Philippine Showbiz Today pstVol12No15 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
August 8 - 21 , 2017
PAHALANG : 1 . Abyador 6 . Gulok
10 . Gawa pagkagising 11 . Punglo 12 . Los Angeles 13 . Kuwatro 14 . Konsorte 17 . Simbolo ng osmium 19 . Bihasa 21 . Sa halip na 22 . Kalakal 23 . Sabi nila 28 . Katagang pang-ugnay 30 . Iwas 31 . Bubong 35 . Nota 36 . Sandaang sentimo 37 . Ugali 39 . Yapos 40 . Tulisang-dagat
PABABA : 1 . Punit
2 . Inalipusta 3 . Tulad ng # 12 4 . Overtime
5 . Kapitolyo ng Norway 6 . Lugar sa Zambales 7 . Uri ng sayaw 8 . Mistula 9 . Ekstrakto 15 . Hulapi 16 . Sigaw ng karatista 18 . Takaw 20 . Pera sa Tsina 22 . Insigniya ng pulis 24 . Kataga

Philippine Showbiz Today 25

25 . Daglat ng Illinois 26 . Bitak 27 . Uri ng ibon 29 . Usok 32 . Tunog ng relo 33 . Unang bilang 34 . Brand ng softdrink 37 . Simbolo ng argon 38 . Pang-ukol ●
Solution on PAGE 26

Y O U R W E E K L Y

Leo ( July 23 – Aug . 22 )
May nagkakagusto sa iyo pero pinipilit mong huwag bigyan pansin kahit nakikiliti ang iyong puso tuwing makikita mo siya . Bakit ? Wala ka namang kompromiso , gayon din siya . Bigyan mo ang sarili ng pagkakataong lumigaya . Bakit hindi ? Mapalad ka sa ika-1 , 2 , 3 , 11 at 12 . Bantay ka sa ika-6 , 7 , 8 , 13 at 14 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Huwag mong isipin na tatawagin ka nilang “ sipsip ” kung ipapakita mong humahanga ka sa isang tao at ginagawa mo ang lahat upang mapansin ka niya . Eh ano ngayon ? Kung masaya ka sa ginagawa mo – iyon ang mahalaga , hindi ang iniisip nila sa iyo . Suwerte ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Alalay ka sa ika-1 , 2 , 3 , 9 at 10 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Mayroon kang kaalaman na higit sa iba . Huwag mong itago iyon . Mas mabuti kung makikita iyon , lalo na ng mga tao na hindi ka masyadong kilala , na mayroon kang katalinuhang angkin . Magbubukas iyon ng mga oportunidad para sa ikakaunlad ng buhay mo ngayon . OK ang ika-6 , 7 at 8 . Ingat ka sa ika-4 , 5 , 11 at 12 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Maikli lang ang buhay kaya huwag mo sanang ubusin ito sa pagmumukmok . Magsaya ka . Bumiyahe ka sa mga lugar na hindi mo pa nakikita . Walang mangyayaring masama sa trabaho o negosyo mo kung aalis ka sandali para magbakasyon . Enjoy ! Lucky days mo ang ika- 9 at 10 . Bantay ka sa ika-6 , 7 , 8 , 13 at 14 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Magiging mainit at maganda ang romansa ninyong dalawa . Bata man o matanda , ang pag-ibig ay hindi maglalaho lalo na kung totoo ang inyong pagmamahalan . Samantalahin mo ang alab ng kaniyang damdamin . Salubungin mo rin ng init ng pagmamahal . OK ang ika-1 , 2 , 3 , 11 at 12 . Ingat sa ika-9 at 10 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Gulatin mo sila ! Akala nila ay boring ka dahil wala silang nakikitang sigla sa iyo . Hindi nila alam kung sino ang totoong ikaw . Mas aasenso ka sa buhay kung ipapakita mong may katangian kang makakadagdag sa kasayahan ng grupo ninyo . Huwag kang mahiya . OK ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Stressful ka sa ika-11 at 12 .

H O R O S C O P E

Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
May mga darating na buwenas sa buhay mo . Sana lang ay alerto ka pagdating nang suwerte nang sa gayon ay magamit mo para sa kabutihan mo at ng mga nagmamalasakit sa iyo . Maaaring anihin mo ang mga kabutihang naitanim mo dahil sa pagtulong sa kapuwa . Lucky ka sa ika- 6 , 7 at 8 . Ingat ka sa ika-13 at 14 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Ipakita mo sa kaniyang mahal mo siya . May duda siyang nanghihinawa ka na sa kaniya . Abala ka sa trabaho kaya napapabayaan mo na ang relasyon ninyo . Huwag mo siyang asahang mahuhulaan niya ang nasa loob mo . Kailangan niyang makita at marinig mula sa iyo . OK ang ika-9 at 10 . Ingat ka sa ika-1 , 2 at 3 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Maraming maaaring mangyari sa buwan ng Agosto . May magandang mangyayari sa isang kamag-anak kaya magkakaroon kayo ng dahilan para magsaya ang buong pamilya . Buwenas ang negosyo lalo na kung nasa larangan ka ng pagbebenta ng bahay . Best days mo ang ika-1 , 2 , 3 , 11 at 12 . Alalay ka sa ika-4 at 5 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Huwag mong ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon na para kang nasa isang kahon – hindi makakilos , nasasakal at hindi makahinga . Huwag kang matakot humarap sa mga bagong karanasan . Buksan mo ang iyong isip at puso at makikita mong masaya pala . Lucky ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Ingat ka sa ika-6 , 7 at 8
Gemini ( May 21 – June 20 )
Mapapansin mong ngayon lang kumikita ang puhunan mong inilagay noon sa isang nagosyo na halos nakalimutan mo na . Kunin mo at huwag mo nang ilagay muli sa nasabing negosyo . Baka pinapasakay ka lang nila upang maglagay ka ng dagdag na puhunan . OK ang ika-6 , 7 at 8 . Ingat sa ika-1 , 2 , 3 , 9 at 10 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Masaya ang buwan ng Agosto para sa iyo at mga mahal mo sa buhay . Maaaring may mga bago kang pakikipagsapalarang gagawin , hinay-hinay lang muna . Huwag mong hayaang makasama ka sa agos . Gamitin mo ang iyong sentido kumon . Maayos ka sa ika-9 at 10 . Stressful ka sa ika-4 , 5 , 11 at 12 . ●