Faith Heart Magazine Jewel Tankard - Page 9

Love Yourself May isang tao na palaging nandyan para sayo. Kapag ika’y nalulumbay, kapag ikaw ay masaya at kapag ikaw ay hapo at bigo at halos sumuko na! Isang tao na laging nakaka alala sa bawat tawa at kadamay sa bawat pag patak ng luha. Naroon sya nang ang puso mo ay puno ng kaligayahan at nag nagka durog-durog sa milyong piraso. Naroon din sya sa mga kabiguan at masasakit na sandali, kasama sa lahat ng galak at saya. Nuong akala mong ika’y mawawala sa sarili, sa panahon nang kabiguan, nandyan sya. Sino ang taong ito? IKAW! Na nasa salamin na isang matibay! Na may kakayahang malampasan ang kahit anong pag subok. Ang taong karapat dapat na ipag laban hanggat sa huling hininga. Masdan mo ang salamin, na ruon lang ang hinahanap mo. Na dapa ka, pero muli kang bumangon. Na bigo ka, pero ngayo’y naghihilom. Hindi ka sumuko! May kakayahan ka! Written by Zaneta Beverford Language: Tagalog Matagal mong pinabayaan ang iyong sarili, panahon na para mag bago at mag sisi. Patawarin mo and sarili mo sa pag papabaya sa pinaka taong nariyan, ang isang taong nag tiis sa lahat nang hapis, dalamhati at lahat nang kalungkutan. Ang Paniniwala ay ang kapangyarihan nang salita. Kapag ikaw ay nanalig na mangyayari ang sinabi mo sa sarili mo, ma papansin mo ang pag babago. Mapag tatanto mo na ikaw pala ay maganda at matalino. Ikaw ay mas higit pa sa ano mang mahalagang bagay sa mundong ito. Karapat dapat kang pag buhusan nang panahon. Na sanay ka sa sarili mo na ikaw ay pangalawa lamang sa lahat nang bagay at kanino man, at naniwala ka na hindi ka dapat mahalaga sa mata nino man. Ikaw ay ilang beses na nag paubaya at nag bigay nang higit pa, at sana meron ding isang tao na mag bigay sayo. Bakit hindi mo bigyan ang sarili mo? Ibigay mo ang nararapat sayo! Ibigay mo ang pansin mo sayo!  Ibigay mo ang pag mamahal mo sayo! Kapag ginawa mo yan, kapag inuna mo sarili mo - mas madami kang mai bibigay at mai babahaging pag mamahal at pag unawa sa iba! Mahalin mo ang Sarili mo! Zaneta Beverford is a loving mother of three beautiful children, a grandmother, a counselor, mentor, a spiritual advisor, and a number one best selling author.  She is also an author coach, helping aspiring writers through the process of becoming a published author.  She lives a life that is full of grace and compassion that inspires others to do the same.  She is a well-known speaker on Women Empowerment and Spiritual growth. FHM 9