Philippine Showbiz Today Vol 13 No 18 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
September 22 - October 7 , 2018

Philippine Showbiz Today 25

Y O U R W E E K L Y H O R O S C O P E

Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 ) Ihinto mo muna ang ginagawa mo at isa-isahin mo muling pag-aralan kung nararapat ba ang mga oras na ibinibigay mo sa bawat isa . Maging tao o gawain ito , posibleng hindi mo dapat pagbuhusan ng pera o oras . Masyado kang magmalasakit sa iba . OK ang ika-17 , 18 , 19 , 27 at 28 . Ingat sa ika-16 , 22 , 23 , 24 , 29 at 30 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 ) Dapat lang na bigyan mo ng kaligayahan ang sarili mo . Magaan ang pasok ng pera sa kabuhayan kaya may karapatan kang gumastos para sa sarili mo . Iwasan mo ang sugal dahil hindi para sa iyo ang bisyong iyan . Muuubos ang lahat ng pundar mo . OK ang ika-20 , 21 , 29 at 30 . Kuwidaw sa ika-17 , 18 , 19 , 25 at 26 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 ) Kailangan mo pa ring alagaan ang iyong pag-iisip at emosyon . Inaalagaan mo ang iyong pisikal na katawan subalit alam mong hindi ka pa rin lubos na malusog dahil may nararamdaman kang hindi tama sa iyong isip . Huwag mo itong kimkimin . May solusyon . OK ka sa ika-22 , 23 at 24 . Ingat sa ika-20 , 21 , 27 at 28 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Linisin mo ang iyong pag-iisip at iwasan mo ang selos . Walang mangyayari kung puro na lang selos ang nararamdaman niya sa iyo . Una , wala kang pruweba . Ikalawa , alam mong mahal ka niya . Bakit mo sisirain ang relasyon ? Nahihirapan siyang makisama sa iyo . OK ang ika- 22 , 23 at 31 . Ingat sa ika-20 , 21 , 27 at 28 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
May mga problema sa kalusugan ang isang malapit sa iyo . Pilitin mong magpunta siya sa doctor at nang maagapan ang sakit . Kahit hindi ikaw ang may sakit , alam mong ikaw lang ang may malasakit sa kaniya . Alam mo ring hindi siya makikinig sa ibang tao . OK ang ika-17 , 18 , 19 , 27 at 28 . Ingat sa ika-25 at 26 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
May bagyong darating sa inyong pag-iibigan . Ihanda mo ang sarili dahil sisitahin ka niya at baka maging dahilan ito ng paghihiwalay . Iwasan mong maging masyadong malapit sa isang kaibigan dahil hindi mo namamalayan na siya ang dahilan ng pagseselos niya . OK ang ika-20 , 21 , 29 at 30 . Ingat sa ika-27 at 28 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Paglalaruan ni kupido ang puso mo . May makikilala ka na matitipuhan mo at palagay mo ay tipo ka rin niya . Dahan-dahan lang . Alamin mo muna kung sino talaga siya . Huwag kang padadala sa bugso ng damdamin . Mahirap magsisi sa huli . Mag-ingat . Lucky ka sa ika-22 , 23 at 24 . Kuwidaw sa ika-16 , 29 at 30 .
Aries ( March 21 – April 19 ) Mas marami kang magagawa kung babawasan mo ang pagiging kontrabida sa mga ideya ng mga kasama mo . Mas makakakuha ka ng kooperasyon kung pakikisamahan mo sila . Ngumiti ka at huwag kang sisimangot . Mas gagaan at sasaya ang buhay mo . OK ang ika-16 , 25 at 26 . Alalay ka sa ika-17 , 18 at 19 .
Taurus ( April 20 – May 20 ) Kung kailangan nila ng tulong mo , at kung kaya mo namang ibigay , gawin mo . Makikita mong babalik sa iyo ang kabutihan at higit pa . Alam mong walang-wala sila at ikaw naman ay maginhawa ngayon . Hindi mo ikahihirap ang gagawin mong pagtulong . OK ang ika-17 , 18 , 19 , 27 at 28 . Ingat sa ika-20 at 21 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Isipin mo kung gaano kalinis ang isip ng isang batang walang malay , walang malisya . Sana ay gayon din ang gawin mo sa pagtanggap sa sitwasyon mo ngayon . Huwag mong husgahan ang isang bagay o tao dahil lamang sa hindi mo gusto ang dating nito sa iyo . OK ang ika-20 , 21 , 29 at 30 . Ingat sa ika-16 , 22 , 23 at 24 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Magpunta ka sa iyong doctor at patingnan mo ang mga bagay na bumabagabag sa iyo . May nararamdaman ka at hindi mo ito kayang gamutin , kailangan mo ng espesyalista . Mabilis kang mapagod pero pinipilit mo pa rin ang katawan mo , magpahinga ka . OK sa ika-22 , 23 at 24 . Stressful ang ika-17 , 18 , 19 , 25 at 26 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Mas mabuting lumayo ka muna sa gitna ng maraming pangyayaring hindi mo inaasahan . Kung susuungin mo lahat sila , mas manghihina ka at hindi mo kakayanin . Maayos naman ang kabuhayan at pamilya mo . Hayaan mong mangyari ang dapat mangyari . OK sa ika-16 , 25 at 26 . Ingat sa ika-20 , 21 , 27 at 28 . ●
- G . G .