Ang Caviteno Newsweekly January 01-07, 2018 Issue - Page 7

Natatanging... 7 ADVERTISEMENT Enero 01-07, 2018 continuation from page 8 and 6 na sina Reps. Carlos Zarate, Emmi de Jesus, Arlene Brosas, Ariel Casilao, Sarah Elago, France Castro at Antonio Tinio. Sila ang mga bahagi ng iisang blokeng tagapamandila ng progresibong mga adhikain sa loob ng Kamara, ang Makabayan Bloc. Natatanging Progresibong Midya Alab – Alternatibong Balita (online newscast). Muli, isang breakthrough ang nakamit ng Altermidya – People’s Alternative Media Network ngayong taon: ang paglulunsad ng isang regular na programang newscast na tumatalakay sa mahahalagang isyung pambayan at internasyunal– mula sa progresibo o maka-mamamayang perspektiba at interes. Propesyunal ang produksiyon at magaang ang presentasyon. Ang bawat episode, pinangungunahan ng dalawang news anchors na sina Neen Sapalo at Jane Biton na maikukumpara sa sinumang mahusay na brodkaster sa dominanteng news networks. Pero ang tunay na halaga ng Alab ay sa unang pagkakataon, nakapagprodyus ang alternatibong midya sa Pilipinas ng regular na programang nasa porma ng pamilyar na newscast ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon, opinyon at analisis na di nabibigyan-diin ng dominanteng midya. Sa panahon ng fake news, infotainment sa dominanteng midya, hindi matatawaran ang ambag nito. Honorable Mentions: Samantala, may iba pang breakthrough programs ang Altermidya: Alab Analysis ni Inday Espina-Varona; Yan ang Totoo, kasama sina Prop. Luis Teodoro at Edge Uyanguren; at ang politikal na comedy show na Serious Na, kasama si Benjie Oliveros, at, nitong huling episode, si Janess Ellao. Natatanging Progresibong Pagtatanghal Pagsambang Bayan – The Musical at Buwan at Baril sa Eb Major. Tinuturing na makasaysayan o groundbreaking na dulang pampulitika ang Pagsambang Bayannoong panahon ng batas militar ni Pang. Ferdinand Marcos. Sinulat ni Bonifacio Ilagan at unang dinirehe ni Behn Cervantes, itinuturing ang dulang ito bilang isa sa pinakaunang produksiyong panteatro na tahasang lumaban sa diktadurang Marcos. Hinubog sa porma ng simbang Katoliko–ibig sabihin, sa porma rin ng buhay, pakikibaka at kamatayan ni Hesus bilang pampulitika at radikal na lider at biktima ng pampulitikang panunupil at pamamaslang. Ngayong taon, sa pangunguna ng Tag-ani Performing Arts Society at sa direksiyon ni Joel Lamangan, pinrodyus ang Pagsambang Bayan bilang isang musical. Nilikha nina Joed Balsamo at Lucien Letabaang musika, habang sinulat ni Ilagan ang libretto. Masasabing dapat lang na naging musical ito; hindi ba’t puno ng musika rin naman talaga ang pagdiriwang ng misa ng mga Katoliko? At, kasinghalaga nito, hindi ba’t puno rin ng musika ang epiko ng pakikibakang Pilipino? Samantala, napapanahon din ang makapangyarihang restaging ng isa pang obrang panteatro na produkto ng pakikibakang kontra-Marcos: ang Buwan at Baril sa Eb Major. Sinulat ni Chris Millado at unang itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA) Kalinangan Ensemble noong Marso 1985, nasa porma naman ng konsiyerto (sa Eb Major) ng musikang klasikal ang pagkakahati ng limang eksena. Pero wala sa musika (bagamat mahusay ang musika sa restaging na ito ngayong taon na dinirehe ni Andoy Ranay) ang kapangyarihan ng pagsasadulang ito. Sa apat na kuwento ng Buwan at Baril, ipinakita ang punto-de-bista ng ordinaryong mga mamamayan na lumahok, sa iba’t ibang antas at dahilan, sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Bukod sa makapangyarihang naratibo, napakahusay din ng mga pagtatanghal. Espesyal na tumatak ang pagtatanghal nina Angeli Bayani bilang bakwit na katutubong Itawis at Mayen Estañero (kahalili si Cherry Pie Picache) bilang asawa ng nasawing rebolusyonaryo. Honorable Mentions: Game of Trolls ng PETA; Tao Po; Oktubre: Gulong ng Daigdig, musical ng Sining Banwa; at Aurelio Sedisyoso ng Tanghalang Pilipino. Saludo rin sa cultural night ng Lakbayan ng Pambansang Minorya noong Setyembre 18 sa UP Theater na pinamagatang Hugpungan at pagtatanghal ng 100-miyembrong choir para sa selebrasyong sentenyal sa Pilipinas ng rebolusyong Oktubre. Natatanging Progresibong Pelikula o Bidyo Tu Pug Imatuy at Respeto. Nilikha ang Tu Pug Imatuy sa gitna ng mga operasyong militar na kontra-insurhensiya sa Mindanao. At ang mga lumikha (at nagsipagganap) nito ay mismong mga kalahok sa kampanya kontra sa mga atakeng militar na ito. Dinirehe ni Arbi Barbarona, hango ang pelikula sa tunay na karanasan ng mga Lumadsa Timog Mindanao. Kuwento ito ng aktuwal na dinaranas ngayon ng mga katutubong komunidad na sinasalakay ng mga militar sa ngalan ng pagtugis sa rebolusyonaryong New People’s Army (pero sa totoo’y tangkang panunupil lang sa anumang klase ng pagtutol sa napanakop ng dayuhan at komersiyal na interes sa lupaing ninuno). Ang kapangyarihan ng pelikula ay nagmumula sa direkta at walang kurap na pagpapamalas nito na reyalidad ngayon sa giyera ng rehimeng Duterte ngayon kontra sa rebolusyonaryong kilusan. Sekundaryo, pero mahalaga rin, ang pagpapakita nito na nananatili (lumalakas pa nga) ang rebolusyon dahil nananatili pa rin ang mga pang- aapi at pagsasamantala sa mga mamamayan, lalo na mga katutubo. Samantala, mahalaga rin ang pagpapalabas ng Respeto na dinirehe ni Treb Monteras II. Gamit ang rap battle at pamilyar na naratibo ng coming-of-age at pagpasa ng baton mula sa isang henerasyon ng manunula tungo sa bago, epektibong ipinamalas ng pelikula ang kontekstong kinasasangkutan ngayon ng madugong giyera kontra droga ng rehimeng Duterte. Buo ang pagkakakuwento, pero direkta at walang kurap din ang kritika: na mga maralita ang nabibiktima ng madugong giyerang ito. At, higit pa rito, sintomas lang ang giyera kontra droga ng mas malaki, mas malala, at mas matagal nang giyera ng mga makapangyarihan kontra sa mga mahihirap, lalo na sa mga lumalaban–kontra sa tiraniya man ni Marcos o ni Duterte. Honorable Mentions: History of the Underground (Sari Dalena at Keith Sicat): lahatang panig na eksplorasyon sa kasaysayan ng underground na pagkilos ng Kaliwakontra sa batas militar ni Marcos. Pagkilala rin sa dalawang dokumentaryong pelikula na nilikha mula sa hanay ng alternatibong midya: Ang Truth Tellers ni Ilang-Ilang Quijano (tungkol sa kababaihang mamamahayag na sina Inday Espina-Varona at Kimberlie Quita