Ang Caviteno Newsweekly February 19-25, 2018 Issue | Page 5

Pebrero 19-25 , 2018

OPINYON

Cavite handa na sa Barangay at SK elections 2018

MATUTULOY na ang synchronized Barangay Elections at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14 taong kasulukuyan . Ito ay mula sa COMELEC Resolution No . 10246 . Dalawang buwan mula ngayon ay idedeklara na ang Election Period na mag-uumpisa sa Abril 14 hanggang Mayo 21 . Ang filing of Certificates of Candidacy ( COC ) ay magaganap mula Abril 14 hanggang Abril 21 . Ang campaign period naman ay masisimula sa Mayo 4 hanggang Mayo 12 . Sa Hunyo 13 ang huling araw ng pagsumite ng Statements of Contributions and

‘ TITIBO-TIBO ’ AT KULTURANG BABANO-BANO

by Ericson Caguete
NAGPAPALAGANAP ng bulok at mapang-aping kaisipan sa mga miyembro ng LGBT ang kantang sikat ngayon sa kabataan .
Medyo pumanting ang tainga ko sa videoke ng mga kapitbahay nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon . Maliban sa nakasanayan nang pakinggan tulad ng mga kanta nina Jerome Abalos , Rey Valera , Victor Wood , Tom Jones at , siyempre , ang nag-iisang Frank Sinatra . At dahil pabata nang pabata ang populasyon sa Pilipinas , di hamak na dominado ng millennials ang taun-taong estadistika . Dahil nakalakihan naming millennials ang videoke , magpapatalo ba naman kami sa aming mga tito / tita ?
Nakatawag-pansin talaga sa akin nitong nakaraang Disyembre ang hit na “ Titibo-tibo ” nina Moira dela Torre at Libertine Amistoso . Biruin mo , halos arawaraw mo itong maririnig sa bawat kalsadang may videoke . Bentangbenta sa millennials at kahit gradeschoolers ay kabisadongkabisado ito . Parang “ Stupid Luv ” ng Salbakuta noong Grade 1 ako . Bilang mga musikero , maituturing na big break ito nina dela Torre at Amistoso .
Pero sa totoo lang , kapag nawala ang pagkahibang mo sa boses ng kumakanta ay isusuka mo ito at di mo pahihintulutan
Expenditures ( SOCE ).
Kaya naman , ang 829 Barangays sa lalawigan ng Cavite ay naghahanda na para maging maayos , tahimik , mapayapa at malinis ang gaganaping eleksyon . Kabi-kabila na ang paglulunsad ng mga mandatory trainings sa mga Brgy . Officials gayundin sa mga myembro ng Task Force on Youth Development o TFYD , alinsunod sa mandato ng DILG .
Paalala din na sa panahon na deklarado ang Election Period ( Abril 14 hanggang Mayo 21 ), ipinagbabawal ang mga sumusunod : 1 . Pagdadala ng baril o anumang
ang mga bata na kantahin ito .
Subukan nating himayin . Tungkol ang “ Titibo-tibo ” sa babae na mula pagkabata ’ y may tendensiyang lesbiyana , na nang lumao ’ y nainlab sa isang lalaki . Mula raw noong nainlab , natuto na siyang gumawa ng “ girly things ” tulad ng pagpa-rebond at mag-ahit ng kilay . Ayon pa sa kanta , may kung anong hiwaga rin daw ang halik ng lalaking iyon na bumuhay sa kanyang “ pagkababae ”.
Bigla kong naalaala ang komento ng kumakandidato noong si Sen . Manny Pacquiaotungkol sa mga bakla . Sa panahong iyon , pinutakti siya ng mga puna sa social mediamaging ng celebrities tulad ni Boy Abunda . Siguro naman , may Facebook at Twitteraccounts sina dela Torre at Amistoso , o di kaya kahit TV man lang para mabalitaan itong nakakainsultong mga komento ni Pacman sa mga bakla . Marahil hindi sila malay sa komposisyon ng kanta nila dahil nananaig pa rin sa kanila ang kulturang macho . Pero curious ako kung may napagtanto nilang ang kabaligtaran ng titibo-tibo ay babakla-bakla ? Mas masakit sa tainga .
Magandang halimbawa ang hit na “ Sirena ” nina Gloc9 at Ebe Dancel na sana ’ y naging inspirasyon nina dela Torre at Amistoso . Mababatid sa deadly weapon . Maging ang paglilipat nito sakay ng sasakyan ay bawal din . 2 . Paglipat o pag-detail sa mga opisyales o empleyado sa pampublikong serbisyo kasama ang mga public school teachers . 3 . Paggamit ng security personnels o bodyguards ng mga kandidato . 4 . Pag-suspinde sa anumang elected position sa antas probinsya , bayan , lungsod at maging sa barangay .
Bilang dating Kapitan ng Brgy . Panapaan 7 sa Lungsod ng Bacoor , ako ay lubos na natutuwa dahil sa kabila ng ilang beses na pagsuspinde ng Barangay at SK Elections , sa wakas , ay matutuloy na ito . Ako ay naniniwala na sa isang matatag at maayos na pamamahala sa bansa ay nagsisimula sa matatag at maayos na pamamahala sa mga Barangay . Ang ating mga butihing Barangay Officials ang siyang mahigpit nating katuwang sa pagpapatupad ng mga batas sa
kabuuan ng liriko ang matinding pagbangga ng persona sa kinalahakihan niyang kultura : na anumang mangyari , ito ang kanyang gusto at wala kayong magagawa . Tanyag sa huling bahagi ng kanta ang mga linyang “ Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha / Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla .” Ganoon din ang konteksto sa kanta ng Siakol na “ Ituloy Mo Lang ”.
Hindi ko mawari kung anong mayroon sa bumubuo ng Himig Handog 2017 at ipinapanalo nila ang ganitong mga klase ng kanta . Isipin mo na lang , sa buong ABS-CBN , ilan ang bakla at tibong empleyado nila ? Sa likod ng naggagandahang mga set ng mga estasyon ng telebisyon ang duguang bakbakan ng mga editor , staff , at iba pang bumubuo rito . Naisip ko lang talaga kung bakit wala silang komite para suriin ang nilalaman ng kanilang komposisyon . Baka siguro kapag may nagsumite riyan ng tungkol sa pag-iibigan ng dalawang NPA , at may backings na “ Mabuhay ang rebolusyon ” eh tiyak na ise-censor nila ito . Hindi rin naman ako naniniwalang dahil sa freedom of expression kaya di nila iyon pinapalitan . O baka tropa-tropa rin sa judgetulad sa mga kontest at palihan sa pagsusulat . Kung anuman iyon , hindi natin alam .
Kung tutuusin , di naman bago ang “ Titibo-Tibo .” Nariyan
kani-kanilang mga nasasakupan . Sila ay nagseserbisyo 24 / 7 at maaasahang mapanatili ang kaayusan , katahimikan at pagunlad ng kanilang barangay .
Mas lalong higit ang aking kasiyahan nang malaman kong matutuloy na ang Sangguniang Kabataan Elections . Mula sa bagong SK Reform Act 10742 , naniniwala ako na mas magiging maayos ang pamumuno sa mga kabataan sa ating bansa . Tulad ko , bilang isa sa mga batang Bise Gobernador sa ating bansa , hindi ko mailalayo sa aking tungkulin ang paglingkuran ang mga kapwa ko kabataang Caviteño . Una lagi sa aking adbokasiya na bigyang pagpapahalaga ang boses at karapatan ng bawat kabataan sa lalawigan ng Cavite . Kaya naman , hinihikayat ko ang lahat ng mga kabataang Caviteño na makiisa at makisangkot sa gaganaping SK Elections ngayong Mayo .
Nais ko ding bigyan ng paalala ang lahat ng mga kandidato sa mga sumusunod na pinagbabawal na probisyon sa panahon ng Kampanya ( Mayo 4 hanggang Mayo 12 ): 1 . Magbigay ng anumang donasyon , maging pera man o bagay . 2 . Magtala o gumamit ng special policemen o confidential agents .
ang “ Di Ako Bakla ” niTuesday Vargas . At siyempre , ang grabeng panlalait ni Bitoy sa kanyang kantang “ Mamaw .” Kung ganito ang mga kinalalakihan natin , matinding pagbakbak talaga sa machismo ang kailangang gawin . At hindi ito mabubura basta-basta ng band-aid solution , o di kaya ’ y pagbibigay ng karapatan sa LGBT na maging public official . Kailangan sa ’ tin , tabula rasa . Tipong buburahin natin ang lahat ng alam nating mali sa lipunan . Nasa nagpapalaki rin sa atin iyan . Kung kupal ang gobyerno , asahan na rin nating kupal ang lipunan . Pero siyempre , kailangan mong makuha ang pampulitikang kapangyarihan . Ibang usapin pa iyon . Hehe .
Ano pa bang magagawa natin ngayong nasa mga videoke na ang kanta ? Nakatatak na sa isip natin at kalat na sa lyrics sites ang “ Titibo-tibo ”. Sabi ng isang kaibigan , naimortalisa na raw dahil nakarekord na . Pero oks lang ‘ yan , sa mga susunod na panahon , pagtatawanan na lang natin ito tulad ng mga ex ninyo .
Kung babalikan ang kasaysayan , mahihinuha natin kung paano umunlad ang musika sa paglipas ng mga panahon . Kung noon , sa Europa , para sa mga aristokrata lang ang musika , abot-kamay na ngayon ito sa pamamagitan ng smart phones . Isang Googlesearch na lang , mada-download mo na . Naging tulay rin ang musika sa pagpapalakas ng kilusang masa para sa pagbabagong panlipunan . Tanyag noon sa US ang awitin nina Bob Dylan at John Lennon upang kondenahin ang giyerang pananakop ng US sa Vietnam at paggigiit sa karapatan ng mga Aprikano-Amerikano . Naging

5

3 . Pagtatayo at pagsasaayos ng mga kalsada at tulay na pinondohan ng Barangay . 4 . Pagtatalaga o pagkuha ng mga bagong empleyado , paglikjha ng bagong posisyon , promosyon , pagdaragdag ng sweldo , bayad at iba pang pribilehiyo .
Tandaan natin na sa panahon ng eleksyon , LAHAT NG MGA PILIPINO AY PANTAY- PANTAY . Walang anumang partidong kinabibilangan ang mga kandidato . Ang mga mayayaman ay pareho lamang ang bilang ng boto sa mga mahihirap . Ito ang panahon kung saan ay mabibigyang pansin an gating karapatan sa pagpili n gating mg leaders at sino ang gusto nating bigyan ng mandato para tayo ay paglingkuran . Kaya naman , huwag nating sayangin ang pagkakataong ito . Nasa mga kamay natin ang tatakbuhin n gating hinaharap sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong maglilingkod sa atin at lahat ng ito ay siguradong magagawa natin dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE , WALANG IMPOSIBLE !
Kaya sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino , tayo ay makialam , makisangkot , bumoto at magpaboto . Dahil karapatan natin ito . Kaya PINOY , IKAW ANG IDOL KO !
boses naman ng maralitang tagalungsod sa London ang punk band na The Clash . Sa Pilipinas , naging tanyag noong dekada ’ 80 ang “ Tatsulok ” ng Buklod .
Pero siyempre , hindi ang mga ito ang nagpabago sa mga lipunan . Mga mamamayan pa rin ang mapagpasya . Mababatid na ang lahat ng ito ’ y salamin ng anumang catalyst sa mga lipunan . Kung di naman dahil sa mga Black Panther , hindi maisusulat ng The Beatles ang kantang “ Black Bird ”. Kung di rin bumagsak ang Berlin Wall ay walang “ Wind of Change ” ang Scorpion . Kung di nga naman ganoon kasalimuot ang mamuhay sa ghetto , walang maisusulat na mga obra si Tupac Shakur .
Sa huli , isa lang naman ang sasabihin ng mga Marxista : ang lahat nang ito ’ y bahagi ng umiigting na tunggalian ng mga uri sa lipunan . Madugo ang kasaysayan ng sangkatauhan , masalimuot ang ating proseso sa pagpapakatao . Kaya ’ t pagtiisan mo muna ang “ Titibo-Tibo ”. Sabi nga ’ t kung gaano raw kabilis ang pagsikat , ganun rin kabilis ang pagkalaos . Basta , huwag mo lang lalaitin ‘ yung mga masang nakikinig ng ganitong kanta . ‘ Wag kang mag-ala JD Salinger o Ayn Rand kasi baduy . Hayaan mo , kapag nagtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon , baka lahat ng musikero sa Pilipinas maging jazz player at wala ka nang mababasang angas sa social media na “ OPM is Dead .” Charing !
May joke ako bago mo ito matapos basahin : Paano mo gagawing bulok ang nonbiodegradable ?
Eh di , ipalamon mo sa sistema !