mo . Huwag mong pasanin ang problema niya at pamilya niya . OK sa ika-2 , 3 , 12 at 13 . Stressful sa ika-1 , 7 , 8 , 14 at 15 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Kung may mahal ka na , huwag ka nang maghanap pa ng iba . Kung naiinip ka dahil matagal na ang inyong relasyon , ikaw ang gumawa ng paraan upang maging mas excting ang inyong romansa . Gugulo ang buhay mo kapag namangka ka sa dawalang ilog . OK ka sa ika-4 , 5 , 6 , 14 at 15 . Ingat sa ika-2 , 3 , 9 , 10 at 11 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
May maganda kang reputasyon na dapat alagaan . Huwag kang basta papasok sa kasunduan lalo na kung hindi mo pa ito kilalang-kilala . Baka sakyan lang nila ang maganda mong pangalan at pagkatapos ay iiwanan ka lang pala . Mag-ingat ka ngayon . Suwerte ang ika-7 at 8 . Alalay ka sa ika-4 , 5 , 6 , 12 at 13 .
Kung nakakaramdam ka ng panghihina ng katawan , marahil ay kailangan mo lang maghinay-hinay sa mga pang-araw-araw na gawain . Kailangan mong magkaroon ng quiet time para sa sarili . Walang istorbo , walang gulo . Makikita mong sisigla kang muli . OK ang ika-1 , 9 , 10 at 11 . Ingat ka sa ika-7 , 8 , 14 at 15 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Lumaki ka na may sariling paninindigan at iyon ay nakatanim na sa iyong puso . Ngayon ay may humahamon sa iyong prinsipyo at naguguluhan ka . Marahil ay kailangan mong lumayo muna at kalmahin ang iyong damdamin . Gawin mo ang tama . Lucky ang ika-2 , 3 , 12 at 13 . Bantay ka sa ika-9 , 10 at 11 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
May mga pangyayaring hindi mo talaga maiiwasan . Kailangang ibukas ang iyong isip upang huwag kang masaktan sa mga pagbabagong mangyayari . Hindi naman makakasama sa iyo , sa halip ay baka makabuti pa nga dahil mababawasan ang pasanin mo . Masaya ang ika-4 , 5 , 6 , 14 at 15 . Kuwidaw ka sa ika-12 at 13 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Baka magkasubukan kayo ng iyong malapit na kaibigan dahil sa pera . Kailangan mong protektahan ang iyong sarili – pera mo iyan , ikaw ang mawawalan . Kung gusto niyang mamuhunan sa negosyo , hayaan mo siya . Hindi ka obligadong sumosyo sa kaniya . Good days ang ika-7 at 8 . Stressful ka sa ika-1 , 14 at 15 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Kailangan mong mag-exercise . Kailangan mong alagaan ang kalusugan mo . Mas masarap maghanapbuhay kung wala kang dinaramdam . Bantayan mo ang pagkain – ikaw din ang magdurusa sa kapabayaan mo . Ibalik mo sana ang tamang lifestyle mo noon . Lucky ka sa ika-1 , 9 . 10 at 11 . Ingat ka sa ika-2 at 3 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Dahan-dahan lang sa shopping . Ang pinakamalaki mong problema ay dahil sa kulang ang pera . Kung kulang , maghigpit ka ng sinturon , huwag kang makisabay sa iba . Ang pera ay mahalaga pero kung magiging dahilan ng pagkakasakit mo , umiwas ka sana . OK ang ika-2 , 3 , 12 at 13 . Ingat ka sa ika-4 , 5 at 6 . ● - G . G .