Ang Caviteno Newsweekly February 05-11, 2018 Issue | 页面 4

LISTEN to what the people have to say .
That ’ s what Senate President Pro Tempore Ralph Recto suggests to the members of the consultative committee created by President Rodrigo Duterte to revise 1987 Constitution .
It ’ s a sound suggestion . That view had earlier been aired by former Senate President Aquilino Pimentel Jr ., who said that the people should be actively involved in the entire Charter change process , and not just when they cast their vote during a referendum-plebiscite to approve a draft constitution .
The fundamental law , after all , is the framework that governs the affairs of the nation for many years and even decades to come , as it lays down the basic principles and the structure that the government must follow as well as the rights and responsibilities of the citizenry .
Drawing the widest possible participation by the people in Cha-cha guarantees that the citizenry will be sufficiently educated on how government works , and more important , that they themselves realize that they have a stake in the future of this nation .

4 OPINYON Pebrero 05-11 , 2018

Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Cavite na inilalathala tuwing Lunes / PRINTING PLANT : Sinag Publishing & Printing Services , National Highway , Brgy . Parian , Calamba City , Laguna . Tel nos . ( 049 ) 834-6261 & ( 049 ) 5763112 / OFFICE ADDRESS : Blk . 25 , Lot 4 Ph-1 Greensborough Subd ., Sabang , Dasmariñas , Cavite / Subscription fee : One year P360.00 Six Months : P180.00 / Commercial Advertising rate : P200 per column cm and legal notices P160 per column cm / MEMBER : Publisher ’ s Association of the Philippines , Inc . ( PAPI ) / Raia Jennifer E . Dela Peña Managing Editor / P . L . Villa , RC Asa Contributing Editors / Aaron Paul Gueta , Jacquilou Lirio , Maria Carlyn Ureta , staff writers / Ruel T . Landicho Lay-out Artist / Ezra Loscos Legal Consultant . email add : tambuli _ press @ yahoo . com & sinagprinting @ gmail . com

Crowdsourcing Cha-cha

LISTEN to what the people have to say .
That ’ s what Senate President Pro Tempore Ralph Recto suggests to the members of the consultative committee created by President Rodrigo Duterte to revise 1987 Constitution .
It ’ s a sound suggestion . That view had earlier been aired by former Senate President Aquilino Pimentel Jr ., who said that the people should be actively involved in the entire Charter change process , and not just when they cast their vote during a referendum-plebiscite to approve a draft constitution .
The fundamental law , after all , is the framework that governs the affairs of the nation for many years and even decades to come , as it lays down the basic principles and the structure that the government must follow as well as the rights and responsibilities of the citizenry .
Drawing the widest possible participation by the people in Cha-cha guarantees that the citizenry will be sufficiently educated on how government works , and more important , that they themselves realize that they have a stake in the future of this nation .
Ni Teo S . Marasigan

Magkano ang Buhay ng Aktibista ?

HINDI NA maikakailang pambansa , sistematiko at tuluy-tuloy ang pamamaslang sa mga aktibista sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal- Arroyo . Sinasabing kulangkulang anim na daang ( 600 ) aktibista – kasapi at lider ng mga organisasyon , taong simbahan , abogado at iba pa – ang pinaslang simula noong 2001 . Kadalasang ang gumagawa ay iilang armado – tinatawag na ngang “ death squads ” – na may tiyak na impormasyon kung nasaan ang kanilang target . Para sa mga sumusubaybay sa isyu , usap-usapan na kung sino ang huling pinatay kanina , kahapon , noong isang araw o linggo , at saan .
Taliwas sa naunang akusasyon ng gobyerno , partikular ni National Security Adviser Sec . Norberto Gonzales , ang mga layuning mababakas sa mga pagpatay ay nagtuturong ang gobyerno ang nasa likod nito , hindi ang Kaliwa o ang Partido Komunista ng Pilipinas . Sa publiko , naghahasik ng takot ang pamamaslang – para huwag sumali o tumulong sa mga aktibistang organisasyong kinabilangan ng mga pinatay . Sa organisasyon ng mga aktibista , nanggugulo ang pamamaslang , bagamat maaaring panandalian lamang . Sa ganitong mga paraan din tinatamaan ang kilusan para sa pagpapatalsik kay Arroyo .
“ Internal na pagpupurga ” ang tawag ni Gonzales sa akusasyon niyang ang PKP , sa pasimuno ni Jose Ma . Sison , ang gumagawa ng pamamaslang . Pinagdugtong niya ang bansag na “ terorista ” kay Sison at ang pagpatay ng PKP sa mga kasapi nito noong unang bahagi ng dekada
1980 . Pero hindi PKP , o mga aktibistang organisasyon , ang makikinabang sa mga layuning nasa itaas . Bukod pa rito , sinumang nag-aral ng kasaysayan ng PKP ang makakapagsabing puspusang tinuligsa ng PKP mismo ang pagkakamali nito . Noong rumaragasa ang trahedyang ito , si Sison ay nasa bartolina . Sa ganitong pagtingin , malaking kasinungalingan at tusong pakana ng rehimen ang pagsasabing ang PKP o mga aktibistang organisasyon ang salarin sa mga pagpatay . Gayundin ang pagsasabing ang mga anti-Arroyong elemento sa militar – na diumano ’ y nakipag-alyado sa Kaliwa para patalsikin si Arroyo – ang nasa likod ng pamamaslang . Gustong sagarin ng rehimen ang pakinabang sa pamamaslang at pasamain sa opinyong publiko – at sa gayon ay ihiwalay para lalong birahin – ang nangungunang mga kalaban nito . Pero hindi niyayakap ng opinyong publiko ang ganitong mga paningin .
Kaya grabeng kasamaan ang ipinakita ng rehimen sa pagpatay kay Sotero Llamas . May partikular na motibo ang pagpatay sa kanya : Ang palabasing totoo ang kasinungalingan ng rehimen . Paano , kilala si Llamas na dating lider ng PKP na nitong huli ay tumakbong gobernador ng Albay – na , sa mata ng publiko , ay pagdistansya sa PKP . Sa pagpatay kay Llamas , gustong palabasin ng rehimen na pinapatay ng PKP ang mga lumalayo rito , na hindi nito matanggap ang pagsalungat ng opinyon , na wala itong sinasanto , at – sang-ayon sa akusasyon ng rehimen – gusto nitong patayin si Arroyo at iba pang pulitiko .
Grabeng kasamaan ito . Hindi pagtigil sa pamamaslang ang naging tugon ng rehimen sa paglakas ng opinyong publiko laban dito , kundi pagsasamantala at pagsisinungaling : Pagbira sa kalaban , at pagsasabing ang mga biktimang organisasyon ang salarin . Para bigyan ng buhay ng katotohanan ang kasinungalingan , pinag-alayan ito ng bagong dugo . Malaon nang ipinakita ng rehimen na wala itong pagpapahalaga sa katotohanan . Ngayon , ipinapakita rin nitong wala itong anumang pagpapahalaga sa buhay . Tanging interes na magkapit-tuko sa yaman at kapangyarihan ang nananaig dito ngayon .
Sa duwag at patraydor na pagpatay ng rehimen , gayunman , lumulutang ang matapang at prinsipyadong buhay ng mga pinatay . Karaniwang tao silang inilaan ang buhay , lakas at talino para sa hindi karaniwang pagbabagong kailangan ng ating lipunan . Sa pagpatay sa kanila , dapat managot ang mga kriminal . Higit pa rito , gayunman , sa halaga ng buhay nila , dapat baguhin ang sistemang nagluluwal at bumubuhay sa mga kriminal . Ayon nga sa makatang si June Jordan , “ Itinutulak ng kasaysayan ang mga dinahas sa karahasan at , isa sa mga araw na ito , ang karahasan ay literal na maghuhudyat ng katapusan ng karahasan bilang paraan ”.
Magkano ang buhay ng aktibista ? Mahal . Kabulukan ng lipunan ang isinasakdal .
11 Hunyo 2006