Ang Caviteno Newsweekly February 12-18, 2018 Issue | Page 4

Own up , man up

4 OPINYON Pebrero 12-18 , 2018

Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Cavite na inilalathala tuwing Lunes / PRINTING PLANT : Sinag Publishing & Printing Services , National Highway , Brgy . Parian , Calamba City , Laguna . Tel nos . ( 049 ) 834-6261 & ( 049 ) 5763112 / OFFICE ADDRESS : Blk . 25 , Lot 4 Ph-1 Greensborough Subd ., Sabang , Dasmariñas , Cavite / Subscription fee : One year P360.00 Six Months : P180.00 / Commercial Advertising rate : P200 per column cm and legal notices P160 per column cm / MEMBER : Publisher ’ s Association of the Philippines , Inc . ( PAPI ) / Raia Jennifer E . Dela Peña Managing Editor / P . L . Villa , RC Asa Contributing Editors / Aaron Paul Gueta , Jacquilou Lirio , Maria Carlyn Ureta , staff writers / Ruel T . Landicho Lay-out Artist / Ezra Loscos Legal Consultant . email add : tambuli _ press @ yahoo . com & sinagprinting @ gmail . com

Own up , man up

SENATOR Richard Gordon has accurately described the meetings of then President Benigno “ Noynoy ” Aquino III with Sanofi Pasteur that led to the “ hasty ” purchase by the Philippines of the anti-dengue vaccine Dengvaxia as “ unethical ”.
Aquino ’ s two meetings with officials of the pharmaceutical giant took place on November 9 , 2014 in Beijing , China and on December 1 , 2015 in Paris , France .
The chair of the Senate Blue Ribbon Committee emphasized that Aquino should own up to the responsibility of spending billions of pesos of taxpayers ’ money in buying a vaccine that does more harm than good to those inoculated with it .
Alas , Gordon pointed out , like in the Mamasapano incident in which 44 members of the Special Action Force ( SAF ) were massacred in Mindanao in a botched raid in a terrorist ’ s lair , no apology was ever offered by Aquino .
Gordon lamented that in both the Mamasapano and Dengvaxia brouhahas , Aquino should have said mea culpa , but the former president was even evasive and chose instead to engage in finger-pointing .
We agree with Gordon though that Aquino cannot easily escape criminal and civil liability over Mamasapano and his administration ’ s questionable procurement of Dengvaxia .
As US President , Harry Truman kept a sign at his desk in the Oval Office which said : “ The buck stops here .” For Truman , presidents must ultimately take responsibility for the decisions they make .
Going by Gordon ’ s observations , for Noynoy Aquino the buck can stop anywhere except his front door .
Ni Teo S . Marasigan

Mga Panloloko Matapos Dakipin si Jose Ma . Sison

I know that he was a wise man and a courageous one , and that he had need of both qualities . – E . P . Thompson ISA ako sa mga naniniwalang napakasamang balita ang ginawang paglansi at pagdakip kay Prop . Jose Ma . Sison , gayundin ang paghalughog sa bahay niya at mga opisina ng National Democratic Front o NDF , sa bansang The Netherlands nitong nakaraang mga araw . Sigurado akong hindi masisira ng ganitong mga hakbangin ang kagalang-galang na reputasyon niya – ang totoo , lalong napapabango ang pangalan niya ng nangyari . Pero pinatatampok ng mga naganap ang ilang garapalang panloloko sa sambayanan .
Sa mga sulatin ng ilang intelektuwal , ihinahanay na si Prop . Sison sa ilang personalidad mula sa naunang henerasyon na naiba sa sandamukal na tradisyunal na pulitiko at konserbatibong intelektuwal dahil sa pagiging tunay na “ makabayan ” – silang lumaban sa imperyalistang kontrol , pangunahin ng US , para sa bayan . Sa tanaw ko , tampok sa mga makabayang ito sina Claro M . Recto , Lorenzo M . Tañada , Jose W . Diokno , Renato Constantino at Alejandro Lichauco . Kaisa at katulad nila , inilantad ni Prop . Sison ang imperyalistang kontrol sa bansa at inilahad niya ang isang alternatibang makabayan .
Higit sa ganitong paglalantad at paglalahad , gayunman , idiniin ni Prop . Sison na para maitaboy ang imperyalistang kontrol at maipatupad ang alternatibang makabayan , kailangan ang isang rebolusyon – ang pagbabago ng kamalayan , puso at diwa ng nakakaraming naghihirap , pinagsasamantalahan at inaapi sa lipunan at ang kanilang samasamang pagkilos para agawin ang kapangyarihang pampulitika sa bansa . Gagamit ng dahas ang rebolusyong ito – laban sa kanilang iilan na dahil sa interes na magpahirap , magsamantala at mang-api ay marahas na lalaban sa rebolusyong ito .
Higit sa ganitong pagdidiin , gayunman , sumuong si Prop . Sison – mula sa pagiging propesor at eredero ng pamilyang panginoong maylupa at pulitiko – sa pangunguna sa pagbuo ng kilusan para sa makabayan at makamasang rebolusyon . Dahil kalaban siya ng mga may hawak ng yaman at kapangyarihan , dinanas niya ang maraming panganib at pahirap : Nagtago at nakulong . Tinortyur at ibinartolina ng diktadura . Pinalaya ng pag-aalsang bayan pero niligalig ng pamamaslang kaya napilitang madestiyero sa ibang bansa . Binansagang “ terorista ,” inalisan ng kakaunting natipid , at ngayon ay ikinulong .
Marahil , pangunahing paliwanag sa mga atakeng ito ang kilusang itinatag at sa ilang panahon ay pinamunuan niya . Lumakas ang kilusang ito kahit sinupil ng nagdaang mga rehimen , maging ng diktadura . Mahalaga ito sa pagbabagsak sa dalawang pangulo at pagkakamit ng mga reporma para sa mga mamamayan . Ni hindi ito nalito ng maka-imperyalistang propaganda hinggil sa “ pagbagsak ng sosyalismo ”. Sa ilang panahon , natirang kilusang mapagpalaya ito sa Asya . Hinigitan na nito ang Katipunan ng 1896 sa lawak at tatag . Nangunguna ito ngayon sa paglaban ng mga mamamayan sa daigdig .
Kung paanong isinusuka ng rehimen , ng naghaharing mga uri , at ng mga imperyalista ang mga kaisipan niya , hindi rin nila matanggap na hindi si Prop . Sison ang dahilan ng tuluy-tuloy na paglakas ng kilusang kadikit ng pangalan niya . Ang walang puknat na pagsasamantala , hirap at pandarahas na dinaranas ng sambayanan , at ang pag-aapuhap nito ng pagbabago ang tunay na dahilan . Ang matalas na suri , ang makabayan at progresibong mga prinsipyo , ang husay sa taktika at estratehiya , at ang halimbawa ng pagpupunyagi ni Prop . Sison – balewala ang lahat kung iba ang lagay ng sambayanan .
Kaya malaking panloloko ang sabihing mapapabilis ng ginawa kay Prop . Sison ang pagpawi sa rebelyon sa bansa . Hindi , dahil lalong ipinakita ng nangyari na marahas at malupit ang rehimen at imperyalismo sa mga lumalaban dahil patuloy ang mga ito sa pagbaboy sa sambayanan . Malaking panloloko ang sabihing madedemoralisa at matatakot ang mga makabayan at progresibo . Hindi , dahil ipinapakita ni Prop . Sison na sa kabila ng edad niya at sa dami ng kanyang pinagdaanan , patuloy siyang haharap at lalaban . Pinagaalab ng halimbawa niya ang diwa ng mga progresibo at makabayan .
Napakalaki ring panloloko ang sinasabi ng dalawang biyuda na
“ nainggit ” si Prop . Sison – kanino ? – kina Romulo Kintanar at Arturo Tabara kaya ipinapatay niya ang mga ito . Kanino ? Kung pag-aaralang mabuti ang kasaysayan ng Kaliwa sa Pilipinas , makikitang pinarusahan ang dalawa ng buong pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas dahil sa iba ’ t ibang krimeng nagpahamak sa mga kasamahan at lumabag sa mga prinsipyo at awtoridad ng kanilang kilusan . Makikita ring ang ipinagmamalaking “ paglakas ” ng New People ’ s Army sa pamumuno ni Kintanar ay basta-basta , kaya mabilis ding nawala .
Nagpapakilalang dating mga opisyal ng PKP ang dalawa . Kung gayon , dapat alam nilang hindi iisang tao ang nagpapasya ng mga pagpaparusa . O diktadura ba ang nakita nilang pamumuno ng asawa nila ? Sinasabi rin ng pamunuan ng PKP na matapos mapatalsik , ang dalawang pinarusahan ay nakipagkutsabahan sa Estado laban sa PKP . Tila ipinagpapatuloy ng mga balo ang pakikipagsabwatang ito sa pagkalkal ng “ baho ” ng Kaliwa sa publiko . Pero walang takot pa rin silang nakalantad , dahil alam nila – sa kaibuturan ng puso nila – na hindi “ inggit ” o “ galit ” ang batayan ng PKP sa pagpaparusa .
Siyempre , hindi pahuhuli ang kinatawan ng gobyernong US , si Bb . Kristie Kenney . Matapos sabihing “ isyu ng Pilipinas ” ang nangyari , binati niya ang rehimeng Arroyo sa ambag nito sa “ giyera kontra-terorismo ”. Mula sa pagiging malapit na magkaalyado ng US at The Netherlands , hanggang sa katangian ng operasyon at pag-alpas nito sa maraming salimuot , halata ang papel ng US . Sa paulit-ulit na kapalmukhang pambabansag ng “ terorista ” ng kinikilala ng buong mundo bilang numero unong terorista , nagiging taimtim ang kagustuhang palayasin ang mga kampon nito sa bansa .
Sa harap ng malaganap at organisadong panloloko lalo na sa pamamagitan ng midya , sa isang programang comedy ng mga batang artista ko nakita ang pinakamatalas na paggigiit ng dangal ng mga niloloko . Sa isang eksena , nangangako sa entablado ang isang pulitiko ng kung anu-ano – na kung iboboto siya , wala nang maghihirap at magugutom . Sabi ng isang manonood , “ Oy ! Mahirap lang kami , ano ! Hindi kami tanga !” 31 Agosto 2007