Philippine Showbiz Today Vol 11 No 20 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
October 22 - November 7 , 2016

Philippine Showbiz Today 25

21 . Pilipinas 22 . Time-out 23 . Tita 26 . Pera ng Hapon 29 . Lukbutan 30 . Unlaping pamilang 32 . Tunog ng relo 34 . Silong 36 . Sombra 38 . Klase ng isda 39 . Puga 40 . Suya 41 . Pusta
19 . Marangya 20 . Salitang pantawag-pansin 23 . Putol 24 . Ipasyal 25 . Kataga 27 . Tuntunin ng moralidad 28 . Ina 29 . Pangunahing tauhan sa dula
30 . Lagayan ng presyo 31 . Tawag sa bayani 33 . Tawagan ng mga preso 35 . Taberna 37 . Pagsusulit sa abogasya ●
Solution on PAGE 24
PAHALANG : 1 . Lusog 5 . Paslit 9 . Lugod 11 . Talim 12 . Ensalada
13 . Asar 14 . Ngalan ng babae 15 . Pantukoy 17 . David , dating PBA player 18 . Alyas 20 . Tunog ng sinok
PABABA : 1 . Yeso 2 . Kabisera ng Guam 3 . Plano 4 . Kayag 5 . Taberna 6 . Palusot 7 . Marka 8 . Kostrumbre 10 . Nimpa 11 . Tulad ng No . 30 pahalang 16 . Partidong pulitikal

YOUR WEEKLY E HOROSCOPE O O

Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 ) Dapat mong tingnan ang mga papeles na importante sa iyo at sa iyong pamilya . Baka may pinagkatiwalaan ka ng mga mahahalagang pag-aari noon at nawala na ito sa isip mo . Bisitahin mo ang mga dokumento at ang iyong bank account . Mahirap magtiwala nang lubos . OK ang ika-19 , 27 , 28 at 29 . Ingat sa ika- 21 at 22 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 ) May mga tao na talagang naghahanap lang ng intriga . Naghahatid sila ng tsismis , kaliwa ’ t kanan , at papakawalan nila ito sa mga tao na malamang ay magagalit sa iyo . Kailangan ay maingat ka sa pagpili ng kaibigan . Hindi lahat sa kanila ay tapat sa iyo . OK ang ika-17 , 18 , 26 , 27 at 28 . Ingat sa ika-19 at 20 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 ) Mahalaga sa iyo ang mga kaibigan mo . May ugali kang madaling pumuna sa pagkukulang ng iba . Iyan ang ikakabawas ng bilang ng mga kaibigan mo . Habaan mo ang iyong pasensya lalo na kung wala namang apektado sa gagawin ng kaibigan mo . Itikom ang bunganga . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-19 , 25 at 26 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 ) Hindi ka naman nakakulong sa isang hawla , bakit ayaw mong lumabas at langhapin ang sariwang hangin ? Sumama ka sa mga lakad ng pamilya o mga kaibigan at nang maiba naman ang iyong pang-araw-araw na buhay . Hindi bawal ang maging masaya . OK ang ika-17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-21 , 22 , 27 , 28 at 29 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 ) Kailangan mong mag-relax dahil masyado mong itinutulak ang sarili mong magpagod . Bantayan mo ang pakiramdam at gawin mo ang nararapat , huwag mo itong ipagpasa-bukas . Buwenas ka sa negosyo o trabaho kaya wala kang dapat alalahanin . OK ang ika-19 , 27 , 28 at 29 . Ingat sa ika-17 , 23 , 24 , 30 at 31 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 ) Kailangang makipag-usap ng masinsinan sa isang tao o grupo na maaaring maka-impluwensiya sa takbo ng buhay mo at ng pamilya mo . Isulat mo ang usapan ninyo dahil mahalagang may record ka ng inyong pagkakasunduan . Baka magkalimutan , talo ka . OK ang ika-21 , 22 , 30 at 31 . Ingat sa ika-19 , 25 at 26 .
Aries ( March 21 – April 19 ) Magiging kalmado ang iyong damdamin sa mga darating na araw . Iwasan mo ang masangkot sa hindi pagkakaunawaan . Hindi mo kasalanan kung nagkakagalit ang mga tao na kasama mo . Huwag kang sasali dahil sa iyo mabubunton ang sisi sa huli . Manahimik ka . OK sa ika-23 at 24 . Ingat sa ika-21 , 22 at 27 .
Taurus ( April 20 – May 20 ) May mga problema sa trabaho o sa negosyo at ito ’ y dahil sa mga nasisirang gamit tulad ng computer , cash register , accounting tools . Hindi tao ang dahilan , normal lang na masira dahil matagal na silang dapat ipagawa o palitan . Maghanap ka na ng ibang trabaho . OK sa ika-17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-23 , 24 , 30 at 31 .
Gemini ( May 21 – June 20 ) Kung ikaw ay may maliit na anak , bantayan mo siya sa mga darating na araw . May babala ng aksidente o hindi magandang pangyayari . Maiiwasan mo ito kung palagi mong aalamin ang kaniyang kalagayan . Turuan mo siyang maging maingat sa labas ng bahay . OK ang ika-19 , 27 , 28 at 29 . Ingat sa ika-25 at 26 .
Cancer ( June 21 – July 22 ) Kung mainit ang ulo mo , mas mainit ang ulo niya . Kailangang isa sa inyo ang magbigay . Walang mangyayari kung magsasalubong ang init ng inyong ulo . Kung ayaw makipag-usap , hayaan mo lang dahil baka lumala pa kapag pinilit mo . Huhupa rin iyan . OK ang ika-21 , 22 , 30 at 31 . Ingat sa ika-27 , 28 at 29 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 ) May lihim kang mabubulgar . Wala kang dapat ikabahala dahil ang lihim na iyon ay makakabuti sa iyong reputasyon sa mga kakilala mo . Masyado ka lang mapagkumbaba . Sila naman ang magbubuhat ng silya mo at hindi ikaw . Mag-enjoy ka sa mga papuring darating . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-17 , 30 at 31 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 ) Palaging nasa isang kahon ang iyong pananaw sa buhay . Oras na para baguhin mo ang ganitong paghihigpit sa sarili . Hindi mo namamalayan , maraming magandang pagkakataon ang nakakaalpas sa iyo . Paligayahin mo ang sarili mo . Lumabas ka sa kahon na pumipigil sa iyo . OK ang ika-17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-19 . ●