Philippine Showbiz Today Vol 13 No 17 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
September 8 -21 , 2018

Philippine Showbiz Today 25

Y O U R W E E K L Y H O R O S C O P E

Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 ) Masyado yatang naging good time ang iyong nakaraang buwan , may nagtampo dahil pakiramdam niya ’ y napabayaan mo na ang relasyon ninyo . Oras na upang bumawi ka , ipakita mong mahal mo siya , kung ito nga ang iyong nararamdaman ; kung hindi , tapatin mo na siya . OK ang ika-1 at 9 . Ingat sa ika-2 , 3 at 15 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 ) Kilala ka niya at mahal ka niya . Ang tanong , gaano mo siya kilala ? Minsan may ilusyon tayo kung ano ang gusto natin at kahit hindi ganoon ang iyong partner , nakikita mo sa kaniya ang nasa ilusyon mo . Ang problema , parang nagkamali ka . Mag-usap kayo nang tapat . OK ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Ingat sa ika-4 at 5 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 ) Magpasalamat ka dahil ang iyong partner ay mahal na mahal ka . Kahit anong mali ang nagawa mo , handa siyang magpatawad sa iyo . Sana ay makita mo ito at bigyan mo ng halaga . Hindi lahat ng tao ay kasingsuwerte mo sa relasyon . Sana ’ y magpakabait ka na . Lucky ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Bantay ka sa ika-1 at 7 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 ) Pag-ibig pa rin ang nakasulat sa iyong hinaharap . May makikilala ka at siya na marahil ang para sa iyo . Matagal ka na ring naghahanap subalit naging mailap sa iyo ang pag-ibig . Huwag kang mag-alala , nagtiis ka noon , oras na upang maging paligayahin ang puso . Masaya ang ika-7 at 15 . Kuwidaw ka sa ika-2 , 3 at 9 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 ) Nawala na ang pabigat sa iyong buhay . Panahon na upang bumangon ka at punuin muli nang pag-asa ang iyong puso . Maaaring masakit pa subalit kakayanin mo iyan dahil may suporta sa iyo ang pamilya at mga kaibigan . Huwag mo na siyang ibabalik sa buhay mo . Good ang ika-1 at 9 . Stressful sa ika-4 , 5 , 11 at 12 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 ) Kung gusto mong maging maayos ang iyong buhay , pag-aralan mong mabuti ang anumang papasukin mo lalo na sa buwan ng Setyembre . Ang puhunan mo ay ang naipunla mong pakikisama at mga kabutihang ginawa mo sa iba . Mag-isip , huwag kang padalus-dalos . OK sa ika-2 , 3 , 11 at 12 . Ingat sa ika-1 , 7 , 13 at 14 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 ) Sinabi na sa iyo nang nakakaalam pero ayaw mo pa ring maniwala , bakit ? Ano pa ang kailangan mong pruweba na may sumasaksak sa iyo nang patalikod ? Kadalasan , lalo na kung masama ang motibo , iba ang ipapakita sa iyo nang harapan . Pag-isipan mo ito . OK ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Ingat ka sa ika-2 , 3 , 9 at 15 .
Aries ( March 21 – April 19 ) May tinulungan ka nitong mga nakaraang araw at kahit hindi mo inaasahan , magdadala sa iyo ng buwenas ngayon at sa mga darating pang buwan . Ipagpatuloy mo ang iyong magandang pagkakawang-gawa , ang mga kabutihan mo ay babalik sa iyo nang maraming beses . OK sa ika-7 at 15 . Ingat sa ika-4 , 5 , 11 at 12 .
Taurus ( April 20 – May 20 ) Kailan ang huli mong physical check-up ? Kalusugan ang focus mo sa buwang ito . May mga nararamdaman kang kakaiba – patingnan mo ang iyong kidney at colon . Alam mong malakas ka pero hindi normal ang mga nararamdaman mo . Mas mabuti na ang sigurado ka . Lucky ang ika- 1 at 9 . Ingat ka sa ika-7 , 13 at 14 .
Gemini ( May 21 – June 20 ) Ang mabuting kalusugan ay hindi lang pang-physical kundi pang-mental din . Hindi mo maipaliwanag kung bakit may dumarating na kalungkutan sa iyo nang walang malinaw na dahilan . Huwag mong patagalin ang ganito . Dapat mo nang i-konsulta ito sa doctor . OK ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Kuwidaw ka sa ika-9 at 15 .
Cancer ( June 21 – July 22 ) Ang kalaban mo ay hindi ibang tao kundi ikaw mismo . Masyado mong pinapagod ang iyong utak at katawan sa mga bagay na puwede mo namang huwag masyadong pansinin . Kapag hindi mo aalagaan ang emosyon , ito ang magdadala sa iyo . Gusto mo ba iyon ? OK sa ika-4 , 5 , 13 at 14 . Ingat sa ika-11 at 12 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 ) Kung ikaw ay nag-aaral , dapat mag-focus ka dahil sayang ang pera kung wala ring progreso ang iyong buhay . Kung nagsasawa ka dahil parepareho ang ginagawa mo araw-araw , sa pag-aaral man o trabaho , may pampalit ka ba ? Kung wala , mag-tiyaga ka muna . Mapalad ka sa ika-7 at 15 . Bantay ka sa ika-1 , 13 at 14 . ●
- G . G .